Note

2 0 0
                                    

Sinulat ko ang flashbacks based sa real-life experience ko noong bata ako. Lalo na ang chapter 3. Share ko lang ang maikling kwento tungkol dito.

Bata pa ako noon noong dinala kami ni Papa sa Baguio upang magbakasyon. Doon kasi nagt-trabaho si Papa ko bilang isang musikero. Nangungupahan kami sa isang apartment, katulad ng settings ng storya kung saan nakatira sila ni Chisha at Jeka, sa apartment nila ni Papa, ay may pamilya ding nakatira sa baba nito.

Nakakilala ako ng batang ka-edad ko. Siya 'yung naninirahan sa baba namin. Naging magkaibigan kami at simula noon ay lagi niya akong pinapatuloy sa bahay nila para maglaro. Nakilala ko din 'yung Kuya niya. Kambal ang Kuya niya. 'Yung isang Kuya niya ay ang palaging nasa bahay, naaalala ko pa kung gaano siya kabait. Hindi ko na maalala pero ang natatandaan ko ay maputi siya at gwapo, 〃゚3゚〃. Mabait siya at palangiti din. 'Yung isang Kuya niya naman ay hindi ko madalas makita at ni minsan din ay hindi ko din nakausap. Hindi ko alam kung anong ugali niya.

Isang araw ay lumabas ako sa pintuan namin para sana bumili pero ayun nga pagkabukas ko ng pinto, ay nasaksihan ko 'yung pagpapalayas doon sa isang Kuya niya. As in nakita ko kung paano itinapon sa kanya lahat ng gamit niya palabas. Hindi ko nga lang alam kung bakit siya pinalayas 'nun.

Tumatak talaga sa akin ang pangyayaring 'yun kaya hanggang ngayon ay hindi ko pa rin  makalimutan.

Bata pa talaga ako noong nangyari 'yun kaya hindi ko na masyadong maalala. Pati na rin 'yung pinagsamahan namin nung batang nakalaro ko dati. Hindi ko na din maalala ang pangalan at mukha niya dahil blurred na talaga sa isipan ko.

Kung mabibigyan lang ng pagkakataon ay sana makita ko ulit siya. Though parang imposible na talaga kasi hindi ko na talaga siya gaanong maalala, ganun din siguro siya sakin kasi ang tagal na ng panahon simula noong nangyari 'yun.

Hello sayo childhood friend at Kuyang Pogi hehehe.

So ayun nga, hehehe kwento lang. Please continue reading! Thank you.

Meet Me At The Bus StopTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon