Day 193 & 194

23 1 0
                                    

Day 193

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Ang pagpapatawad sa kapwa ay nagpapasarap sa samahan, ngunit ang pagkakalat ng kahinaan ay sumisira ng pagkakaibigan. 

Mga Kawikaan 17:9 MBB05




English:

Whoever would foster love covers over an offense,

but whoever repeats the matter separates close friends.

Proverbs 17:9 NIV





********

Iba-iba ang pamamaraan nating mga tao pagdating sa pagpapatawad. May pangyayari kasi na maliit lamang ang nagawang pagkakamali na madaling ibigay ang pagpapatawad ngunit may mga pangyayari din naman na mahirap ibigay ang kapatawaran sa mga nakagawa nito sa atin lalo pa at mga malalapit sa ating puso ang nakagawa ng kasalanan sa atin.

Ngunit maluwag sa dibdib at mapayapang pamumuhay ang marunong magpatawad sa kapwa. Humingi man ito ng tawad o hindi kung tayo sa ating sarili ay marunong magpatawad sa kanilang ginawang kamalian sa atin ang Diyos ay malulugod at kasisiyahan ang ating gawa. 

Ngunit dala ay gulo at pagkawasak ng pagkakaibigan ang taong mapagkalat ng kahinaan ng kaibigan. Magwawakas sa hindi magandang pagkakaibigan ang kaibigang hindi marunong pagkatiwalaan. Hindi maituturing na kaibigang masasandalan bagkus kaibigang magdadala sayo sa kapahamakan.

Kaya't piliing mabuti ang sinumang kanyang kakaibiganin at sikaping iwasan ang makapagbigay ng mga personal na problema sa mga taong hindi mapagkakatiwalaan. Mas mainam na sa ating Panginoon lamang tayo humingi ng tulong at gabay kung tayo ay may dinaramdam. Sapagkat ang Panginoong Hesus lamang ang kaibigang tunay na masasandalan.

#GodBlessUs😇❤

#day193 ❤

#toGodbetheglory

#keepussafealways


==================================


Day 194

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

"Pumasok kayo sa makipot na pintuan. Sapagkat maluwang ang pintuan at malapad ang daang papunta sa kapahamakan, at ito ang dinaraanan ng marami. Ngunit makipot ang pintuan at makitid ang daang papunta sa buhay, at kakaunti ang nagdaraan doon." 

Mateo 7:13‭-‬14 MBB05 





English:

"Enter through the narrow gate. For wide is the gate and broad is the road that leads to destruction, and many enter through it. 14 But small is the gate and narrow the road that leads to life, and only a few find it.

Mathew 7:13-14 NIV




 *******

Marami ng nakakapakinig ng salita ng Diyos ngunit kakaunti lamang ang tumatanggap nito. Dahil mas gusto nating mga tao ang maganda, marangyang at madaliang pamumuhay. Nasisilaw tayo sa kinang, kaaliwan at karangyaan ng mundo, mga makamundong gawin mas binibigyang pansin. Ngunit ang lahat ng ito ay walang kabuluhan, gulo at kapahamakan ang dulot nito sa atin ating buhay. Higit na mainam ang daang makatid ngunit ang dulo ay buhay na walang hanggan. Kapayapaan at kaligayahang di kayang ibigay ng mundo ang kaloob sa mga taong pinipili ang daang makitid.

#GodBlessUs😇❤

#day194 ❤

#toGodbetheglory

#keepussafealways

365 Days || Bible Verses (2021)Where stories live. Discover now