CHAPTER 26

37 3 0
                                    

ELY's POV

Hindi ako mapakali buong gabi dahil sa kakaisip kung ayos lang ba si Ken. Gusto kong pumunta sakanya kaso lang baka makulitan lang kaya naman minabuti kong agahan nalang ang pagpunta sa bahay niya bukas.

Makalipas ang isang oras kung pag-ikot sa higaan ay nakaramdam na rin ako ng antok.

**

9: 00 AM

Halos lundagin ko ang kama ng paggising ko ay alas nuebe na. Gusto ko maaga na makapunta kay Ken pero ang ganda ng naging panaginip ko kaya heto halos tanghali na ako nang magising. jusko naman!

Pagkababa ay rinig ko na mula sa labas ang sigaw ni mang Elmo at aling Nena

"Ely, anak!"

"Bakit po? Ano pong nangyari?", tanong ko. Bakas sa mga mukha nila ang pag-aalala.

May nangyari na naman ba?

**

Hindi ko na alam kung anong nangyari at nasa harap na ako ng bahay ni Ken habang habol ko ang aking hininga.

Palagay ko'y iiyak na tong pinto sa lakas ng katok ko.

"Ken? nandiyan ka ba? Ken?!!", sigaw pa rin ako ng sigaw.

Nadatnan naman ako ng mga magulang niya at sinabing binuksan na nila ang bahay at hinagilap sa lahat ng sulok pero wala si Ken.

Naisipan namin na baka nasa bundok ang mga ito nang biglang sumulpot si Lemuel.

"Ate--- nahuli na daw yung nakabangga kay ate Lia", humahangos pa rin nyang tugon.

Natigilan ako sa narinig. Pero mas lalo akong natigilan nang ipakita ni Lemuel ang larawan.

Agad ko namang kinuha ang susi mula kay aling Nena at dali-daling binuksan ang pinto.

Pumunta ako sa parte kung nasaan ang litrato ng mga magulang ni Ken. Makailang beses kong sinalit-salit ang pagtingin sa dalawang larawan pero magkapareho talaga sila.

Papa ni Ken? Papa niya ang nakasagasa kay ate Lia?

Sa gitna ng aking pagkagulat ay isang papel na nasa mesa ang nakatawag ng aking pansin. Isa palang sulat. Para sakin. Mula kay Ken.

Ely,

Kung binabasa mo man ito ngayon, iisipin kong alam mo na ang katotohanan. Patawarin mo ako, ngayon ko lang din nalaman. Patawad, nasaktan ka nang dahil sa mga magulang ko. Kung alam ko lang, hindi na sana ako naglakas ng loob na maging malapit sa'yo, na mahalin ka. Patawad, kung minahal kita. Alam kong hindi ako karapat-dapat. I'm so sorry. I can't even look at you because of guilt. I don't even know how much sorry to make you feel better. Ely, Sorry. Sorry, kung magiging duwag muli ako. Hindi ko deserve ang pagmamahal mo. Magiging paalala lang ako sa sakit na naranasan mo at ayaw kong mangyari yon sa'yo. Patawad. Sa mga oras na mabasa mo to, wala na ako.
Tandaan mo, mahal na mahal kita.

- Ken

Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman. Pero iisa lang ang alam ko, walang kasalanan si Ken. At kailangan ko siyang pigilan sa pag-alis.

"Anthony, habulin natin si Ken", mangiyak-ngiyak kong tugon sa kaibigan ni Ken.

"Ely, makaabot man tayo sa airport pero hindi ako sigurado kung maabutan pa natin si Ken", tugon nito

"Aling Nena, pakitawagan po si Ken pakiusap!"

"Iniwan niya pati telepono, Ely.", giit nito sa utos ko.

Napaupo nalang ako sa panlulumo.

Hindi man lang siya nagpaalam ng personal

"Ely, pasensya ka na ha. Mahal na mahal kita", sabay halik sa aking noo pababa saking labi.

"Ate, sabi ni lola maaga daw pumunta sa bahay si Ken kanina para puntahan ka", pahabol ni Lemuel.

Kung ganun, hindi iyon isang panaginip?

______________

Kinabukasan, pumunta na kami sa presinto para harapin ang nagkasala. Ang papa ni Ken.

Sa susunod na linggo pa ang paglilitis pero gusto ko itong makita. Hindi dahil galit ako, gusto kong magpasalamat.

Nang abutan ko si mang Jacinto ay nakayuko lang ito. Umupo ako sa harapan niya, at nagsimula nang magsalita.

"Kahit na nagkasala po kayo sa akin, hindi po ako galit. Hindi ko magawang magalit. Pero, salamat po dahil kahit papaano hindi na po ako babangungutin", bigla naman siyang nagtaas ng ulo at bakas sa mukha nito ang pagsisisi.

"Ely, hindi ko alam kung paano makikipag-usap sayo. Sobrang nahihiya ako sa nagawa ko. Hindi ko inakala na magiging ganito ang kapalaran sa inyo ni Ken. Patawad"

"Hihintayin ko nalang po hanggang sa bumalik si Ken sa akin. Ngayon, iniisip pa niya na hindi kami nararapat sa isa't isa pero umaasa ako na babalik pa rin siya. Dahil mahal na mahal niya ako", wika ko pa.

Umuwi na kami lulan ang sasakyan ni Anthony. Siya nalang ang kilala kong may sasakyan.

"Wala pa rin bang balita o tawag galing kay Ken?", usal niya bigla.

Napabuntong-hininga nalang ako dahil wala ni isa. Naintindihan naman ni Anthony kaya nagpatuloy nalang ito sa pagmamaneho.

Nang makarating na kami sa bahay agad akong umakyat ng kwarto dahil s bigat ng nararamdaman ko.

Ilang oras din akong tulala.

"Ken, nasaan ka ba?"

The sun that melts usTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon