Chapter 23

31 2 0
                                    

I drank the wine I was holding while watching the people dancing in the middle of the dance floor. The lights are changeable in color, with poisonous smoke, and mixed with cigarettes as well.

But, my mind is on another world.  

Tinawagan ko si Einy para samahan niya ako na pumunta nga sa bar. Ito lang ang alam ko para maiibsan ang bigat ng damdamin ko. Ang  uminom at magpakalasing. 

Mapagalitan man kung mapagalitan. 

Tulog naman sina Mommy at Daddy. Kay Kuya Jnyx na lang ako nagpaalam.

Sinundan ko ng tingin si Einy na humahangos palapit sa akin. Hila-hila niya ang isang lalaki na nakilala niya ngayon-ngayon lang. Nginitian ko lang siya nang ngumiti ito sa akin pero hindi pa rin ako panatag na kasama ito ni Einy. 

Innocence face has a wild thoughts.

"Oh? Bakit ka mag-isa dito? Sayang naman outfit mo! Stand up na!" ani Einy.

Pabagsak itong umupo sa tabi ko at kumuha ng maiinom. Ako naman ang binagsak ko ang baso sa mesa. 

Tiningnan ko naman ang suot ko. Gusto ko pagtawanan ang hitsura ko kasi naka-pajama pa ako. Wala lang ako gana na magpalit pa o magsuot pa ng maganda kasi saglit lang naman ako dito tsaka sayang lang sa oras. 

"Anyways, hindi na pala kita mahahatid. May pupuntahan lang kami nitong si Kaleb." 

Nanliliit na mata ko tiningnan si Einy hanggang sa napunta ang tingin ko sa lalaki. The guy smiled again.

"Saan kayo pupunta?"

"D'yan lang,"

My brows wrinkled. "Anong d'yan-d'yan lang? Teka nga, ngayon mo lang naman 'yan nakilala. Don't trust too much, Einy." Nilakasan ko ang boses ko para marinig din ng lalaki. Naging malikot ang mga mata niya, umiiwas ng tingin.

Einy whined. Pinalibot niya ang kamay sa kaliwang braso ko at naglambing na. "But, I think...he's good guy naman. Payagan mo na ako."

I shook my head. She whined again, pouting too. In the end she give up. Pinaalis na lang niya ang lalaki. Nagdadalawang isip pa nga ito pero umalis na rin.

Next time na lang daw sila.

Hindi na ako kinibo ni Einy. Mukhang nagtampo. Dahil sa mabigat na ang damdamin ko, nainis na rin ako sa kanya.

"You're getting too attached easily! Paano kung may masama siyang binabalak sa'yo? Hindi natin nababasa kung ano ang naisipan ng lalaking iyon pero malakas ang kutob ko na hindi siya 'good guy'. Kung gusto mo sumama sa kanya, then go! Pero kung may mangyari sa'yo, huwag kang iiyak sa akin, Einy." sambit ko.

Alam kong narinig niya iyon pero wala akong nakuhang salita sa kanya. Inom lang siya nang inom ng alak. Mataas naman ang tolerance niya sa alak unlike me.

Nang makaramdam na ako ng pagkabagot sa pag-upo ay tumayo na ako at pumunta sa dancefloor. The music was hype and it makes everyone hype too. Kung sinu-sino na lang ang nasasayaw ko.

I saw Einy joined too. She's drunk already but her senses are still on. Sa lugar na ito, dito mo na lang talaga malalabas ang bigat, lungkot, at sama ng loob. May mga lalaki na hinahawakan ang beywang ko pero mabilis ko iyon tinatampal at tinutulak pa sila.

I want to dance here, alone. No one's gonna touch my body or I'll kick their balls.

Einy was dancing wildly with men around her. Sinusundan ko siya ng tingin dahil natatakot ako na baka bumagsak na lang siya sa kalasingan.

When the music turns into a soft romance melody, some people walks out while others are slowly wrapping their hands around to their partners and dancing, romantically.

Think of Laura ✔️Where stories live. Discover now