YTBB_00

0 1 0
                                    

| Playlist #00 : Butter |



I am used everyday to be in peace. Silent is my friend and noise is my enemy. Until he break that thing and announce in whole academy that I'm his baby!

Sa bawat yabag ko ay halos walang tunog. Tagaktak na rin ang pawis ko nang tahakin ang daan pabalik sa room ng buhay pa. As in buhay pa. Naglalakad lang ako pero daig ko pa ang nakapag marathon sa bilis ng tibok ng puso ko sa kaba.

I silently praying na sana man lang sa araw na ito ay hindi nya ko makita. Sana. Pero hanggang panaginip lang pala ang mga sana ko.

Natigil ako sa paghakbang nang mamataan kong nakatambay sa harap ng room ko ang pitong lalaking sinasamba ng lahat ng kababaihan. OA man pero totoo. Ang pitong lalaki na nasa harap ng room ko ay mga delikado nilalang sa mga maluwag ang garter ng panty.

Mabilis pa kay flash akong sumandal sa pader. Nakita kong napagawi ang mata ni JH Forteza sa gawi ko. Isa sa mga pitong bwisit na nag exist pa sa earth. Mahina kong tinuktokan ang sarili. Muntik na naman po akong mapahamak.

Pag nakita ako ng isa sa kanila o silang pito pa ay alam kong papasok na naman ako sa purgatoryo.

Ilang minuto pa silang nanatili sa pintuan ng room. Palinga linga ang mga pogi na para bang may importanteng hinahanap. Hindi alintala ang mga malalagkit na tingin ng mga pokpok sa tabi nila.

Bago pa mag alas dose, oras ng klase ay kita kong nagsialisan na sila. Nagpahuli pa ang isa sa kanila habang nakatingin sa pintuan ng room ko. Jk...

"Uy, sinong tinitignan mo dyan?!" Napasigaw ako sa gulat ng may humampas akin. Nakita ko si Pompom na tumatawa habang sapo ang tyan.

Umirap ako. Sana kabagan kang hinayupak ka. Ilang tawa pa ang ginawa nya bago humupa ang kaligayahan nya.

"Ano ba kasing ginawa mo dyan? Pasulyap sulyap ka pang nalalaman, Yellow marshmallow"

Napangiwi ako sa tawag nya sa akin. Lagi nalang syang ganyan simula nang maging kaibigan ko sya. May laging tinutugtong sa pangalan ko. Parang siraulo lang.

Hindi ko sya pinansin at tumingin sa gawi ng harap ng room. Wala nang tao. Umalis na rin sya nang hindi ko napapansin.

"Wala. Kala ko may nakita akong kakilala ko." Pag sagot ko't nag umpisa nang maglakad sa room. Rinig ko ang yabag nyang nakasunod sa akin.

"Wews! Nakita kitang natulala sa perpektong mukha ni Jk mylabs tapos wala? Sus, porke't baby ni Jk ka na kaylangan maging indenial ka na." Tukso nya.

Sumama ang mukha ko nang marinig ang sinabi nya. Hah! Baby ni Jk! Baby nya mukha nya! Naririnig ko palang kinikilabutan na ko.

Humarap ako sa kanya ng masama ang tingin. "Letche ka! Tatahiin ko yang bibig mo. Kilabutan ka nga sa sinasabi mo!"

Tumawa nalang ng malakas ang gaga.
"Ayaw mo bang mag pababy sa isang Jk Xavier?" Mapanuyang ngisi nya sa akin.

Muntik na kong masuka sa kanya. Magpababy! Mukha ba kong sanggol at kailangan pa kong i-baby?

Inirapan ko nalang sya't hindi pinansin ang mga tukso nya sa akin. Lumakad na rin ako papasok sa klasroom na wala pa palang teacher at walang pinapakinggang salita mula kay Pompom.

MABILIS kong niligpit ang gamit ko nang makitang malapit na sa akin si Pompom. Wala nang tao sa room kami nalang dahil break time na.

At nag mamadali ako dahil ayaw ko na syang makasabay. Mag sosolo flight nalang ako kaysa makinig sa walang kwenta nyang tukso sa akin.

Yellow, The Badboy's BabyWhere stories live. Discover now