Chapter Ten

4.2K 162 10
                                    

Chapter Ten

Naalimpungatan si Karylle dahil sa mabigat na bagay na nakapulupot sa bewang nya at doon nya napagtantong braso pala ito ni Vice. Akmang aalisin nya ito nang hinapit sya ni Vice palapit kaya napasubsob lalo ang mukha nya sa matigas na dibdib nito. Wala sa sariling nilanghap ni Karylle ang amoy ng asawa nya. Kahit bagong gising ang bango pa rin nito. Hindi ito ang unang pagkakataon na natulog sila sa iisang kwarto, ang pinagkaiba nga lang ngayon ay magkatabi sila iisang kama.

“Ang aga pa, Misis. Huwag kang malikot dyan.” Inaantok na saad nito dahil sa garagal nitong boses.

“Alisin mo nga ‘yang kamay mo.” Pilit tinatanggal ni Karylle ang kamay ni Vice pero mas lalo lang nitong hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya. “Vice naman eh…babangon na ako.”

“Hmm… Mamaya na.”

“Kung ayaw mo pang bumangon, ako gusto ko na. Kaya kung lang alisin mo na yang kamay mo.” muling sinubukang kumawala ni Karylle sa bisig ni Vice pero hindi sya nagtagumpay.

“Kapag hindi mo inalis ‘yang kamay mo, ihuhulog kita.” Ubos pasensyang sabi ni Karylle.

“Five minutes.” Nakapikit na pakiusap ni Vice.

“Gutom na ‘ko. Ano ba.” Masungit na tugon naman ni Karylle.

“Three minutes…”

Napabuntong hininga si Karylle sa kakulitan ng asawa nya. Kapag sa school akala mo kung sino, pero isip bata rin pala.

“Oo na, pero two minutes lang.” pasukong saad nya.

“Ok. Two and a half it is.”

“Two and a half ka dyan!” napangiti naman si Vice sa reaksyon ng asawa nya.

Ang totoo, kanina pa sya gising at pinagmamasdan lang nya si Karylle. Hindi nya rin maintindihan ang sarili kung bakit enjoy na enjoy syang pagmasdan ang asawa habang nakanganga at naglalaway itong matulog.

“Can you hug me back?” walang ano-ano’y sabi ni Vice sa nakasimangot na si Karylle. kumunot naman ang noo ng huli at binigyan ng weird look si Vice. “Pero kung ayaw mo—“

Naputol ang dapat sana’y sasabihin ni Vice nang bigla syang niyakap ni Karylle pabalik. Halos mapunit rin ang labi nya sa sobrang laki ng kanyang ngiti.

I Do, Sir! (ViceRylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon