Chapter 1:

111 6 0
                                    

Hyunjin Pov:

"Ma, ano bang pumasok sa isip mo at dinala mo sya dito?"

"Sorry na anak, wala na kasi akong maisip e. Kawawa naman kung hahayaan ko na lang syang magpalaboy-laboy, baka mapano nung bata." Tila natutuwa pang sabi nya na ikinairap ko.

"Hindi na natin kasalanan yun. Hindi naman natin sya kilala tsaka pinili nya ang ganoong buhay kaya labas na tayo sa-----arayyy!!" Daing ko nang pinugtin nya ang tenga ko. Bakit ba? Anong mali sa sinabi ko?

"Hindi kita pinalaking ganyan, hyunjin. Dapat ay tulungan ang nangangailangan, palagi ko iyang sinasabi sayo. Hindi naman sya habambuhay na titira rito, pansamantala lang hanggang sa makahanap na sya ng bagong matitirhan, magkaipon at trabaho na sya."

"Don't tell me.....ako pa ang magbibigay ng trabaho sa kanya?"

"Why not?"

"Mama naman." Reklamo ko.

"Syempre hindi ko sya dinala dito para patirahin ng libre, sinabi ko sa kanya na magtatrabaho sya sayo bilang kasambahay since you are alone here at masyado ka busy sa career mo. Gustuhin ko naman kasi na kunin sya kaya lang alam mo naman na madalas akong lumuwas ng bansa tsaka mabuti na din na may mag-aasikaso sayo."

"Kaya ko naman ang sarili ko, sanay na ako."

"Iba pa rin yung may kasama ka dito."

"But mom---"

"Don't worry she's trustworthy and kind. Trust me, hmm?"

Napabuntong hininga ako as if na may magagawa pa ako. Masyado kong mahal si mama kaya pumayag na ako kahit sa loob ko at isa pa nagtitiwala sa kanya si mama kahit kakikilala pa lamang nya, tsk!

"Talaga? Yieee!!" Tuwang tuwang saad nya bago bumalik sa salas kung nasaan yung babae, sumunod naman ako sa kanya.

Nakaupo ako sa sofa habang si mama naman ay kausap yung babae at minsa'y nilalaro yung baby. Tsk! She really loves babies. Umangat ang kilay ko. Hindi ako sanay na may ibang kasama dito sa unit ko tapos babae pa? Tsk. Hanggang kailan ba sya mananatili dito?

Maya-maya ay nagpaalam na si mama samin pero bago sya umalis ay pinandilatan nya pa ako ng mata. Tsh! Ako yung anak nya pero kung tratuhin nya yung babaeng yun daig pa ako.

"Bye son."
"Bye, take care mom." Bumeso sya sakin bago humarap dun sa babae.

"Bye Janna. Bye baby Chloe, yieee ang cute cute mo talaga." Pinisil nya pa ang pisngi nung baby na buhat ni Janna.

"Bye po Mrs. Hera, salamat po ulit sa inyo."

"You're welcome."

Nang makaalis na si mama naging akward ang paligid. Aish! This is the first time na magkakaroon ako ng kasamang babae sa unit ko.

"Uhm...S-Salamat---"

"Don't! Don't thank me, hindi libre ang pagtira mo dito."

"A-Alam ko, kaya gusto kitang pasalamatan dahil pumayag kang magtrabaho ako sayo at sa pagpapatuloy mo samin ni Chloe."

Superstar Series 1 Falling into your SmileWhere stories live. Discover now