25 - Proud

14.6K 288 1
                                    

Xyrielle Blurr

Lumabas si Mr. Savino sa kwarto ni Prince sa hospital. Tinignan niya ako ng blanko ang ekspresyon at saka ako nilapitan. Nakakatakot ang aura niya.

"You." Napatingin ako sa kaniya at yumuko ulit. Tahimik lang si Mrs. Savino sa likod niya. Malamang ay takot din ito. "You must do your job well. We hired you as the nurse of my son at hindi ang kalaro. You think kaya niyang magpagod ng ganun katagal?" Saway nito sa akin.

Yumuko ako at humingi ng paumanhin. "I-I'm sorry, Mr. S-savino." Utal kong sabi.

Narinig kong bumuntong hininga siya. "Once you do it again, you'll be fired." Yabag na lamang ng paaalis na Mr. Savino ang narinig ko. Inangat ko ang paningin ko kay Mrs. Savino. She smiled at me and tapped my left shoulder. Sumunod na din siya sa asawa niya matapos nun.

Huminga ako ng malalim.

Matapos ang sinabi niya kanina na ikinabigla ko ay nahimatay siya. Nataranta ako at hindi ko alam ang gagawin ko kaya sumakay kami ng taxi at dinala siya sa hospital. Tinawagan ko sina Mr. Savino gamit ang telepono ng ospital kaya sila pumarito.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o magagalit sa sarili ko dahil sa nangyari.

Pumanhik ako sa kwarto niya. Doon ko nanaman siya nakitang nakahiga sa kama ng ospital at may nakatusok na dextrose. Nasasaktan ako sa nakikita ko.

We're both falling for each other. Sinabi niya sa akin iyon at ako na lang ang hindi nagsasabi.

Pero ayaw kong mag-take advantage ngayon, dahil ako lang din masasaktan sa huli. Hindi permanente ang mayroon sa akin ngayon kaya balang araw, mawawala din ito sakin.

Napabuntong hininga nanaman ako. "Kasalanan ko ito." Bulong ko sa sarili ko at umupo sa tabi niya. Kung hindi ko lang sana siya binigla sa pagpapasyal sa kaniya edi sana, maayos ang kalagayan niya ngayon.

May narinig akong katok. Pumasok si Doctor Park kasama si Alexis.

"Nasaan ang parents niya, Nurse Kim?" Tanong ni Doctor Park. Tumayo ako at lumapit sa kanila.

"Wala po eh. Kaaalis lang po." Sagot ko dito. Binigay ni Alexis sa akin ang hawak niyang papel at ngumiti sa akin.

"Iyan yung gamot na madadagdag sa kaniya. Hindi siya pwedeng magpagod at dapat lang na may sapat siyang pahinga. At dahil ikaw ang private nurse niya, sayo ko na muna ibibigay iyan." Sabi ni Doctor Park. Tumango ako at sinundan ko sila palabas. "Bawal sa kaniyang mai-stress, you're aware of that. No oily foods. At kahit anong sabihin ko na bawal sa kaniya ay alam kong alam mo na iyon dahil matalino kang bata." Ngiti ni Doc. Park. Tinapik niya ang balikat naming dalawa ni Alexis. "Iwan ko muna kayo. May check-up pa ako sa isang pasyente." Saka ito umalis.

Nakokonsensya ako sa loob loob ko. Bawal sa kaniyang mapagod, pero pinatakbo ko siya. Bawal sa kaniya ang oily foods, pero pinakain ko siya ng street foods. Nakakalimutan ko ang trabaho ko kapag kasiyahan lang nasa isip ko.

Naglakad lakad muna kami ni Alexis. May mga matang napapatingin sa amin na mga nurse dahil napansin nila ang presensya ko. Ang alam nila ay nasa bahay ako ng alaga ko pero ang totoo, nasugod dito ang alaga ko dahil sa kagagawan ko.

"Kamusta naman si Rapunzel?" Napakunot noo ko sa tanong ni Alexis sa akin. Napairap siya. "Duh? Ikaw? Kamusta? Matapos ang confession ni Enrico sayo, hindi ka na nagpakita." Sabi pa nito.

Natawa ako. "Ayos lang. Ikaw? Kamusta naman ang pagiging martir mo?" Asar ko sa kaniya. Sinimangutan niya ako.

"Ganyan ka. Pasalamat ka mahal kita kaya hindi ko na aagawin sayo ni Papa Enrico." Simangot nito.

"Hindi tayo talo, uy!" Tawa ko. Natawa din siya. Pero maya maya lang ay sumeryoso na siya.

"So, anong nangyari? Bakit kayo nasa ospital?" Nakarating kami sa cafeteria ng hospital at umupo sa isa sa mga upuan doon.

Huminga ako ng malalim. "As usual, inatake alaga ko." Umiwas ako ng tingin. "Nang dahil sakin." Pag-aako ko ng kasalanan.

Tumango tango siya. "Eh? Ano bang nangyari?"

Sinabi ko sa kaniya ang naging lakad namin kaninang umaga ni Prince. Yung pagkanta namin sa harap ng plaza, yung pagbibisikleta, at yung iba pa. P-pati na rin yung pag-amin niya.

Impit na tumili si Alexis. Sinamaan ko siya ng tingin pero hindi pa rin siya natigil sa katanghan niya.

"Seriously? Ang haba ng buhok mo!" Asar pa nito sa akin. Pinatatahimik ko siya pero hindi pa rin niya ginagawa. May ibang mga nurse at doctors nang napapatingin sa amin. Hindi nga lang masabihan si Alexis dahil alam nilang anak siya ng may-ari ng ospital na ito.

"Alex--" hindi natuloy ang pagsasaway ko kay Alexis nang dumilim ang paligid ko. May kamay na bumalot sa mga mata ko.

Inamoy ko siya. Kilala ko na. I suddenly felt the pang in my chest. "Tanggalin mo na, Enrico." At sinunod naman niya iyon. Umupo siya sa tabi ni Alexis na katapat ko. Nakita ko ang pag-irap ni Alexis.

"Iwan ko muna kayo ha." Bumulong saglit sa akin si Alexis bago umalis. "I-busted mo na yan nang magkalovelife na ako." Siniko ko siya pero nakailag na at umalis na ng tuluyan.

Ang babaeng iyon. Hindi din marunong makiramdam. Hindi ba niya alam na nagkakailangan kami ng kasama ko dito?

Tumikhin siya. "X-Xy.. sorry about my attitude the last time we met." He said sincerely. I understand. He's a possessive bestfriend tho. "P-pero yung inamin ko, totoo."

Hindi na ako nagulat sa sinabi niya dahil alam ko naman. Ang akin lang, bakit ako pa? Sa dinami rami ng babae sa mundo, why my bestfriend?

Some clićhe stories I have read tells about the bestfriend who fall for his or her bestfriend. Sa una ay may mauunang mahulog at sa huli ay doon din sila magkakatuluyan. Pero ibahin niyo ang istorya ng buhay ko. Dahil nahulog ako sa taong hindi ko gaano kilala.

Mahal ko ang bestfriend ko, oo. Pero hanggang bestfriend lang talaga. Ayoko masira ang pagkakaibigan namin nang dahil lang doon.

"Kailan pa?" Buong tapang kong tanong. Umiwas siya ng tingin sa akin.

"Simula nang maging malapit tayo." Natahimik siya saglit. "Ata? Hindi ko alam." Iling niya. Napabuntong hininga ako. Hinawakan ko ang ibabaw ng kamay niya na nakapatong sa taas ng lamesa.

"Rico naman eh." Pag-iling ko. "Hindi dapat." Dahil masasaktan ka lang sakin. "Hindi pwede."

He laughed bitterly. Unti-unti na akong binabalot ng konsensya ko. Hindi niya deserve ang ganito. One-sided? Mahirap iyon para sa kaniya. He deserves better. Not me.

"Ang aga mo naman nambusted. Sana man lang pinatagal mo pa ng kahit ilang buwan." Malungkot nitong pahayag.

He treat me as a younger sister too. He cared for me and I treat him like my older brother. Masyado siyang mabait para sa akin.

"I'm sorry." Yuko ko.

"Don't be." Iling niya nang mai-angat ko ang paningin ko sa kaniya. "I just need to let it out before I go." Napakunot noo ko.

Saan ba siya pupunta?

"You're going somewhere?" Tanong ko sa kaniya. Tumango siya.

"I'm going to California after weeks." Panimula niya. "I'll study abroad. Dad wants me to be a business man. I don't want to leave you here but I need to. I'm their only heir for Dad's company." Hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko. "So take care of yourself, okay? I will not be here to monitor you. Please take good care of yourself." He reminded me.

I smiled to him. "Yes, I will. But promise me that you'll do the same?"

Natawa siya. "Kaya ako nai-inlove sayo eh." Sumimangot ako sa kaniya. Ginulo niya ang buhok ko. "Yes, of course. Kasabay nun ang pagmo-move on ko sayo." Tawa niya. Napangiti ako kahit na alam kong mahihirapan siya sa pagkalimot sa nararamdaman niya sa akin. But atleast he'll try.

I'm proud of him. I'm proud of my bestfriend.

His Private NurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon