Anica's POV
Ng makaakyat ako, binaba ko muna sa may study table ko ang bag saka kumuha ng pamalit sa cabinet. Kahit pagod na pagod na ako, kailangan ko pa din maghalf bath. Ang lagkit ng katawan ko. Binilisan ko lang ang paghilamos saka ako lumabas ng banyo. Humihikab pa ako ng makalabas ako. Naabutan ko si Frank na nakaupo sa kama ko. Nakapaghilamos na din siya.
"Why are you here? You should sleep now." Umupo ako sa harap ng vanity mirror saka naglagay ng lotion sa katawan pati na din ng nilalagay ko sa mukha. Wala naman ako nito dati, pero binilhan ako ni Frank nung hindi niya muna ako pinalabas.
"My room's kinda cold. Can I sleep here?" I heard him ask. Nasasanay na din siya dito matulog. Wala naman siyang ginagawa maliban sa ang hilig niya mangyakap na akala mo unan ako. Ng matapos ako maglagay ng lotion naglakad na ako palapit sa higaan saka nahiga.
"Matulog ka. Basta wag mo akong istorbohin. I'm tired." Pinikit ko na ang mga mata ko. Naramdaman ko naman na tumabi na siya, hinila niya din ng konti ang kumot para makagamit din siya. Naramdaman ko din na niyakap niya ako at sumiksik pa siya sakin.
"Why are you so tired? May nangyari ba habang tulog ako kanina?" he asked. Ramdam ko ang hininga niya sa may leeg ko.
"Nagkaroon lang ng emergency meeting. Tulog ka kaya ako na lang ang pumunta." Sagot ko sa kanya. Hinapit niya pa ako palapit sa kaniya.
"What's the meeting all about?" hinarap ko na siya at niyakap ang bewang niya. Binuksan ko na din ang mga mata ko. Pansin ko na hindi na siya namumutla kaya nung kanina.
"They're talking about the new perfume. Hinihingi nila ang permission mo na magawa na as soon as possible daw. Pumayag na din ang ibang investors. Then may nagpasa ng application as your new coffee supplier." I answered him. Kung wala akong alam anything about sa business, mapapahiya sana ako kanina sa meeting. Buti na lang din at walang nakakakilala sa mukha ko na dating owner ng company ko.
"Did you give them my permission para magawa na ang perfume? How was the perfume?" tanong niya. Pumikit na siya kahit nagsasalita pa siya.
"Yes. I gave them the permission. Mabango din ang pabango. Sisikat yun." Sagot ko sa kanya. Hindi na siya sumagot. Napansin ko na kalmado na ang paghinga niya. Nakatulog na. Inayos ko ang kumot namin saka pumikit na din. Good night.
"Yeah..No, we can't..Just announce it to them. Yeah. Bye. Thanks." Nagising na lang ako ng marinig ko si Frank na may kausap. Pero binaba niya na ata. What time is it already?
"You're awake." Napatingin ako kay Frank. Naka sweater siya. Umuulan na naman pala. Pero parang mas malakas na ngayon. Bumangon na ako sa kama at nagayos.
"Clean up. Nakapagluto na ako ng breakfast." Nauna na siyang lumabas. Pumasok naman ako sa banyo para makapaghilamos. Ng matapos ako, saka ako bumaba. Nakita kong nagaayos na si Frank ng pagkakainan namin. Napaka husband material talaga ng lalaking 'to. Sayang lang kasi pumapatol sa hindi niya naman gf. And you know what I mean. Yep! Si Hera. Umupo na lang ako para makakain na, siya na din ang nagasikaso ng pagkain ko.
YOU ARE READING
Yes, I know I'm Tempting
General FictionA 22 year old maiden of prim and proper, gets a job away from her town. Trying to figure out wat can she do. Trying to escape from trouble her boyfriend causes. Trying to leave his psychologically-ill boyfriend. Will she find better things for herse...