CHAPTER 02

64 6 8
                                    

11:11  A DREAM TO BE COMPLETED

"Hoy?!" 

Napalingon kami sa pintuan nang dumating si El na nakasuot ng hairband na parang tainga ng pusa at ng cotton candy. Nanggaling 'to sa carnival. 

"Gagi! Ano yan?!" halos mamatay na si Von sa kakatawa.

Napaatras ako sa aking kinauupuan nang lumapit si El sa akin. Akala ko sasabunutan niya ako pero nagulat ako nang tumili ito ng malakas.

"He's a standard mare!! Matalino, family oriented, magaling kumanta, matangkad, God fearing, at higit sa lahat umiigting ang panga!!" kinikilig niyang sabi. "Bonus na yung pagiging gwapo." patuloy niya.

Nagkatinginan kaming lahat dahil sa narinig. Sa aming magka-kaibigan ay siya yung marupok. Pero atleast mukhang matatapos na ang kaniyang single life. 

Pumasok si Steff na nagmamadali sa loob ng bahay. Napansin kong namumugto ang mata nito. Sinenyasan ko ang aking mga kaibigan na lapitan siya.

"What happened?" tanong ni Zy.

Imbes na sumagot ito ay bigla siyang humagulgol. May hawak itong papel kaya kinuha ko iyon. 

'70%'

It was her test result for SMU-Medical School. Sa pagka-ka-alam ko ay 80% dapat ang nakuha mong score para ma-admit ka. 

"It's okay, Steff." pagpapa-kalma ko sa kaniya.

"I don't want to move out!" sigaw niya.

Umupo si Sam at El sa tabi ko. They both looked at the paper I am holding. 

Alam kong pangarap niyang makapag-tapos ng medisina sa university namin. Pasado ako sa law school at sina El, Zy at Von ay pasado sa med school. 

"You can just sign for petition. Isang round off lang oh." rinig kong wika ni Sam.

"Oo nga. Madaming nagpe-petition ngayon."  inabot ni El ang admission paper kay Steff.

Tinignan niya ito ng matagal. Kalaunan ay ngumiti na siya. That's Steffi madapa man ay babangon pa rin.

"Teka---bakit kayo nanditong dalawa?" bigla niyang tanong kina-Zy at Sam.

"Sorpresa nga tanga." binatukan siya ni Sam.

Napairap nalang ako dahil nagsimula na silang magbangayan. Hinila ko si El papunta sa kusina. Nang makarating kami doon at ngumisi ako ng mapanloko.

"Ano ba?" maarte niyang tanong.

"Maghugas ka." seryosong utos ko at umalis.

"Sana hindi ka mag-ka-jowa!!" malakas na sigaw niya.

Pumunta ako sa kwarto ko upang kunin ang aking sling bag. Bababa ako sa city para bumili ng ulam namin. We need a celebration kase trip ko.

"Ano gusto niyo?" tanong ko sa kanilang lahat habang bumababa ng hagdan.

"Letson!!" malakas na sigaw nila.

Tumango ako at lumabas na. Inilagay ko sa bulsa ng trench coat ko ang aking mga palad. Malamig na ang simoy ng hangin, malapit na ang tag-ulan.   This is my favorite eason here in Baguio.

Habang papababa ako ng subdivision ay nagulat ako dahil lumabas din si Nathan mula sa isang bahay. Dito na nga siya nakatira. Pero pake ko.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa nakarating na ako sa bilihan ng letson. Bumili ako ng dalawa at habang hinihintay iyon ay pumunta ako sa isang grocey. Namili ako ng ilang essentials para sa amin.

Napakagat na lang ako ng labi nang maoansing naparami ang binili ko. Bahala na nga kung paano ko ito bubuhatin. I went back to the letsunan ang pay for my order.

"Magkano po lahat?" tanong ko sa tindero.

"250." sagot niya.

Binuksan ko ang wallet ko at nakitang 200 na lamang ang nandoon. Tumingin ako sa paligid upang tignan kung may kakilala ako.  Sa kasamaang palad ay yung Nathan lang ang nasa tabi ko.

"Ah Kuya wait lang po. Kulang kasi yung dala ko." wika ko sa tindero.

I tried contacting my friends at yung landline pero walang sumasagot. Wala namang malapit na ATM machine dito. Lumapit muli ako sa tindero at nagtanong.

"M-may gcash po ba kayo?" awkward na tanong ko.

"Wala neng." sagot nito.

Nagulat na lang ako nang biglang mag-abot ng 500 si Nathan sa akin. Tinignan ko siya ng nagtataka. 

"Pay me later." aniya at inilagay ang pera sa palad ko.

"T-thank you,"

Binayaran ko yung binili ko at iniabot sa kaniya yung sukli. Sinenyasan ko siyang sundan ako papauwi upang mabayaran ko yung pera niya.

Palihim kong kinukurot ang sarili ko dahil sa kakahiyan. Nag-grocery pa kasi hayst. Napatigil ako sa paglalakad nang kunin ni Nathan ang bitbit kong ecobag.

"Para mas mabilis ka nang maglakad." malamig niyang wika.

"Ah okay." iyan lang ang nasabi ko.

Ang awkward na kasama mo yung isa sa pinaka-popular na lalaki sa university niyo. Tas nakautan pa ako. Gusto ko nang magpalamon sa lupa.

"Uy Nathan!!" napatingin ako sa tumawag sa kaniya.

Si Kenneth! Yung crush ko. Halah. Nagmamadali akong naglakad papaakyat. Naramdaman ko naman ang pagsunod sa akin ni Nathan.

"Wait." tawag niya sa akin.

"Y-yes?" tanong ko at bahagyang binagalan ang paglalakad.

"Crush mo si Kenneth?" tanong niya.

Natigilan ako saglit. Dahan-dahan akong tumango sa kaniya. I saw him smirked and handed me the eco bag. 

Kinuha ko iyon at humarap sa kaniya. "Maraming salamat ulit." wika ko.

"Here scan my code." ipinakita niya sa akin ang gcash code niya.

Inilabas ko ang cellphone ko at binuksan ang aking gcash app. I scanned his code to transfer the money. 

Noong natapos na iyon ay ngumiti ako sa kaniya. I was about to invite him inside our apartment pero biglang dumating yung kaibigan niya.

"Nice name, Dianne." mahinang wika ni Nathan pero narinig ko.

"Uy!Dianne ikaw pala." masayang tawag sa akin ni Kenneth.

I smiled at him. "Ah yeah. Hi." bati ko.

Inabot nito ang kamay niya sa akin kaya hinawakan ko iyon. Narinig kong tinatawag na nila ako sa loob ng bahay kaya nagpaalam ako sa kanila.

"Thank you ulit. Good night!"

"Have a good night, Dianne."sabay nilang wika.

I waved at them before heading inside. Sinalubong ako ng mga mapanukso nilang mata.

"What?" tanong ko.

Umiling lang sila sa akin bago pagkaguluhan ang mga pinamili ko. We ate while talking about some stuffs.

Alas onse na nang matapos kaming magkuwentuhan. Sam will be staying here for a while habang si Zy ay dito na titira hanggang sa matapos ang med school nila.

Pumunta ako sa rooftop ng bahay upang magpahangin. The cold breeze immediately hugged my body.

Pinagmasdan ang siyudad na ngayon ay sobrang liwanag. The session road can be seen from here. It was a very beautiful and relaxing sight.

Patingin ko sa aking cellphone ay saktong 11:11 na. I closed my eyes as I whispered my wish to the wind.

'11:11. I wish we will achieve our goals someday.'

A wish: 11:11Where stories live. Discover now