Chapter 31

36 2 0
                                    

A few days after he said that and until now ay hindi ko parin makuhang sagutin yung tanong niya.

Palagi narin nandito sa ospital si Theo at hindi na ito umuuwi. Kung uuwi man ito ay para lang kumuha ng gamit sa bahay niya.

"Macie." Narinig kong malakas na tawag saakin ni Alice.

Napatingin ako sakanya agad.

"Yes?"

"I've been calling you nonstop since last night and until now hindi ka pa sumasagot." Naiinis na saad nito habang winawagayway ang cellphone nito.

Tinawanan ko siya na mas lalong kinasama ng itsura nito.

"Why are you not answering your phone nga?" Wala nang pasensya nitong ulit saakin.

"Wala lang." Nakaka-walang hiya kong sagot dito.

I am riling her up and gusto kong makita siya magalit. Hindi ko talaga alam bakit ko iyon ginagawa e' wala naman itong ginagawa saakin.

By just her face, I know I am successful.

"You fucking shit, I am just concern on why you're not answering our calls." Mura nito saakin.

"Tita, don't say bad words." Sita naman ni Poppy sa Tita niya.

Nag-bago agad ang itsura ni Alice na ikinatawa ko.

"Yang nanay mo kasi, Poppy." Sisi niya saakin habang lumalapit sa bata.

Umupo naman ito sa lounge chair na meron dito sa kwarto. Pina-upgrade na din ni Theo iyong kwarto ni Poppy para daw ay kompurtable sa pagbabantay sa bata.

Presidential Suite yung kwarto ni Poppy at hindi na semi-private Pina-Presidential Suite kasi niya na hindi naman kailangan. Sabi kasi nito ay mas kumportable para sakanya na alam niyang kumportable ang anak nito.

"Ang sosyal ng dad ni Poppy ha. Pa-presidential na pala kayo ngayon." Saad ni Alice habang nililibot nito ang sarili sa kwarto.

"Hindi ko nga alam kung bakit pa nilipat si Poppy dito sa Presidential Suite. Parang nga mas magandang nasa ward si Poppy para may kasama itong batang iba."

Sa totoo lang, feeling ko ay mas magandang may nakikitang ibang bata si Poppy kesa nag-iisa siya dito sa Presidential Suite. Pero hindi ko naman mapilit si Theo na ilagay si Poppy sa ward kasi alam kong ayaw niya ito.

"Well, nabasa ko rin na hindi daw maganda yung ganitong rooms for the patient pero wala rin tayong proof about it. Tsaka siguro he wanted to feel that his daughter is safe." Natatawang saad ni Alice.

Nag-stay pa si Alice dito kasama namin nang ilan pang minuto bago ito umalis para narin puntahan yung professor niya na nandito sa hospital.

She's already starting her Residency and she literally is going to live in the hospital kaya as much as possible ay binibisita na nito ang mga kaibigan niya habang may oras pa ito.

Poppy is now playing with the toys na binili ni Theo para dito. Masyadong pinupuno ni Theo ang kwarto ni Poppy ng mga laruan.

"Mama?" Tawag saakin ni Poppy.

Agad akong lumingon sakanya para malaman kung ano ang gusto nito.

"Yes?"

"Are you and papa together?"

Napatingin aako kagaad dito dahil hindi ko agad nakuha kung ano ang sinasabi nito.

"Why do you think so, baby?" Curious ko na tanong dito.

"Papa said something po." Malaki ang ngiti nito saakin.

Hindi ko makuha kung ano yung gusto nitong sabihin pero mukhang may nalalaman ito na hindi naman dapat niyang malaman.

Be For You and Me (Friends Series #2)Where stories live. Discover now