Hindi ko matanggap. Wala na si papa. Hindi pa kami close ni mama, tapos may sakit pa siya. Paano ako, paano kami? Sino ang magtatrabaho para sa amin?
Shaneil! sabi ni Tita Gemma habang nakatulala ako sa kawalan.
po?
Halika, yakapin kita. Lagi lang nandito si Tita. Kahit anong mangyari.
Yinakap ko siya. Mahigpit. Dumating na rin sina Tita Marian, Tita Grecia at si Tito Marion. Lahat sila kapatid ni Papa. Pagkatapos nila yakapin, saka nila pinuntahan si mama. Si mama nakatulala lang. Hindi nakikipag-usap. Maski sakin. Papaalagaan daw muna ako kina tita. Siguro kung umabsent nalang ako sa training, hindi mangyayari 'to noh?
May tumabi sa akin, nang bigla. Si Uncle Jeff, kapatid ni mama, at si Lola Maria, nanay naman niya. tinanong sa akin kung kumusta na ako. Sinabi ko naman ang totoo, na hindi ako okay. Hindi ko talaga bet ang side ni mama ever since. Pero tinutulungan nila si mama bumangon kaya't malaki ang respeto ko para sakanila. Pagtapos ng usapan nila Tita Gemma kay mama, sila naman ang sumunod. Tinanong sakin nila tita kung may gusto ba akong kainin marahil ay matagal na ako di kumakain nang maayos.
Tita, pwede ba tayo mag-KFC?
Naku, oo naman! Paborito niyo ba yun ng papa mo, Shaneil?
Opo.
Halika na muna. Iwan muna natin mama mo ah, dito ka muna saamin.
Sige po.
May damit ka pa ba sa bahay?
Opo.
Siya, halika na.
Pumunta kami sa KFC, siyempre para na rin magpagpag. Mas lalo ko lang namiss si papa.
*text notification*
Zai <3
Asan ka? Are you okay, Neil? Answer my texts, I'm worried.
Oo nga pala, nagmemessage si Zai simula kahapon noong di na siya nakapunta kay papa dahil sa problema nila sa pamilya. Wala kasi akong energy magreply 'non.
*typing*
Zai <3Sa wakas naman nagseen ka. Kumusta ka?
Ok lang ako Zai, kumakain kami KFC nila Tita
*typing*Kasama mo sila tita mo?
Ou, dito raw muna ako sakanila.
I see. I'll come tomorrow, is that okay?
Yeah gusto ko yon.
*typing*
Antagal mag type nito. Akala mo essay yung sinasabi. Pwede naman magreact nalang.
*ting!*
Zai <3Ok, i love you.
Ano! I love you daw, ano sasabihin ko? Shet.
Zai <3
Hey, i love you Neil sabi ko.
I love you too Zai dame mo alam.
Tandaan mo lang. Dito lang ako. Lagi. Di ako aalis kahit ano man mangyari.
She stays. and she always will. I know that.
YOU ARE READING
En Otra Vida
Teen FictionEn Otra Vida meaning In another life, sa ibang buhay. A Filipino-based story of a girl who seeks to find out who she is and what she wants. As life escalates, tragedies happen, and challenges arise. Everything goes well not until she wishes to have...