Chapter 26

30 1 0
                                    

Damon P.O.V

"Sino yun?".bigla akong napalingon sa likod ko at nakita ko sya. Bigla syang bumulong pero narinig ko.

"Tsss nasabi ko ba nasa isip ko?".bulong nya sa sarili nya. Napangiti ako. Tsss kahit kelan talaga sya hay nako.

"Sya si Albert Mac Elegante".sabi ko.

"Elegante?".Vlad.

"Ou isa syang elegante".sabi ko at naglakad na naramdaman ko naman na sumunod sya sakin.

"Elegante? Diba isa sila sa limang  makapangyarihang tao? hindi lang dito pati na din sa ibang bansa".sabi nya na saakin nakatingin. Papunta kami ngayon sa dorm.

"Ou pang-apat sila sa makapangyarihang pamilya".

"Pang-apat?". Nilingon ko sya.

"Ou".


"Eh kayo pang- ilan?".tanong nya dun na ako napahinto sa paglalakad at hinarap sya.

"Pang- lima".

"Pang- lima? Ibig sabihin sa lahat ng pamilya kayo ang pinaka mahina?".Vlad.

"Ou".sabi ko nalang at maglalakad na sana pero bigla nya akong pinigilan.

"Mag back out ka na kaya sa laban nyo?".sabi nya hinarap ko naman sya at tinitigan sa mata.

"Alam mo wag kang mag-alala saakin dahil masasaktan lang ako at hindi ako mamamatay".sabi ko sabay ngiti sakanya. Pero di pa din sya nakinig.


"Pero ayokong mapahamak ka. Sabi mo isa sila sa makapangyarihan baka mamaya kung ano pa ang mangyari saiyo dyan".sabi nya. Huminga muna ako ng malalim at saka hinawakan ang kanyang kamay. Naramdaman ko naman ang pagkabigla nya pero saglit lang.


"Dugo sa The Five Families lang kami ang nasa mababang ranking hindi dito sa school".sabi ko ng nakangiti natutuwa kasi ako sakanya sa ipinapakita nyang concern saakin. "At isa pa ang pag urong sa laban ay isang kaduwagan, para saan pa't nag-aral ka kung di mo naman iyon gagamitin hindi ba? Remember self defense school itong pinasukan mong school meaning tinuturaan ka kung paano ipagtanggol ang sarili mo hanggat kaya mo".sabi ko. Huminga lang sya ng malalim.


"Bakit pa kasi tayo dito nag-aral kung pwede naman na sa ordinaryong school nalang tayo pumasok".maktol pa nya.

"Alam mo dugo nandito na tayo".sabi ko at binitawan na ang kamay nya dahil naramdaman ko na may paparating. "At hindi ba masaya iyon? Bukod sa mga academics ay may iba ka pang natututunan dito".sabi ko. Magsasalita pa sana si Vlad ng biglang may sumulpot sa harapan namin.

"Yow".bati samin ni Brent.

"Bakit iniwan nyo kami?".tanong ni Princess na nasa likod nya si Lea at Crisha. Si Lucas naman nakasandal sa pader at nagbabasa pa din.

"Wala lang".sagot ni Vlad.

"Brent nasaan ang mga libro?".tanong ko. Umiwas sya ng tingin at maglalakad na sana.

"Brent".warning tone.

"Ou na ou na".sabi nya na parang susuko sa otoridad dahil nakataas pa ang dalawang kamay nya.

"Nandoon sa mga 1st year na inutusan ni Princess para dalhin sa dorm natin".sabi nya. Nilingon ko naman si Princess. Na saakin nakatingin.

"A-ah e-eh iniwan daw kasi sya ni Vlad eh di nya daw kaya na magbuhat kaya nagpa-utos nalang ako".sabi nya na parang nahihiya nilingon ko ulit si Brent.

"Pag iyon hindi nakarating sa room nyo humanda kayo saakin".sabi ko.

"Bakit ako lang paano namang itong si Vlad".reklamo nya.

"Sabi ko kayo diba? Meaning kayong dalawa ang lagot sakin".sabi ko sabay talikod sakanila.

"Saan ka pupunta?".tanong ni Vlad.

"Sa Mall".sagot ko na di na sila nililingon. Nagsi sunuran naman sila saakin at malawak ang mga ngiti sa labi.

"Sama kami".sabi ni Brent.

"OK".sagot ko at umalis na kami papunta sa Mall.


MALL


Mabilis kaming nakarating sa mall. Ang gamit naming sasakyan ay ang Van ni Crisha ito yung ginamit daw nilang sasakyan nung niligtas nila ako sa kapahamakan.

Aaminin ko. Masaya ako ngayon dahil dumami ang mga kaibigan ko kahit na panandalian lang ito. Ayoko silang mapahamak kaya hanggat maaari gusto kong dumistansya sakanila para di sila madamay pero sa ngayon ay ienjoyin ko muna ang mga moment na kasama ko sila na kahit saglit lang na maging masaya ako kahit na papaano naranasan ko ito.

Naglakad-lakad kaming lahat sa mall. Bili dito bili doon. Tawa kami ng tawa dahil sa kakulitan nila Brent at Dugo na dinadamay sila Lucas at Crisha. Si Lea naman dikit ng dikit saakin kaya si Princess ay nagseselos. Napapailing nalang ako sakanilang dalawa.

"Damon ito oh! Bagay sayo itong neck tie".sabi ni Lea sabay abot saakin ng neck tie na kulay pula.

"Alam mo pagdating sa gamit ay ang madalas na kulay na bilhin nya ay Black at hindi pula".sabi naman ni Princess. Inirapan sya ni Lea.


"Pakialam mo ba?".sabi nyang bigla.Nagkatitigan silang dalawa ng masama. Bigla akong nagulat ng hatakin akong bigla ni Crisha at dinala sa mga polo.

"Ito sir damon bagay saiyo ito".sabi nya sabay abot saakin ng polo.

"Aba't".narinig kong sabi ng dalawa.

Napailing naman ako. Grabe sumasakit ang ulo ko sakanila.

Dahil sa napagod kami at nagutom ay kumain muna kami sa Food Court.  Tahimik kaming lahat kumain at pagkatapos ay namasyal pa kami ng konti at saka umuwi na sa dorm.

"Ang saya sana maulit ulit".sabi nila Princess na may ngiti sa labi.

"Sige una na ako sainyo bye bye sa susunod ulit".sabi ni Lea sabay takbo palayo saamin.

"Wala ng susunod".sigaw nila ni Brent at Princess.

"Sige sir Damon mauna na po ako".sabi ni Crisha.

"Sige ingat ka".pagkasabi ko nun ay umalis na sya.

Nandito kasi kami sa Dorm ng mga babae hinatid namin sila dahil syempre gentlemen kaya kami. :P

Naglakad na kaming apat nila Lucas.

At ng makarating kami sa kanya kanyang kwarto ay nagpaalam na kami sa isa't isa at pumasok ako sa kwarto ko na may ngiti sa mga labi.

Diko makakalimutan ang araw na ito.

^_________^


My Dark SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon