Kabanata 23
Understand
--
Days passed like a wheel. When you are really happy, you will not notice the time, day or no matter how long it is, it will always be a moment for you.
Ganon pa rin ang nangyayari sa amin ni Lee. Tuwing may pasok palagi ko siyang pinupuntahan sa school nila. Palagi siyang busy pero ginagawa niya naman ang lahat para matapos agad sa mga ginagawa at makapunta na sa akin. Syempre, naiintindihan ko naman iyon.
"Dali! Dali!" tumili at humalakhak ako nang bumuhos ang malakas na ulan at nandoon kami sa table namin!
Nagmamadali kami ni Lee na nagligpit at tumakbo papunta sa silong ng building nila. Nabasa kami pareho at ganon na rin ang mga gamit namin ngunit nang nagkatinginan kami, instead of worrying, we both laughed.
Madilim na kanina pero hindi kami nag abalang umalis sa table dahil akala namin gaya lang rin iyon noong mga nakaraang araw. Madilim pero hindi umuulan. Kaya lang mukhang nagkamali kami ngayon. Umulan na!
"Are you okay? Nabasa ang mga notes mo?" tanong ni Lee, bahagya ring natatawa.
"Ayos lang. Matutuyo rin ito," sabi ko.
"Sa susunod sa ibang lugar nalang tayo gumawa ng mga assignments. Tag ulan na kaya dapat hindi na tayo dito."
Tumango ako at sumang ayon sa kanya pero saan naman? Mukhang nabasa niya ang tanong sa mukha ko kaya sumagot siya.
"Pwede tayo sa malapit na mga coffee shops rito."
Oh! Tumango ako nang naisip rin iyon. "May coffee shop sina Luna dyan sa malapit. Doon nalang tayo sa susunod?"
Tumango siya bilang pag sang ayon. "Let's go. Sa cafeteria na muna tayo."
Tumango ako at nagtungo nga kami sa cafeteria nila. We ran again just to get to the cafeteria. When we arrived, agad kaming umupo sa isa sa mga lamesa roon. Hindi na ganon karami ang tao kaya medyo tahimik na. Ang tanging naririnig nalang namin ay ang pagbuhos ng malakas na ulan sa labas.
"Do you want something to eat? Wag lang fishball dahil siguradong umalis na ang nagtitinda sa labas dahil sa malakas na ulan," Lee chuckled after he said that, teasing me again about the fishball.
Ngumuso ako. "Alam ko naman! Bumili nalang tayo ng snacks dito."
"Okay."
Bumili nga kami ng tinapay at juice. Siya na naman ang nagbayad para sa akin at hindi na ako tumanggi. Nasanay na ako sa kanya. Hindi niya ako palaging pinagbabayad. Ngumuso ako at nagpigil ng ngiti. Alam ko namang nakakahiya nang siya palagi ang nanlilibre sa akin pero hindi ko maiwasang matuwa.
"Sobra bang nabasa? Let me see," kinuha ni Lee ang mga notebooks kong nabasa.
Bigla bigla nalang kasing bumuhos ang ulan kanina. Hindi manlang umambon o ano. Ayan tuloy at nabasa ang mga gamit namin, ganon na rin ang bag.
"Here, magpunas ka," may kinuha si Lee mula sa kanyang bag at nagtaka ako nang nakita kung ano iyon.
"Bakit may dala kang ganito?" I asked as I took his towel.
"I always carry a towel," nagkibit siya ng balikat na para bang hobby niya na talaga iyon.
Oh. Nagkibit nalang rin ako ng balikat at pinanood siyang patuyuin ang mga notebooks ko gamit ang kamay niya. Para bang matutuyo iyon sa pamamagitan ng ginagawa niya. Nagpunas ako ng ulo ko at braso tapos tumawa sa kanya.
"Hindi 'yan matutuyo nang ganyan. Hayaan mo na. I'll just dry them at home. Magpunas ka na rin," inabot ko sa kanya ang towel.
He snorted and just followed what I said. He also knew that there was really nothing he could do with the notebooks. Basa na, e. Blower ko nalang siguro mamaya pag uwi ko.
BINABASA MO ANG
Every Beat of Heart (Agravante Series #2)
Romance[COMPLETED] Michelle Agravante, the softest and the kindest girl of all the Agravantes is deeply in pain after the death of the man she's deeply in love with. She found herself in nowhere. She was wounded. She was lost. But the pain and darkness dis...