VI

1 0 0
                                    

Hindi namin naisip na ang simpleng bukol sa dibdib ang magdadala sa aking ina sa hukay. Wala akong magawa. Kahit ang pag-aaral ko ay apektado na rin. Mas gusto ko noon na laging magkulong sa aking silid. Nabalot na gaming munting tahanan ng takot at lungkot.

Mabilis na lumipas ang mga araw pagkatapos ng kanyang pagpanaw. Ngunit ang hindi ko inaasahan ay ang mabilis ding pagbabago sa aming buhay ng aking ama. Kasabay ng paglisan ng aking ina ay ang pagbabago ni tatay.

Bigla ay hindi ko na siya nakilala noon. Araw-araw siyang umiinom. Napabayaan na rin niya ang aming mga tanim. Halos abutin ng pagkabulok ang aming mga sinasaka. Minsan ay hindi ko na siya nakikilala bilang aking ama dahil sa sobrang pagkalasing. Madalas siyang nagwawala at lagin galit nag alit.

Simula noon ay unti-unting lumayo ang aking loob sa kanya. Lagi na rin akong natatakot sa tuwing dumarating siyang lasing at nagwawala. Natitiyak kong dumaan siya noon sa matinding depresyon.

Lagi ko siyang naaabutang umiiyak o hindi naman kaya ay sumisigaw at kinamumuhian ang mundo.

"Umalis ka diyan! Pumasok ka!" Sigaw niya nang minsang subukan ko siyang kausapin at aluhin. "Wala na ang nanay mo, ano pang silbing nandito tayo!" Sigaw niya tsaka ibinato ang hawak-hawak niyang bote ng alak na kanina pa niya naubos.

Panay ang iyak ko noon sa kanyang harapan. Gusto ko siyang yakapin pero hindi ko magawa. Natatakot ako. Gusto ko siyang kausapin pero hindi ako makahagilap ng salita. Pakiramdam ko ay biglang na-blangko ang aking isip.

"Wala ka na ring silbi. Umalis ka na rin!" Ito ang pinakamasakit na salitang natanggap ko mula sa kanya.

Umakyat ako sa aming kubo at sa isang sulok ako humagulgol ng pag-iyak. Sobrang bigat ng aking dibdib ng mga oras na iyon. Sa gitna ng mga hikbi ay kinakausap ko ang aking yumaong ina.

"Nay, sana ay nandito ka pa. Sana maayos pa rin tayo." Sabi ko habang yakap-yakap ang aking mga tuhod. "Hindi ko na kaya ang nangyayari sa amin ni tatay. Ibang-iba na siya. Pakiramdam ko ay mag-isa na lang ako."

Nakaulinigan ko ang pag-alis ni tatay noon. Sanay na ako na iniiwan niya ako simula ng mawala si nanay. Nang mga sandaling iyon ay hindi ko na namalayan ang paglipas ng oras. Halos gabi-gabi ay bumubuhos ang aking mga luha. Masakit at mahirap na wala na ang pinakammahal kong ina. Naging mala-impyerno ang aming buhay, nawalan ng pag-asa at higit sa lahat nawalan ng pagmamahal.

Naging ganoon ang araw-araw kong buhay. Hirap at pasakit. Gayunpaman, pinilit kong ipagpatuloy ang aking pag-aaral. Sa kabutihang palad ay natapos ko ang unang taon ko sa High School.

Ang malungkot nga lang ay hindi na ako tulad ng dati. Hindi na ako kasing-galing noong nasa elementarya pa ako. Marahil ay wala na kasi ang nanay. Wala nang nag-aasikaso sa akin tuwing papasok ako. Si tatay naman ay nag-iiwan lang noon ng ilang kusing na barya upang baunin ko na kahit siya'y alam na hindi iyon sapat sa maghapon ko. Gayunpaman, hindi pa rin ako sumuko. Ako ang gumagawa ng paraan.

Pagkatapos ng aming klase ay pumupunta muna ako kina Aling Marie, isang pamilya na nakatira hindi kalayuan sa aming paaralan.

"Aling Marie, andito na ho ako." Batik o sa kanya pagdating ko sa kanilang bahay.

"Sige, magsimula ka na nang maaga ka makauwi." Wika naman niya.

Noong ay sisimulan ko nang hubarin ang lumang-luma kong sapatos, palda at naninilaw kong uniporme. Ititira ko ln gang manipis kong sando at short at magsisismula na ako sa aking trabaho.

Kukunin ko ang timba at tabo tsaka ako sunod na magtutungo sa poso upang mag-igib. Pagkaraa'y bubuhatin koi yon at magsisimula nang linisin ang babuyan ni Aling Marie. Mayroon siyang sampung pirasong baboy noon. Dalawa roo'y inahin pa at may mga anak na biik kaya sobrang hirap linisin.

ISABELATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon