ILANG ARAW MATAPOS MAGTAGUMPAY ANG HARING ZION NOON
"Ginawa ko ang makakaya ko. Pinahirapan ko ang Zenerian na iyon upang hindi ka matagpuan. Ngunit, bakit tila ikaw pa ang pinakamalaking natalo at nalinlang? Napakahina mo, Xenia!"
Nakaupo ang reyna ng mga bulkan at mamahaling mga bato sa kanyang pinakatrono na matatagpuan sa ilalim ng lupa. Sa harap nito, naroon ang nagsasalitang mukha na hinulma sa malapad na pader-- ito ang lugar na nasasakupan ni Xenia, may sariling buhay at kasama sa mga nagbibigay ng hadlang sa mga manlalakbay mula sa labas ng Melenzam.
"Hindi ko aakalaing napakatalino niya. Oo, nalinlang ako ngunit hindi ibig sabihin nun, mahina ako!" galit nitong sabi.
"Aminin mo na, mahina ka!"
"Kung ang iyan gusto mong isipin." Ininom nito mula sa gintong baso ang tinunaw na silber at asul na dyamante. "Sa susunod na propesiya, nakaisip na ako ng mas magandang pagsubok para sa mga maglalakbay rito. Susubukan kong manlinlang gaya ng nagawa ni Zion at ibabaon ko sila sa lupa at mga lohikong paglalakbay ang mangyayari bago maabot ang gabay tungo sa susunod na pagsubok..."
"Kung iyan ang iyong nais. Ngunit sa susunod na makita ko ang kahinaan mo at muling madumihan ang katawan ko, hindi ako magdadalawang isip na gumawa ng hakbang para bigyang leksyon ang nilalang na iyon." Huli nitong sabi bago mangiti ng lihim at mawala sa pader na iyon.
Hindi lubos maunawaan ni Xenia ang nais nitong iparating subalit, buo ang desisyon niyang maghanda para sa susunod na mga manlalakbay galing sa labas ng Melenzam.
-----
"Ibig sabihin po ba, kapag nakuha namin ang huli at ikatlong espada, talaga mahuhulog kami sa ilalim, dito sa kinalalagyan natin... ngayon?" paninigurado ng binata.
"Siyang tunay ngunit, hindi ko inaasahan na may gagawin ang aking nasasakupan. Maaari ko bang malaman kung bakit ganoon na lamang ang kanyang galit?"
Napatingin si Vince kay Mosea. Naalala nito kamakailan ang ginawang pagtusok sa lupa at may kung sino ang sumigaw na maririnig sa buong paligid. Hindi na nagsinungaling pa ang binata at agad na ikuwenento ang mga nangyari.
"At, hindi ko alam na magdudulot pala iyon ng hindi maganda. Sorry po, I mean, paumanhin po..." Yukod ng binata.
"Wala kayong kasalanan at naghangad lamang ng sagot at paraan. Responsibilidad ko ang hindi magandang paglalakbay na ito kung kaya--" hindi naituloy ni Xenia.
"A, hindi po! Hindi naman sa naging masama ang paglalakbay na 'to. Sa katunayan nga n'yan, mas naging challenging pa nga po e." May tuwang bigkas ni Vince.
"Ano'ng wika ang iyong tunuran?" Pagtataka ni Xenia.
"Ibig ko pong sabihin, mas naging kapana-panabik pa po. Tama, kapana-panabik!" Itinaas pa ang hintuturo.
"Masaya akong nalagpasan mo ito, ninyo..." Ibinaling ang tingin kay Mosea. "Sino siya, maaari ka bang magpakilala?"
"Ako si Mosea. Mula sa Zifornum at anak ng isa sa mga tagahatid ng propesiya. Ang mangkukulam na ngayon ay nasa panig na ng kasamaan." At isinalaysay pa nito ang dahilan kung naririto at ano o sino ang kanyang binalak na tulungan. Ipinaliwanag din nito ang sapat na rason kung bakit nagawa at iyon ay para makapiling muli ang nawalay na anak.
"Naunawaan ko ngunit, ano ang gagawin n'yo sa nilalang na iyan?" Itinuro nito si Prinsipe Harold na nakadapa at wala pa ring malay.
"Bago po 'yon, kailan po sila magigising?" Pagtutukoy ni Vince sa mga kasama.
Humakbang si Xenia at nang mahinto sa isang bahagi, itinaas nito ang kamay at bahagya iyong nagliwanag. Mula sa ilalim ng kinaaapakan, nabuwal at lumabas doon ang kahong gawa sa maningning na diyamante. May tila mga potion na nasa huhis bilog na botilya. Kulay asul ang laman ng mga iyon.
BINABASA MO ANG
Dark Hunter [S1: A Never Ending Battle]
FantasyISANG madilim na nakaraan ang magbubukas mula sa kamay ng kasamaan. Sa rehas na mundo (Pentezum) nakawala ang mga masasamang nilalang na maghahasik ng lagim sa mga daigdig. Sa mga daigdig na iyon, may mga natitirang nilalang na nakatakda upang mulin...