Chapter 3

2 1 0
                                    

CHAPTER 3

MADALING araw pa lang nang gisingin ako ni yaya Debs which is nakasanayan na dahil four pa lang ng umaga ay nakasilip na si haring araw. At dahil matagal na nung mag-stay ako rito, pupungas-pungas pa akong nagtungo sa dining table.

"Yaya Debs, what's for the breakfast?"

"Nagluto ako ng adobo baboy at tinolang manok."

Nagising ako sa sinabi nito. Ah, nakalimutan ko saglit na nakila grandma pala ako, malamang bongga ang pagkain kahit agahan pa lang.

"Kaya ka po tumataba yaya Debs," pabirong sabi ko rito.

"Aba'y ang bastos talaga ng batang ere? Kahit ganito man ey baliw na baliw si lolo Tacio mo sa'kin." Si lolo Tacio ay ang matandang sumalubong sa amin dito.

Natawa ako sa sinabi nito, "Iyon na nga po, eh. Nagtaka rin ako."

Napaigik ako nang kurutin ako nito sa tagiliran. Ah, I miss this. Napadami pa kain ko dahil na-miss ko ang luto rito, napadadalas kasi ang kain ko sa labas dahil si Camille ang laging nagluluto.

Bago pa nila ako maabutan sa dining table ay nagmadali na akong sumubo, ayaw kong makita si Camille. Walang pasintabi akong tumakbo pagkatapos ng huling subo, hindi na rin ako sinita ni yaya Debie dahil alam naman nito kung saan ako magpupunta.

Nasa may bakod na ako ng gate nang marinig ko si Lolo Tacio'ng sumigaw, "Mag-iingat ka, hija!", kinawayan ko lang ito at agad na binuksan ang gate.

Sana naman hindi pa de-ne-molish yung bahay nila. Imbes na sa mainroad dumaan, mas pinili ko ang medyo masukal na daanan kung nasaan ang itinuro sa aking short cut. Kinakabahan pa ako baka may mga tambay na rito pero umabot na lang ako sa may manggahan ay wala pa naman akong na-i-encounter ni isa, hindi rin naman siguro ako papayagang makaalis ni Lolo Tacio kung mayroon nga. In just a few steps I saw an enormous two-story house. Medyo creepy nga lang siya kasi napabayaan na pero alam kong maganda naman sa loob nito, nakailang ulit pa nga akong nagpupunta rito nung bata pa lang ako.

I wondered who owns this house. Kahit kasi sila grandma hindi nakita ang pamilyang nagmamay-ari rito, dito lumaki sa probinsya si grandma pero ang tanging naikuwento lang sa kaniya ay pagmamay-ari ito ng mga Montero.

Lumangitngit ang nangangalawang ng gate nito, ginamitan ko pa ng kaunting puwersa para lang mabuksan ito dahil sa sobrang tagal na. I glance at my wristwatch that reads quarter to six. You know what's the most amazing thing in this house? I face the north side where the sun is peeking. I smiled when the sunrise touches my forehead, a warm sensation against my cold skin. Ilang minuto pa akong nanatiling nakaharap dito hanggang sa makontento ako sa init nito.

Agad akong nagtungo sa likod-bahay kung saan nakabukas ang backdoor kaya ako nakakapasok. How many times did my grandma told me na hindi dapat ako pumapasok dito? Hindi ko na mabilang. Yeah, I know this is trespassing. Ilang ulit na rin akong kinilabutan sa bahay na 'to but curiosity kills me... Nasa may hagdanan na ako patungong second floor, sa bungad nito ay may malaking portrait ng isang pamilya at sa baba ng portrait nakasulat ang Rofredo Montero's Familia. There are five people in the portrait. Ang nakaupong mag-asawa at tatlong kalalakihan sa likod nito. Nagtataka lang ako, bakit burado ang mukha ng isa sa tatlo? Hindi siya natural na nabura dahil sa tagal na'ng panahon, para siyang ginamitan ng matalim na bagay at kusang binura. Habang dinadama ng daliri ko ang bawat letra sa baba nito ay napatalon ako sa gulat nang may bumagsak na lang bigla sa kung saan. Inilibot ko ang tingin ko pero ang pangatlong pinto sa may kanan ang nakakuha ng atensiyon ko, may kaunting siwang ito kaya medyo nakikita ko kung anong nasa loob. Kailan pa nabuksan ang pintong 'to? Lagi akong naririto nung bata pa lang ako at sinubukan kong buksan ang pinto ng mga kuwarto pero kahit kailan wala pa akong nabubuksang pinto.

Inabot ko ang flower vase na nasa ibabaw ng console table bago dahan-dahang lumapit at hawakan ang doorknob. Huminga ako ng malalim bago hinigpitan ang pagkakahawak sa flower vase, "Okay Armina, kaya mo 'to. One, two, three!" Pabigla binuksan ang pinto nito. My gosh, I won't be like those people na nasa horror movies na dahan-dahan pang binubuksan ang pinto.

Nakataas na sa ere ang kamay kong may hawak na flower vase but to my surprise isang kuting ang nakita ko sa malaking kuwarto. Parang nawalan ng buto ang hita ko, akala ko naman kung ano.

Ibinaba ko ang hawak na flower vase sa nightstand at pinulot ang nag-iingay na kuting.

"Ba't ka ba kasi napunta dito ha?"

Meow

"Muntik na akong atakihin sa puso dahil sayo" exaggerated kong sabi rito.

Meowoe

Hinimas ko pa ang ulo nito at pinanggigilan.

"At dahil diyan, sasama ka sa'kin. Tara," masaya akong binitbit ang kuting palabas ng kuwarto bago sinara ang pinto. At least ngayon kapag uuwi ako sa bahay ni grandma makikita ko siya, since hindi ko siya pupuwedeng dalhin sa Manila.

THIRD POV:

Masayang nilisan ni Armina ang malaking bahay dala ang bagong miyembro ng pamilya. Her overwhelming happiness failed to notice the silhouette that standing across the old house.

Those eyes that never leaves her.

A smile creeps into their lips.

Those words that came out from their mouth...

"I found you."

🍭theblackjustice

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 14, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

LETTERS FOR SAMARRAH (Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon