I averted my eyes from the bracelets and continued walking. Mabilis na sumunod si Blade sa akin.

"Wala. Ang gaganda lang noong mga bracelet..." sabi ko nalang.

"You like bracelets? Gusto mo bilhan kita?" nakangisi niyang tanong.

Pagod ko siyang binalingan. "I could buy one myself, Blade."

He chuckled.

We ate at a seafood restaurant. And how difficult it is for me to eat on that place. Dahil maski ang paghihimay ni Blade ng crabs, si Lee ang naaalala ko.

I remember him peeling crabs for me because I didn't know how. At ayaw niya ring paghimayin ako nang nalaman na nasugatan ako dahil do'n.

Ngayon kumuha pa kami ng waiter para lang maghimay para sa amin.

How difficult. How... painful. At hindi ko alam kung bakit. Hindi ko alam kung bakit sobrang sakit.

"Ayos ka lang? Kumain ka pa," si Blade nang nakita niyang tumigil ako sa pagkain.

Wala na akong gana. I don't even know if I can still eat. And as the days go on, as I remember Lee in everything I see, as I don't get a chance to see and talk to him again, I gradually realize how I really feel.

Unti unti na akong nakakaramdam ng takot. Unti unti na akong kinakabahan. Gusto ko na siyang makita, makausap at nang makapag paliwanag ako. I want to apologize, over and over again, until he finally forgives me.

Pero hindi siya nagpapakita sa akin.

"Mina, baka busy lang talaga?" sinusubukan ni Luna na pagaanin ang loob ko.

Hindi ako nagsalita. Naiiyak na ako sa sobrang takot at pag aalala. He has been avoiding me for weeks now. I want to believe that he was just really busy but he wasn't like this to me before. I know that he will really change towards me but can't he give me a chance to talk to him? Even just for a moment? Ayaw niya na ba akong pakinggan?

I know I gave him too much pain. I knew maybe he needed more time. But I can't wait anymore. Natatakot ako. Sa mga pwedeng mangyari. Now that I realized my real feelings for him, I'm scared that I will lose him too... like Seb!

I'm scared of losing him, not because he looks like Seb and I'm scared of losing his face forever! I don't care about his face anymore! I don't care if he looks like someone else from my past! I want him to stay! With me! I know I'm being selfish but I don't want to lose him! And I repeat that's not because he looks like Seb! Sebastian has nothing to do with this problem anymore! I want him to stay, not because he's Sebastian's twin, but because I love him! I love Constantino Leandros Hidalgo, not Seb... not anyone... but only him!

"Oh my gosh! Mina! I have something very important to tell you!"

Kinabahan agad ako sa sinabi ni Luna at sa tono niya. Napa ahon ako sa pagkakahiga sa aking kama. Linggo ngayon at busy na naman sa kumpanya sina Mommy at Daddy kaya hindi ulit kami nakalabas. Nalalapit na ang holiday kaya siguro nagiging busy na sila.

"What is it, Luna?" kabado kong tanong sa kaibigan.

"Kasama ko ngayon sina Gabrielle. Lumabas kami at kasama namin ang mga kaibigan ni Lee! I heard that Lee took the exam earlier than them! They said he finished everything right away and now he's leaving! To another country! To Los Angeles! Ngayon ang alis niya at nasa airport na siya!"

It was as if cold water had been poured on me when Luna said that. I couldn't move.

"Doon na daw mag aaral ulit si Lee. At hindi niya sinabi sa mga kaibigan niya kung kailan siya makakabalik!"

Parang tambol ang puso ko sa lakas ng kalabog. Nanginig ang mga kalamnan ko habang pinapakinggan si Luna.

"Mina, I'm sorry. Hindi ko alam! Wala akong alam tungkol sa kanya kahit nasa iisang school lang naman kami. Itong mga kaibigan niya lang kasi ang pinagsabihan niya at syempre hindi kumalat sa school dahil do'n! I'm sorry. I didn't know..."

Hindi ko na siya pinatapos. Kahit sobrang nanginginig sa takot at kaba, tumayo at tumakbo ako palabas ng bahay namin, dala ang phone, at habang sunod sunod ang pagbuhos ng mga luha.

No! Hindi siya pwedeng umalis! Hindi pa kami nakakapag usap! Hindi ko pa nasasabi sa kanya ang totoo kong nararamdaman! Hindi siya pwedeng umalis! Hindi niya ako pwedeng iwan!

Wala na akong pakialam kung pagalitan ako ni Mommy at Daddy pagkatapos nito. I quickly ordered our driver to take me to the airport. And because he saw me crying and in a hurry, he quickly followed me.

Lee changed his number so I can't contact him in the past few days. At ngayon pakiramdam ko mamamatay ako kapag hindi ko siya nahabol.

Hindi siya pwedeng umalis! Bakit siya aalis? Dito na siya mag aaral, diba? Kaya bakit pa siya aalis? Dahil ba sa akin? Dahil ba sobra ko siyang nasaktan?

I'm sorry! I know I've been so selfish! Pinagsisisihan ko na ang lahat! At ngayong alam ko na ang tunay na nararamdaman ko para sa kanya, para akong pinaparusahan.

Why didn't I realize earlier? Why am I thinking only of Seb? Why didn't I immediately see his efforts? Why am I such a fool!?

I remember how happy we are back when it was all normal. Palagi niya akong nililibre ng fishball at kwek kwek. How we got wet by the rain and how we laughed and ran even in the middle of that heavy rain. How he would help me with my assignments. How he always tease me. Lahat iyon naaalala ko! Kung noon si Seb ang palagi kong naaalala, ngayon sa lahat ng bagay na makita ko siya na ang naaalala ko!

Umiiyak akong lumabas sa SUV namin nang nakarating sa airport. Mahaba habang byahe iyon dahil hindi ganon kalapit ang airport sa amin.

Naghanap ang mga mata ko. Umikot ikot ako at sinikap tingnan lahat ng tao, nagbabaka sakaling si Lee iyon.

Lee, nasaan ka na? Hindi ka pwedeng umalis. Hindi mo 'ko pwedeng iwan!

"Lee!" I shouted, wala nang pakialam sa mga tao sa paligid.

I looked for him everywhere. In every corner of the airport. But I can't see him! Walang Lee! I thought for a moment that Luna might be just mistaken but when I saw the top, kung saan nakalagay ang mga flights na naka alis na, parang gumuho ang mundo ko.

Kasama roon ang Los Angeles. At ang sinabi ni Luna, doon siya pupunta.

"Sigurado sila. Ang mga kaibigan daw ni Lee ang naghatid sa kanya dyan sa airport kanina..." nag aalala ang boses ni Luna sa kabilang linya. Nalaman niyang nagtungo ako dito.

Humagulgol ako at napaupo na lamang sa sobrang pagod at sobrang sakit, punong puno ng pagsisisi ang nararamdaman.

Hindi ko na siya naabutan. Ni hindi niya manlang sinabi sa akin na aalis siya. Bakit niya ako agad agad iniwan?

Every Beat of Heart (Agravante Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon