C4

579 47 3
                                    

Ellias Pov

Nagpapahinga lang ako habang nagiiscroll ng facebook at Instagram ko at napapansin kong parang hindi mapakali si Tyler ngayon. Panay kasi ang lakad niya tapos sabay uupo and then tatayo na naman. Kanina ko pa siya nakikita na para bang balisa. Oum , matanong na nga lang kung anong meron at problema niya.


"Tyler? Anyare sayo bro? Nalulula na ako sa walang sawang kakaikot mo ngayon. Bakit hindi ka na naman mapakali dyan , ma problema ka ba?" Tapik ko sa kanya , kanina pa kasi siya lakad ng lakad at ikot ng ikot na parang ewan , halatang badtrip na badtrip siya.

"Damn it! This freakin Girl/Boy who's a top fan of yours is getting on my nerves! The heck who do you think he/she are to make me mad huh!" Namumula na sa galit yung mukha niya ngayon , nagpipigil nalang talaga ako ng tawa kasi baka ako pa ang mapagbuntungan ng galit niya.

"What did she/he does ba or say this time? Let me see it bro. Fudge he/she is funny though!" Di ko na nga napigilang hindi matawa ngayon dahil sa aking nabasa ,  tinignan niya naman ako nang masama kaya napahawak ako sa may bibigan ko.

"

What the heck Ellias! Do you think its funny? We'll for me it's not , sobrang nakakainis na yang punyetang fan mo na yan ah! Talagang may pinagmanahan at nasa tamang iniistan since kaugali mo tong taong to sa galing mambanas ng tao." Inis na saad niya sabay abot nung phone niya at ipinakita sa akin yung mga pinost niya a while a go lang na may caption na stolen shot.

I think ako ang nagpicture nito sa kanya nung shooting palang namin nakaraan he looks hot kasi dun eh kaya nung tumatawa siya ay kinlick ko na bigla. Well for his fan , ayuda siyang matatawag kaso hindi sa mga bashers.

"Oh I'm sorry bro. I'm just joking okay? Calm down first madami naman talaga tayong basher kasi sumisikat na tayo. Have some patience will you?" ganun naman talaga yun eh pag mas nakikilala na nagkakaroon talaga ng bashers ang kinaibahan lang ng top basher ni Tyler na si bweibanana ay napaka consistent nito na kahit ilang block na galing kay Tyler ay gumagawa pa rin siya ng bagong account. Sa mga post ko nga ay sobrang gaganda ng mga kinokoment niya kaso kabaliktaran nung sa kaibigan ko.


"Calm down? How the fuck do I calm down if this bweibanana is making fun of me? Damn it sa oras na malaman ko kung sino ang nasa likod ng matapang na basher na to! Fudge I'll make fun of him/her too!" Napaupo nalang siya sa may sofa tapos itinapon niya yung cellphone niya sa sobrang inis niya ngayon. Ngayon ko lang ulit siya nakitang ganito nung una nga ay dahil sa parents niya.

"Oh bakit kayo nagsisigawan diyan? May problema na naman ba ah? Kung oo ano naman yun?" Bigla namang sumulpot si ma'am jam kaya napaayos kami ng upo ni Tyler napailing iling naman ako sa tanong niya habang itong kasama ko ay nakatingin lang sa may tiles na lumong lumo pa din at naghahanap ng paraan para makaganti sa basher niya.

"Hay nako kung meron man huwag niyo nang alalahanin yan dahil may good news ako ngayon sa inyo!" napaangat naman yung ulohan ni Tyler nang sabihin ni miss jam na may good news daw ano naman kaya yun?

"Ano po yun Miss Jam? Spill it!" Takang tanong naming dalawa nakangiti lang si miss jam ngayon sana nga good news yan.

          

"We'll go to the Philippines tomorrow for the preparation ng concert , meet and greet and hanshake events niyo. Nang sa ganun ay medyo mahaba ang preparations niyo." masaya naman ako sa binalita sa amin ni miss jam pero mukhang si Tyler ang hindi masaya roon.

Well sa mga hindi nakakaalam ay hindi naman kasi sila okay ng parents sa kadahilanan na mas pinili nga niyang maging idol kesa maging engineer na gustong gusto ng parents niya sa kanya.

Ang tingin kasi nila sa pangarap ni Tyler ay para lamang sa mga babae gayung common nga naman ang maging idol sa mga kababaihan.

"Biglaan naman po ata Miss Jam? Hindi man lang kami nakapaghanda kaagad?" Tanong niya naiintindihan ko yung side niya , ilang taon na din naman kasi siyang wala sa pilipinas kapag may trip kami doon ng Twinkle Pop ay hindi siya sumasama kaso ngayon need talaga niyang sumama dahil nga may mga upcoming events kami doon and as a group ang performance nun.

Malaki din ang nakasalalay sa mga ganap na yun gayung doon kami mas makakahakot ng mga fans as well as mga sponsors and investors na makakatulong sa aming boy group.

"Oum , nice question ngunit hindi ako ang tamang tao para sumagot niyan Tyler. Inihabilin lamang ito sa akin upang sabihin sainyo at ang kailangan niyo nalang gawin sa ngayon ay magprepare ng mga dadalhin niyong gamit para bukas. Make sure to be on time gayung 7am yung kitaan natin dito sa studio at 9am yung flight natin bukas" mahabang eksplinasyon ni miss jam , sari saring emosyon ang nararamdaman ko ngayon may masaya na malungkot na medyo excited para bukas.

"Okay! Noted po Miss. Jam!" Wika ko na lamang at pinagmasdan si Tyler na tila bay nag iisip pa ng kanyang gagawin.

"Tara na bro. Huwag ka nang mabadtrip dyan at nagmumukha kang angry birds dyan ngayon. Nasaan na ang visual ng group natin? Mukhang kailangan ko nang palitan ah?!" pang aasar ko pa sa kanya dahil magkasalubong na naman yung kilay niya , tanging yung bweibanana lang talaga na yun yung nagpapainit ng ulo ni Tyler. Oum , what if meant to be sila? Ey kapag nangyari yun sobrang angas nun dahil sa wattpad or sa teleserye ko lang natutunghayan yung mga ganung eksena.


"Could you please stop bothering me. It's making my blood boils even more Ellias?! Just leave me alone for a while bro." Ay taray napapa english na ng fluent ang ate niyo lara hahaha galit na galit yarn? Well deserve ulit charot.

"Okay fine! Oum , basta tara na sa kanya kanya nating condo at mag aayos pa tayo ng gamit para bukas" sabi ko nalang sa kanya bago tumayo , sumunod naman na siya papuntang sasakyan dahil ihahatid na kami sa condo namin ngayon.

______

"Tyler? May tanong lang ako sayo? If gusto mo lang naman sagutin and if not then okay lang naman sa akin yun." Tanong ko ,  kanina pa kasi kami tahimik lang dito sa may condo habang nag aayos ng gamit namin sa maleta.

Buti nalang talaga na this time ay hindi siya umangal at sumunod siya sa sinabi ni miss jam na lahat kami ay magtutungo sa pilipinas.

"What is it? Spill it." Medyo okay na yung mood niya ngayon ah , wait sirain ko na naman kaya? Hahahah

"What if lang ah? Oum , what if kung babae yung bweibanana na yun tapos magandang dilag pala siya?" Tanong ko napatingin naman sa akin si Tyler na para bang nagtataka kung bakit na naman napasok yung bweibanana na yun sa usapan or sa itatanong ko.

"Ano naman kung maganda siya? Pakialam ko sa kanya , hindi ako pumapatol sa isang basurang kagaya niya." mabilis na sagot niya sa akin na ikinangisi ko nalang. As expected ganun naman talaga ang inaasahan kong isasagot niya sa akin.

"Tapos kakaiba yung ganda niya yung feeling na maiinlove ka pag tinitigan mo palang siya" dagdag ko pa hindi na siya tumingin sa akin sa halip ay itinuon niya nalang yung tingin niya sa ginagawa niya ngayon.

"Stop making a novel Ellias will you? Kakabasa mo yan ng mga libro kaya nagiging mema writer kana. Yang sinasabi mo ay hindi mangyayari kahit kailan , I'll never date a basher as well as a fan gets mo ba?!" nobela ka dyan nag iimagine lang ako na what if ang isang top hater mo ay ang siyang taong makakatuluyan mo diba? Pag nangyari yun baka mag quit na ako sa pagiging idol at maging manghuhula nalang hahaha.

Ellias ang gwapong manghuhula. Ang poging tatawaging Boss bola bola hahah ayun ang gusto kong itawag sa akin haha funny ba guyz? Kasi ako natatawa sa sarili ko eh.

"What if nga lang diba? Ano sagutin mo nalang kasi! Sus paano kung kayo ang itinadhana? Hindi mo naman mapipigilan yun tyler." Pangungulit ko pa sa kanya parang wala na kasi siyang balak na sagutin ako , nagtatanong lang eh masyado siyang nagpapahalata.

"I don't care if she's beautiful or anything! If i find out who she/he is I'll make sure that she/he will pay for the humiliation that she/he did to the only Tyler Vixson ng Twinkle Pop!" Medyo inis na sabi niya at diniinan niya pa talaga yung pagkakasabi niya sa may pangalan niya.

"Ay grabe naman yan! Mahirap magsalita ng patapos bro ah? Baka makain mo yang sinasabi mo sa hinaharap" napatingin naman siya sa akin na para bang nagtataka , well maganda naman talaga yung babaeng yun I find her cute lalo na yung height niya.

"It sounds that you know that bweibanana Ella ah? Spill it! Sino ang pisteng fan na yun ah? For sure pinagtatakpan mo lang gayung isa siya sa mga top fan mo Ellias tama ba?" Nakapameywang na tanong niya sa akin napailing iling nalang ako , hindi ko pwedeng sabihin na may alam at kilala ko na yung top hater niya which is my top fan also.

"No I'm just making fun of you bro. Anyway , continue what you're doing na don't mind me. I'm just teasing you lang naman." natatawang saad ko sa kanya , hinayaan niya lang naman ako at hindi na umimik pa.

Tapos naman na ako mag ayos ng gamit ko sa aking room kung kaya'y nanumbalik na naman ako sa pag scroll scroll sa facebook at nag aantay ng mga latest updates sa mga binabasa kong manga.

I DATED AN ANTI FAN Donde viven las historias. Descúbrelo ahora