Chapter 1
Souls"'Mmy, alis na ako." Pagpapaalam ko habang nagsisintas ng sapatos. Hindi niya ako pinasadahan ng tingin at ikinumpas na lamang ang kanyang kamay dahil may kausap siyang kliyente. She's always busy, I'm used to it pero hindi ko pa rin kinakalimutan na magpaalam.
Walking distance lang ang eskwelahang pinapasukan ko kaya mas pinili ko nalang maglakad para hindi sayang sa pera at gas. I put my headset on my both ears and maxed it's volume. Bago ako humakbang palabas ng aming gate, bumuntong hininga muna ako. Naramdaman ko ang malamig na aura na nagpataas ng balahibo ko. Katulad ng araw-araw kong ginagawa, hindi ko ito pinansin.
"Magandang umaga!" Masiglang bati ng isang pigura sa harapan ko at ikinaway ang naputlang kamay na may bahid pa ng dugo sa aking mukha. My hands starts to tremble. Kahit delikado, itinuon ko ang aking paningin sa aking cellphone habang naglalakad kahit hindi ito nakabukas. Nakita ko pa rin ang itsura niya, gamit ang peripheral vision ko. Wala itong mga mata... At nababalot ng mangitim-ngitim na dugo ang buo nitong mukha. Napabuga ako ng hangin ng malampasan ko ito. Narinig ko ang pagbati nito sa bawat taong dumadaan na naging morning routine niya na.
I don't know how many times I've prayed na sana ay walang kaluluwang mag-abalang kausapin ako dahil hindi ako friendly at baka magcollapse ako anytime. Sa loob ng 16 years, hindi pa rin ako nasasanay. Sino bang masasanay? Pati sa panaginip ko, dumadalaw sila.
Pagkatapos ng pitong minutong paglalakad, nakarating na rin ako sa Bellson High. May narinig akong pamilyar na boses at namataan kong si Brea ito. She's Breanne Cameo, my bestfriend. Even though we're really close, I didn't tell her because I'm worried that she'll be weirded out at iwan ako kahit alam kong hindi niya gagawin 'yon.
"Lucy!" Patakbong bati niya sakin at mahigpit akong niyakap. Parang hindi kami nagkita kahapon ah. "May assignment ka?" Bungad niya. "Oo, pero hindi ako nagpapakopya." Sagot ko kaagad sa kanya. She frowned and stated why she doesn't have a homework. Tumango nalang ako dahil baka malate pa kami. Buti at mas nauna kami sa aming guro.
Umupo ako sa tabi ng bintana kung saan makikita mo ang malawak na grass field mula sa ikalawang palapag ng building. Nakikinig ako sa discussion habang nakatingin sa kulay asul na kalangitan. Natanggal lamang ang tingin ko rito ng may maramdaman akong mabigat na awra. Bumilis ang tibok ng puso ko at nahirap akong huminga. Lakas loob kong tinignan ang corridor na alam kong pagsisisihan ko. Nanlaki ang aking mata nang mapansin ko ang babaeng mayroong mahabang itim na buhok na halos matakpan ang maputla nitong mukha at nakasuot ito ng kulay itim na bistidang may bahid pa ng dugo. May kulay itim na usok ang bumabalot sa kaniya. Isa itong 'Dark Soul'. Napakabigat... Dahan-dahan itong naglalakad at sa isang kurap ko lang bigla itong nawala. Iwinaksi ko nalang ang aking nakita at tumingin sa harapan upang makinig ngunit sa halip na pisara... Isang pares ng mata ang nakatingin sa akin.
I gasped.
Nasa harapan ko na siya. Halos magdikit ang aming mukha dahil sa sobrang lapit nito. I bit my lower lip. Suppressing myself to scream. Mariin niya akong tinitigan, gamit ang nanlilisik na mata. Ang labi nitong halos mapunit sa pagngisi ay kinagimbal ng kalamnan ko. Kahit hindi ko tignan, may nakatarak na itak sa batok niya. Naramdaman kong nag-init ang sulok ng aking mga mata at tibok ng puso 'kong parang nakikipagkarera. Bakit ito nangyayari sa akin? Paulit-ulit kong tanong sa aking isipan
"Naririnig mo ako?" Malamig na tanong niya at lalong lumawak ang ngisi niya.
Tuluyan nang tumulo ang aking luha. Sinikap kong ibuka ang aking labi at pinakawalan ang katagang lagi kong sinasabi."I-Ipis... M-May ipis sa paa ko..."
The atmosphere became more heavier. "Hindi mo ako nakikita?!" Pumintig ang tainga ko dahil sa nakakarindi niyang sigaw. Ipinikit ko ang na lamang ang aking mga mata. Sinalubong ko ang malakas na hangin na nanggagaling sa bukas na bintana na lalong ikinatuyo ng labi ko. Gusto ko nalang madala ng hangin palayo sa kanya. Dahan-dahan 'kong iminulat ang aking mata at nagpakawala ng malalim na hininga nang wala na ito sa aking paningin.
"Are you okay?" Malamig na tanong ng kung sino man. Nagdadalawang isip ako kung titignan ko ba ito dahil baka mamaya ay isa na naman itong kaluluwa. "Lucianna." He said with authority kaya itinangala ko ang aking ulo at sinalubong ang kulay tsokolate niyang mga mata. "Here. Wipe your tears." He said and handed over the gray handkerchief. Tinanggap ko naman ito dahil wala akong dalang panyo.
"Thanks, I'll give it back to you tomorrow." I thanked and gave him a small smile. Tumango lang siya at ibinalik ang atensyon sa discussion.
Ilang beses ko na siyang napagkakamalang soul dahil sa lalim at lamig ng boses niya.Hindi ko alam na tapos na pala ang tatlong subject kung hindi pa ako tatawagin ni Brea. "Tara sa Cafeteria!" Aya niya. "Pwedeng dito nalang tayo kumain?" I suggest.
"Baka nakalimutan mong bawal kumain sa room. Sige ka, mabubungangaan na naman tayo ni Ms. Lapid." Tukoy niya sa aming homeroom teacher. I sighed and stood up to go to the cafeteria even though it was against my will.
"Why do you want to stay here ba? May kaaway ka sa kabilang section no? Sabihin mo lang ako bahala!" Giit niya kaya natawa na lamang ako. Masiyado siyang tamang hinala. Kung papapiliin ako, mas gusto ko pang may kaaway sa kabilang section kaysa naman makakita ng mga kaluluwang may sayad.
"Madaming tao." Nasabi ko na lamang. "Hayst, umaandar na naman ang pagiging anti-social mo." Nakanguso niyang giit. I think lots of friendly souls wandering in the cafeteria is more appropriate. Hinawakan niya ako sa pulsuhan at tumakbo dahil baka daw mawalan kami ng table. Mayroong libreng table sa may bandang gitna kaya do'n kami umupo. Great, mas makikita ko sa puwestong ito ang mga kaluluwa sa loob ng silid. My mind said sarcastically.
They always go to crowded places and they really chose to go to the school I attend. Naglakbay ang aking paningin sa isang lalaking kaluluwa na umupo sa tapat ni Kaycee Rodriguez, she's the Campus Bell kaya hindi na rin nakakapagtaka na pati multo nagkakagusto sa kanya. Nakatitig lang ito sa kanya at paulit-ulit binanggit ang salitang 'napakaganda'. I admit that I'm weird but he's weirder.
Nawala lang ang atensyon ko sa kanya nang ilapag ni Brea ang lunch meal namin. Tinolang manok, kahapon ay adobong baboy kaya hindi na rin masama pero sana sa susunod ay tikman muna nila.
Isusubo ko na sana ang kutsarang may kanin at laman ng manok nang may tumabi sa akin at bumulong.
"Hindi maganda."
Binaba ko ang aking kutsara at napabuntong hininga. Nakakawalang gana. Hindi lang dahil sa itsura niyang sunog ang kalahating katawan na talagang hindi kaaya-aya na tignan habang kumakain kundi dahil na rin sa sinabi niya. Hindi ko alam kung maiinis ba ako o matatakot.
"Anong problema?" Tanong ni Brea. I just shook my head and continued to eat even though I could still feel his presence beside me. Pagkatapos ng ilang minuto ay nawala na ito. Bumalik na din kami sa aming silid after naming kumain. After 3hrs ng sunod-sunod na nakakainip na discussion sa wakas tapos na rin ang klase. Ang paborito kong part ng school life ay ang uwian. Naglakad ulit ako pauwi at hindi pinansin ang mga kaluluwang gumagala pa rin bago lumubog ang araw.
Sana wala ng mas lalala sa araw na ito dahil kung hindi, mas gugustuhin ko na lang maging kaluluwa.
BINABASA MO ANG
Souls Away
HorrorLucianna Vertin is a 16 years old girl who wants to have an ordinary life. Simula noong sinilang siya ay may mga bagay siyang nakikita na hindi nakikita ng ordinaryong tao. Hindi niya masabi kung ito ba ay isang kakahayan o isang sumpa. Ginawa niya...