Chapter 1

41 3 0
                                    

A/n:This is my first story that I publish guys!!

Yumie POV

Eto na,eto na ang araw kung kailan ako aalis sa probinsyang kinalakihan ko.Maaga akong gumising para sandaling puntahan ang mga kaibigan ko para personal ulit na magpaalam.

Ayoko naman silang iwan nang hindi ko sila nakikita ngayong araw kaya kahit nagdadalawang isip ako kung pupuntahan ko pa sila o hindi na.Tutuloy parin ako.

Tumayo na ako para maghanda sa pagpunta sakanila.Maaga pa at bandang alas siete palang din mamaya pa din naman ang flight ko papuntang maynila.At oo ako lang at wala akong kasama.Ihahatid lang ako ni lolo sa airport para masigurong makakasakay ako ng maayos.

Matapos kong maligo at gawin ang morning routines ko ay bumaba narin  ako.Nakashorts lang ako na hindi naman ganon kaikli at nakaover-sized shirt na casual.

Sumilip muna ako sa may dining kung may tao at meron nga.Sabay-sabay na nag-aalmusal sina mommy at daddy pati narin si Yassy na bunso kong kapatid.Nagtatawanan sila at nagkukwentuhan nang tungkol sa mga achievements ni Yassy todo puri naman sila mom and dad sakanya kaya tuwang tuwa si Yassy.

Araw-araw naman silang ganyan.Sabay sabay mag-almusal,tanghalian,hapunan pati narin siguro mag-midnight snack.

Sanay na naman ako sa routine nilang yun pero hindi ko parin maiwasang makaramdam ng inggit pero mas nangingibabaw yung lungkot.Yung lungkot at pangungulila sa atensyon nila.

Palagi kong hinihiling na sana maranasan ko ring gisingin nila para sabay sabay kaming mag-almusal sa umaga.Pero wala, wala kasi para akong multo na hindi nila makita.

Sawa narin ako sa buhay na meron ako pero mas pinipili kong lumaban para sa sarili ko.Wala akong gustong patunayan sakanila kasi gusto ko kusa silang maging proud para sakin.

Kailan kaya yun?.

Pero matagal na kong naghihintay sa bagay na yun pero palagi nalang kasing Gayahin mo si kuya mo,gayahin mo si Yassy.Mga honor student e ikaw ano ka nalang?Ganyan ka nalang?,Parang sirang plaka na nagre-replay sa utak ko ang mga salitang yan ilang taon na ang nakakalipas.

Saktong graduation ko nun pero recognition rin nila Yassy nun sa school nila.Sabi ko kay mom na pumunta sila kahit humabol nalang pagkatapos ng recognition ni Yassy.Wala syang sagot sakin nun kundi tango.

Graduation ko sa Grade 6 nun at kahit wala akong honor o kahit award man lang sa mga subjects?proud na proud ako sa sarili ko nun.Walang katumbas na saya dahil nakapagtapos na ko ng elementarya.

Si lolo sana ang sasama sakin nun kaya lang may emergency meeting sila ng mga kasosyo nya kaya hindi sya nakapunta.Sabi nya pa nga sakin nun kung hindi daw sya makahabol reregaluhan nalang raw nya ko at proud na proud raw sya sakin.

At dahil nga graduation nun kailangan naming mag-march kasama ang mga parents namin.Dun ko naramdaman na wala akong importansya sa kanila.Yung araw na dapat espesyal para sakin pati narin sa mga magulang ko parang isa lang tipikal na araw para sakin at yung araw na yun,yun ang espesyal na araw para kay Yassy at sakanila.

Nag-martsa ako nun mag-isa.Habang nagma-march hindi ko napigilan ang sarili kong umiyak ng umiyak.Yung mga parents ng mga kaklase ko tinatanong nila kung bakit raw wala yung parents ko at yung iba naman kung bakit ako umiiyak.May iba pang nagpresintang sasamahan nalang akong mag-march pero tumanggi ako.Wala kasing ibang may karapatan para samahan ako sa pagmamartsa sa araw na yun kundi sina mom and dad lang.

Pati mga teachers nun nagpresinta narin pero hindi ko tinanggap at sinabi ko lang yung dahilan na meron ako.Yung mga mata nila awang-awa sakin.Sabi pa nga nila kakausapin raw nila yung parents ko pero sabi ko hindi na.

I love you,my Bad BoyWhere stories live. Discover now