Chapter 1

1 1 2
                                    


Isang normal na araw iyon para sa akin. Nasa waiting shed ako,hinihintay si Herson,ang aking nobyo. Magkikita kami para ayusin ang kasal namin.Dalawang taon na kami ni Herson 16 pa lang ako nang maging kami. At ngayon nga ay napagpasyahan na naming magpakasal. 

Ako si Rowena,18 years old. Maganda,maputi at may seksing pangangatawan.Laking Maynila ako pero ang mapapangasawa kong si Herson ay dito sa Mindanao nakatira. Napadpad kami rito dahil dito nadestino ang aking Ama. Hindi kami mayaman hindi rin mahirap,pero ang mapapangasawa kong si Herson ay masasabi kong mahirap lang. Isa siyang magsasaka ngunit walang sariling lupa,nakikisaka lang. Ngunit hindi naging hadlang yun para hindi ko siya mahalin. Mabait siya,a kaniya ko naramdaman ang pag-aalaga na hindi ko naramdaman sa aking pamilya. Malayo ang loob ko sa aking Ina dahil may favoritism siya. At ang favorite niyang anak ay ang pangalawa namin at ang aming bunso. Ako ang paborito ng aking Ama ngunit lumayo rin ang aking loob sa kaniya dahil nambabae siya at inuuwi niya ang kaniyang babae sa aming bahay. Naalala ko pa noon,sa sahig natutulog ang aking Ina samantalang ang aking Ama ay sa kama,kasama ng kabit niya! At 'yun nga ang dahilan kaya lumayo ang loob ko sa aming pamilya. At doon ko nga nakilala si Herson nung mga panahong lubog ako.

Naputol ang pag-iisip ko nang may tumawag sakin,si Romy. Asawa siya ng aking pinsan.

" Wen,anong ginagawa mo riyan?" tanong niya. Pinagmasdan  niya ako mula ulo hanggang paa na ikinailang ko.
May dala itong kalabaw na may hilang kariton.

" Ang sexy mo talaga,saan ba ang lakad mo at nakapostura ka?" dagdag pa nito habang nakangisi.

" Magkikita kami ni Herson,mag-aayos kami ng papel para sa kasal." Napansin ko ang pag-iba ng awra ng itsura niya,nawala ang ngiti dito. Hindi lingid sa akin ang malaking pagkakagusto ni Romy sa akin. Sixteen years old pa lang ako nang magtapat ito sa akin,kahit meron na siyang asawa nang mga panahong iyon. Boyfriend ko na rin si Herson ng mga panahong iyon,hindi ito tumigil ng patagong panunuyo. Ngunit iniiwasan ko lang dahil asawa siya ng pinsan ko. Matanda ng 10   taon sa akin si Romy. Ngunit hindi iyon naging hadlang para magkagusto siya sa akin. Sa edad na sixteen kasi ay dalagang dalaga na akong tignan. May malapad na balakang at maliit na bewang. Idagdag mo pa ang maputi kong balat na lalong nagpatingkad sa aking kagandahan.
Napansin kong tinitigan niya ako ng matiim na nagdulot sa akin ng kaba.

"A-ang t-tagal nga niya eh,kanina pa ako na-naghihintay," nabubulol kong sabi sabay sulyap ko sa wristwatch.

"Halika na sumabay kana sa akin puntahan natin siya," nakatitig paring sabi niya sa akin.

" Ay hindi na,dito kasi ang usapan namin na magkikita baka magkasalisihan kami."

" Eh kasi kanina nakita ko siyang nagdedeliver ng saging kila Aling Mila. Mukang nakalimutan 'yung lakad niyo ah," saad pa nito habang nagsisindi ng sigarilyo.

" Ha? Imposible naman kasi nung isang araw lang namin napag-usapan ito."

" E kasi binati ko pa nga siya sabi ko mukang nakakarami ng pitas ah,ang sagot niya eh baka nga raw hanggang mamayang hapon pa matatapos 'yung paghahakot nila."

Nakaramdam ako ng pag-aalala na baka nga nakalimutan na ni Herson ang usapan namin nung isang araw.Wala rin naman siyang cellphone para matawagan man lang siya. Importante pa naman ang lakad namin.

" Halika na sumabay ka na sa akin doon din naman ang gawi ko dahil hinihiram itong kalabaw ko.Malay mo matyempuhan natin siya kina Aling Mila," sabi niya habang nakatitig parin sa akin.

Nag-aalangan akong sumama sa kaniya dahil baka nga magkasalisihan pa kami ni Herson. At isa pang inaalala ko,nasa gitnang bukid kasi ang bahay nila. At syempre sa bukid rin kami dadaan kung saan walang katao-tao. Nakatitig parin siya sa akin na tila binabasa ang nasa isip ko.
Maya-maya pumunta ito sa karito at inayos ito.

"Tara na dito,sumakay ka na sa kariton,baka maabutan pa natin siya kina Aling Mila."

Si Aling Mila ay ang pinagdedeliveran nila ng kanilang mga ani. Wala ng pag-aalinlangang sumakay ako sa kaniyang kariton. Naisip ko kasi na baka nga maabutan namin si Herson kina Aling Mila. Nang makasakay na ako ay lumarga na agad kami.

"Yun talagang pinsan ko na 'yun,akalain mong paghintayin ka,ngayon magsisisi siya kung bakit ka niya pinaghintay,"sabi pa nito sabay halakhak. Ayokong isipin na may laman ang sinabi niyang iyon hindi ko na inintindi na sa huli ay pagsisisihan ko pala.

Abot tanaw na namin ang bahay ni Aling Mila ngunit wala kaming Herson na nakita.

" Diyan ka na muna,tatanungin ko lang si Aling Mila kung nagawi na dito si Herson,"sabi nito pagkatapos ay iniwan na ako. 
Tanaw ko siya habang papalayo,ngunit nang bumalik ito ay may dala na itong tubig habang napapalatak at napapailing.

"Sayang! Hindi natin siya naabutan kaaalis lang daw,ang dami nga raw dala," sabi pa nito habang inaabot ang isang basong tubig sa akin.

Hindi naman agad ako nakaimik. Masama ang loob ko para kay Herson. Paano niya nakalimutan ang mahalagang araw na ito. Nakakainis!

" Dinalhan na kita ng tubig dahil mahaba-haba pa ang lalakarin natin," nakangisi pa nitong sabi sa akin. Kumikislap pa ang mga mata nito na tila ba nagtagumpay. 

Lumingon ako sa pinanggalingan namin,para bang gusto kong bumalik nalang ngunit malayo na ito. Agad na pinalakad ni Romy ang kalabaw nang mapansing tila nag-aalangan ako na sumama pa. Kaya naman hindi na ako nakatanggi. Ngunit sa hindi mawari ay binundol ako ng kaba,ngunit hindi ko nalang ito pinansin. Nangibabaw parin ang inis ko kay Herson. Maya-maya nakaramdam ako ng pagkaantok na para bang hinehele ako. Marahil ay sa inip at pagod sa layo ng nilakbay namin. Dagdag pa ng sariwang hangin na nasa paligid. Bago ako tuluyang pumikit ay naulinigan ko pa siya.

" Hamo at sabay nating sasabunin yang si Herson,matulog ka na lang muna riyan," sabay halakhak pa nito.At tuluyan na ngang dumilim ang aking paligid. Tuluyan na akong nilukob ng labis na antok.

Dark CreaturesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon