Chapter 22

2 0 0
                                    

"Tara sa volleyball court, manood tayo ng practice game."



Narito kami sa may damuhan, nakaupo habang inanamnam ang hangin. Wala na kaming klase, maagang natapos kaya naman mayroon kaming free time. Tumayo ako at pinagpagan ang suot kong palda. Pumunta kami sa volleyball court, umupo kami sa pinakaharapan, nagawa naming makipagsiksikan sa iba. Nag-iingayan na ang mga narito, buti na lang at walang practice game sa basketball dahil baka naroon lahat ng mga taong nandito.



Isang linggo na ang nakakaraan nang mag-camping kami. Good to know that I got a high score from our activities. Kaya ko naman iyong gawin kaya hindi ako nagkaproblema, ganoon din ang mga kaibigan ko dahil hyper silang lahat maliban kay Ian na parang walang buhay habang nagjojogging kami, parang sumabak din kasi kami sa military training. Mahirap pero masaya naman lalo na kapag gabi dahil nagkakantahan ang lahat kasama ang mga katutubong naninirahan sa bundok. May dala kasing mga gitara ang mga seniors.



Isang linggo ko na ring hindi kinakausap at hindi pinapansin si Ian. He tried to catch my attention but but I did not glance at him even once. Hindi ako galit, hindi ako nagtatampo at mas lalong hindi ako nagpapabebe sa kaniya dahil hindi naman iyon kailangang gawin. Gusto ko lang umiwas sa kaniya dahil sa nangyari. Gusto ko pa munang pahupain ang emosyon ko, gusto ko pa munang gamutin ang mga maliit na sugat sa puso ko. Baka kasi kapag kinausap ko siya ay mag-away lang kaming dalawa.



I know that he doesn't deserve my avoidance because he's doing his best to make up with me. Ako lang naman itong may problema. Ako lang naman itong gustong huwag na maging malapit sa kaniya dahil ayaw ko ring mahulog pa ako ng mas malalim sa kaniya. Napansin ko ring hindi na siya masyadong nilalapitan ni Savana, kung lapitan man nito si Ian ay tungkol lahat iyon sa lessons namin, hindi na rin siya palaging kinikibo ni Ian. I don’t know what happened between them.



Mas maganda na sigurong iwasan ko na muna siya habang maaga pa dahil hindi ko alam ang gagawin ko kung makaramdam ako ng sakit kapag mahal na mahal ko na siya. 'Yung tipong hindi ko siya kayang bitawan, 'yung tipong mahihirapan akong makalimutan siya dahil siya ang pinapaalala ng isip ko. 'Yung tipong hindi ko na siya kayang hindi makita kahit na nasasaktan ako dahil siya ang hinahanap ng puso ko.



"Go Blue Enderdragons! Go! Go! Go!" Hiyaw ng mga grade 12 students. Masyado ng mainit ang labanan sa pagitan ng mga grade 12 at grade 11. Dikit lang din ang scores nila at bahagya ng nagakakainitan. "Go Blue Enderdragons! Go! Go! Go!"



"Practice game pa lang 'to pero masyado na nilang sineseryoso." Sabi ni Mikee sa akin. "Parehas namang lalaban sa division competition ang dalawang 'yan. Masyado silang malakas pero hula ko, matatalo ang mga grade 11 dito, tignan mo naman ang mga kalaban nila, ang tatangkad."



"Ganoon din ang hula ko, mabagal kasi ang mga galaw nila." Nagkibit-balikat ako. "Wala siguro silang ganang maglaro ngayon. Pero sabagay, parehas lang naman silang magaling. Dikit nga ang labanan nila." Sagot ko.



Red Bullseye holds the ball. When a player grabbed and served the ball, it almost crossed the line, fortunately, and she lessen the strength she gave so it hit the inside lane. Nakuha nila ang score dahil hindi naman nahabol ng Blue Enderdragons ang bola. Ilang beses pa silang nagpalitan ng bola, spikes, serves, blockings, hitting passing, hustle. The players did all that. Sa huli ay nanalo nga ang mga senior, lamang sila ng tatlong puntos sa huling set tapos ay panalo na sila ng dalawang beses kaya hindi na nakahabol ang Red Bullseye.



Nang matapos ang game ay saka namin napagpasyahan na tumambay muna sa labas ng university, pwede na kasing umuwi dahil alas kwarto na rin naman. Mayroon kasing bentahan ng mga siomai at iba-iba pang miryenda roon. Sumama sa amin si Ian, himala iyon at hindi siya busy ngayon, wala siguro siyang gagawin na importante. Nagpaalam pa sa akin si Gil bago siya umuwi, ganoon siya, walang araw na hindi niya ako kinakamusta. Walang araw na hindi siya nagpaalam sa akin na uuwi na siya.



Falling To His Embrace | El Principe Series #1Where stories live. Discover now