07 : narration

15 3 1
                                    

Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko. Hindi ko kasi alam kung makikinig ba ako sa sermon ng pari, o ti-titig nalang kay Josh hanggang matapos ang misa.



Bakit ko nga ba siya nagustuhan?



Is it because he looks like him?



Ewan ko ba, baka trip ko lang si Josh? Pero iba yung dating niya sakin e. Basta crush na crush ko siya, kahit pangalawang beses ko pa lang s'yang nakikita.



Katabi ko si Bea, hindi ko pa rin siya pinapansin mula kanina. Nakakatampo kasi 'yung hindi niya pagsabi sa'kin na pinsan niya pala si Josh, yung sakristan.



Napatitig ako sa sakristan.



"May barya ka ba diyan?"



Ang gwapo talaga niya. Soon talaga i cha-chat ko na siya, tutal alam ko naman na ang pangalan niya



"Sam? May barya ka ba diyan sabi ko?!" Sabi ni Bea sabay kurot sakin.



Gulat akong napatingin sakaniya, agad nalang akong nag abot sakanya ng sampung piso.



"Sam, tignan mo 'yung sakristan na crush mo. Nakatingin sa'yo oh" bulong ni Jelene na katabi ko lang rin.



Agad akong napatingin sa alatar, kung nasan ang mga sakristan. Napadapo ang tingin ko kay Josh. Nakatingin nga siya sa'kin.



Gago nakatingin siya, omg



Napaiwas nalang ako ng tingin para hindi halatang kinikilig ako. God, he's giving me romantically excitement.



Nag hawak hawak kami ng kamay, at kumanta ng Ama Namin. Inii-magine ko nalang na si Josh 'yung hawak ko ng kamay. Kinikilig tuloy ako habang kumakanta kami



"Sa pari ang tingin, hindi sa pinsan ko" bulong ni Bea



Pagkatapos ng misa, ay agad kaming nag mano kay father.



"Tara girls, ipakilala ko kayo doon sa pinsan kong sakristan" ani ni Bea. Muntik na akong nasamid



Hala! Totoo ba 'to?!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 20, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Sakristan | EditingWhere stories live. Discover now