•••
"Hindi ko makalimutan ang mukha ni Jia habang sinusubuan ka sa canteen. Parang binagsakan ng lupa at the same time parang gusto ka na patayin sa pinagawa mo!"
I smirked at Maddie telling me how Jia reacted that time na sinusubuan niya ako sa canteen. Hindi na masakit ang tama nung suntok niya sa tiyan, but I'm willing to risk another punch kung ang kapalit nu'n ay masolo siya sa isang lugar or staff room.
First of all, ako nga pala si Bea De Leon. 25 years old. Single. Graduate ng Ateneo.
Hindi ko sigurado kung importante ba sa inyo na malaman pero para na din alam niyo kung sino ang nagsasalita.
I grabbed my shot glass and smiled at myself when Jia's face flashed in my mind. Mula nung unang beses ko siya makita sa labas ng 7-11 many nights ago, hindi na siya nawala sa isipan ko. I didn't cat call her that night, ang intensyon ko lang nga ay pagsabihan siya dahil muntik na matapon ang dinner ko nu'n. Tumayo kasi siya ng hindi tumitingin kung may tao sa likod, nasiko ko tuloy pero mabuti at mukhang magaling siya bumalanse.
But after seeing her face when I grabbed her arm outside, biglang nawala ang inis ko at kusa akong ngumiti at nasabihan si Jia na maganda siya. Totoo na maganda siya, I legitimately complimented her but she understood it in a different way. Naintindihan ko naman dahil unusual ang makarinig ng taong nagsasabi bigla ng ganu'n and my expression before that wasn't welcoming, dahil pagsasabihan ko lang siya dapat.
Sa first day ng trabaho, hindi ko inakala na makikita ko uli siya doon. Alas, katrabaho ko pa siya at hindi ko mapigilan ang ngiti ko nung tumanaw siya sa akin dahil ang saya ko. Hindi ko maipaliwanag ang saya, kaya parati akong maaga sa trabaho para siya agad ang makikita ko. Minsan, umuupo ako para hintayin siya makapasok kasi madalas rin pagka-late niya, ginagawa kong maghintay para masilayan siya. Nakakatawa nga pag maaga si Jia, minsan papalakpakan siya nina Mich or magtotorotot si Ana.
Masipag siya magtrabaho, parating binibigyan ng papuri ng Supervisor namin. And despite being considered as one of the best employees, she remained humble. Lalo akong nagkaroon ng interes sa kanya samantalang hindi naman ako ganito sa iba. Oo, marami na akong nakilala at nakasama pero iba itong ngayon. Pati 'yung pagiging maloko ko sa kanya ay hindi ko ginagawa sa iba noon.
"You kissed her twice sa cheek that time! Anong feeling?" Kat wiggled her eyebrow and grinned before drinking.
"Parang I want to kiss her more often..." I joked while putting up a big smile. Ang saya sa pakiramdam nung magawa ko 'yun kahit inis na siya sa akin.
"Woah, slow down..." Maddie said and tapped my shoulder. "Matutuluyan ka pag dinalas mo."
I sat up confidently and shook my head, "Wala naman siya magagawa once I do it, kahit magalit pa sa harap ng lahat." Kahit sambunotan niya pa ako, once it's done ay wala na siyang magagawa.
"Gusto mo talaga na inaasar siya. Nako, pag ikaw na-fall dyan." Kat said and gave me the look na parang malalagot ako pag nagkataon.
Medyo questionable, I've never been in love before. I did go on several dates but that was all set up by friends, madalas ay hindi nasusundan. Sabi nga nila na ang ganda ko raw para maging single, ang masasabi ko lang is hindi ko pa siguro time.
"Malabo naman na mahulog ako 'no. Tsaka pinagsusuklaban ng langit at lupa si Jia pag nakikita ako." Natatawa kong paliwanag at umisang shot pa ulit. Nakita kong umiling ng sabay sina Kat sa akin. I slumped on my chair and crossed my arms, raising my eyebrow, "'Wag na kayo mag-expect. Seriously."
BINABASA MO ANG
One Night, Unexpectedly
FanfictionTwo strangers. One misclick. Lives changed forever. Written in Taglish. Warning: This story will contain scenes and dialogues that are not suitable for young readers. Skip if you are underage and/or not interested. Regardless, read at your own risk...