Natanaw ni Mitch si Airey sa labas ng operating room, nakadiin ang mga kamay ng lalaki sa dingding. Ang suot nitong coat ay balot ng sariwang dugo. Tinakbo na ng dalaga ang binabagtas na hallway. Sa likuran niya ay humahabol sina Elle, Zandrey at Gas.
Lumapit siya sa kasintahan at may pag-iingat na kinapa ang likod nito. Pumiksi ang mga masels nito at nadama niya ang pagsabog ng tension doon. He looked at her and she can't hold on the tears anymore seeing the devastation on his hard face. There's blood in his lips and nose. He must be giving Cheng a mouth to mouth resuscitation. His eyes were like daggers of snow fires because of the frustrations.
"S-si Cheng?" nanginginig ang labi niyang tanong.
Umiling ito, pumasada ang paningin sa mga kasama niya at humantong sa nakapinid na pinto ng operating room.
Bumigay ang lakas ng mga tuhod niya at mabilis siya nitong sinaklot. Si Elle ay bumulalas ng iyak at niyakap ito ni Gas habang si Zandrey ay matalim na nakatitig sa pulang ilaw sa itaas ng pinto. Mahigpit na kuyom ang mga kamao, sinakop ng lambong at galit ang mukha at bumakat ang linya ng mga litid sa leeg.
"Pero buhay pa siya, hindi ba? Buhay siya! Sabihin mo!" Marupok niyang hinampas ang dibdib ni Airey. "Ang sigla pa niya kahapon, iniinis pa ako. Panay ang tawa niya at nakikipagkwentuhan pa siya sa mga doctor. Hindi siya pwedeng mamatay! Hindi pwede!"
Niyakap siya ng binata at paulit-ulit na hinagkan sa ulo. Bumalik sa alaala niya lahat ng mga araw na kasama niya si Cheng. Ang mukha nitong nakatawa tuwing nang-iinis. Ang singkit na mga mata na lumalaki kapag nagagalit. Ang magaslaw nitong mga kilos na animo'y hinakot nito lahat ng sigla ng kalikasan.
"Ano'ng nangyari, Boss?" tanong ni Gas.
"Moors, they penetrated the valley. I was able to set up the lairs but Cheng ran away this morning taking my car. She encountered the group. They must have seen the map in her body and tried to kidnap her but she resisted."
"A-ano'ng ginawa nila kay Cheng?" humihikbing tanong ni Elle.
"She was stabbed. I'm sorry, she's under my protection but I failed to-"
"Not anymore, she was transferred to me," Zandrey interrupted with evident anger on his tensed voice. "I received the Memo the other day. Hinanap ko siya kaninang umaga, akala ko nauna siya roon sa village kaya nagpunta ako bago lumagak ang medical team."
Bumaling sila sa pinto ng operating room nang bumukas iyon at niluwa si Lyam.
"Fuck, fuck!" Airey growled, reading the sour expression inflicted on the doctor's face. Dinaluhong nito si Lyam at sinunggaban sa kuwelyo.
"You have few hours to tell her what you need to say," Lyam declared crudely.
"No!" sigaw ni Airey.
"B-bakit? Ano'ng kalagayan ni Cheng?" histerikal niyang tanong habang nakapigil sa kanya si Zandrey.
Si Elle ay lalong pumalahaw habang nakabagsak sa mga bisig ni Gas.
Lyam glanced sideways with his knitted brows, gaining an eye contact with her. His thousand-yard stare is devoid of any emotions. Hindi nito tinangkang palayain ang sarili mula sa mala-bakal na mga kamay ni Airey na nasa leeg nito.
"She lost too much blood, her wounds are all fatal, hitting some of her vital organs particularly the liver. It's beyond our capacity to repair. Her heart suffered too and can't supply the needed oxygen to her brain. She's breathing through machines right now. Her condition might last for about thirty-six hours if she's lucky but it won't change a thing, in fact, that's just going to prolong her sufferings."
BINABASA MO ANG
NS 16: BEWILDERED HEARTBEAT✔
RomanceUnconventional. A silent tornado. A warrior. A lover. A man of his own honor. Airey Andromida. He is in between flawed and perfection. A man who would only answer to his own beliefs and will never waiver no matter how tight the situation is. He is...