CH [5] Hazel

1.1K 106 4
                                    

Chapter [5] Hazel

Ace's POint OF View

"Wow! Ang ganda!" Namamangha kong komento nang makarating na kami sa bayan kung saan naninirahan si lolo. Ang bayan ng Vendrisal.

Sobrang daming batang nagtatakbuhan sa daan at sobrang ganda din ng mga kulay ng kabahayan sa bawat paligid. Pati ang mismong daanan ay kinulayan din nila na para bang naglalakad ka talagang naglalakad sa aktuwal na bahaghari.

"Dito tayo. Siguradong masyado na kayong napagod sa paglalakad." Sinundan namin si lolo sa dinadaanan niya at hindi nagtagal. May nakita na kaming isang bahay na medyo nakahiwalay sa iba. May kunting espasyo sa harapan ng bahay habang may kunting pananim na gulay sa gilid nito.

Ang ganda ng bahay ni lolo. Kumpara dun sa mga nadadaanan kong makukulay na bahay kanina. Ang kay lolo naman ay isang simpleng kulay lang ang pinintura pero para sakin, ito na ang pinakamaganda sa lahat.

"Pasok kayo." Tugon ni lolo at nung makapasok na kami may narinig kaming paa na parang tumatakbo sa itaas hanggang sa may nakita nga kaming isang batang babae na mukhang kasing edad kolang na mabilis na niyakap si lolo. Anak niya ata?

"Mabuti po at nakabalik na kayo lolo! Masyado po akong malungkot dito nung umalis kayo." Tugon ng babae. Kulay rosas ang mahahaba niyang buhok at ganun din ang kulay ng kaniyang mga mata. Isa ba siyang fire user? Hindi ko alam.

Napadako ang tingin niya sakin kaya't kumaway ako.

"Lolo! Sino po sila?" Aba't hindi ako pinansin!? Napahiya ako dun ah?

"Ah. Siya ang anak ko. Si ate Elise mo. Si kuya Caid ang asawa niya. At yan naman si Ace. Anak nila. Ito pala si Hazel. Anak siya ng dating apprentice ko noon na ngayon ay nagtatrabaho na sa palasyo ng Vendrisal. Hindi kasi nila masyadong maalagaan si Hazel kaya't binilin siya sakin dito." Pagpapakilala ni lolo sa babaeng nagngangalang Hazel.

"Hello po!" Kaway na sambit ni Hazel sa mga magulang ko. Kumaway din ako sa kaniya pero hindi niya man lang ako tiningnan. Nakakainis na talaga! Bahala nga siya! Kung ayaw niyang makipagkaibigan sakin. Pwes ganun din ako!

"Anak. Mukhang bagay kayo ni Hazel ano? Haha." Bulong ni papa sakin na halos ikaluwa na ng mata ko habang nakatingala sa kaniya. Seryoso ba ang isang to? Hindi ba niya napapansin yung pang de deadma sakin ng babaeng yan na pinaglihi sa food coloring ang buhok!

Dinala kami ni lolo sa mga kwarto namin at yung sakin ay dito lang sa baba. Sina mama ay dun sa itaas. Matapos kong mag ayos ng mga gamit ko dito sa bago kong kwarto, kaagad nadin akong nahiga muna at pinikit ang mga mata ko.

Sobrang pagod ako sa paglalakbay simula pa kanina. Hindi na kasi kami tumigil sa paglalakad mula nung may makasagupa kaming mga bandido sa gubat. Kaya't imbes na mamayang gabi pa kami makakarating dito, sikat pa ang araw ay nandito na kami. Ang bilis namin eh.

Reincarnated With You: Season 1 and 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon