Nakatitig ako sa mukha at mata ng babaeng kanina pa hindi ako kinikibo at pilit akong pinagtatabuyan palayo. Hindi ko naman alam kung ano na namang mali ang nagawa ko, basta ang alam ko bigla nalang niya akong dinededma at hindi pinapansin. Sinusumpong na naman ba siya ng pagka-bipolar niya? Oh ano?
"And I'll promise you never... will you hurt anymore."
"Please grab a partner."
"This is a free dance to anyone guys.!"
"I know! We are here to have some romantic party with our love ones or anyone who's special in our lives."
Napangiti ako ng makita si Justine sa stage. Kasama niya yung mga kaibigan niya, sila Janella, Kath, at Dj. Sila kasi yung host ngayon, kanina pa nga salita ng salita yang mga yan. Kung ano-anong pakulo din yung ginagawa nila.
"I want to see my sister dancing with someone." Rinig ko pang sigaw ni Justine at sa hindi ko mapigilang dahilan ay kaagad kong inoffer ang kamay ko kay Dennise.
Tinignan niya lang iyon at umirap. Ang suplada talaga.
"Kuya Myco where are you?"-Janella
Nilibot ko ang paningin ko sa buong area pero wala akong makitang Myco. Nagkamot ako ng ulo at binaba na ang kamay ko. I think she's waiting for someone.
"Kinikilig ako ngayon sa ViceRylle hahahaha!"-Kath
"I know! Lahat na ng kilalang love team sa showbiz nasa gitna na. Ang galing talaga nating mag isip ng pakulo hahaha! Pati si Pres Charo."-Justine.
"Uh oh! Si ate Den nalang po ang wala."-Janella
Tumingin silang tatlo sa pwesto namin at napayuko ako ng sabay sabay nila akong kindatan. I got confused and gave them a quizzical look. Tumango si Justine at para bang sinasabi niyang isayaw ko ang ate niya.
"Who's the new partners? Is that kuya Myco and Clarisse Valdez?" Asked Kath.
Yeah! Clarisse and me have the same surename, which is really cool. Friend ko lang yun, si Claire yung crush ko. Pero ayun! May kasayaw na atang iba. Saka busy siya sa mga kaibigan niya kanina, alangan namang storbohin ko siya?
Bumalik ako sa ulirat ng maamoy ko ang pabango ni Den. Yumuko ako at nakita siyang nakatingla saakin. Nakatayo na rin ito at nag-iwas ng tingin.
"Bro! Come on sayaw mo na!" Sigaw ni Gretchen mula sa likuran ko. Lumingon ako sakanya at kumindat ito saakin at sinabayan niya pa ng thumbs up! Loko.
"Shall we? Well, kung pwede. Or kung gusto mo hehe?" Nahihiyang tanong ko kay Den at inilahad na ulit ang kamay ko sa harapan niya.
Sumimangot ito sa harapan ko at nakita ko ang pamumula ng pisngi niya. "You ok Den? Namumula ka." Nag-aalalang tanong ko. Hindi ito kumibo at kinagat pa ang pang ibabang labi niya.
"Yuh huuuhh! Parang may nagtitinda ng kamatis dito ah?"
Napalingon ako sa kanang bahagi namin at nakita ko sila Robi Domingo at Gretchen na sumasayaw. Sumisibol pa si Robi at tatawa tawa. "Aly! Anong ginawa mo jan? Pinagtitinda mo na naman yan ng kamatis dito!" Biro ni Gretchen.
Nangunot noo ako ng biglang ngumuso si Robi at parang tinuturo si Denden. Kaagad kong na-gets iyon at humarap ulit kay Dennise. "Shall we?" Tanong ko at pilit na tinatanggal ang kaba sa aking sarili.
"Ahm! I think ate Den will have a dance tonight."-Daniel
Nagsigawan ang mga tao kaya mas lalo akong nakaramdam ng kaba. Bakit parang siya ang center of attention dito? Yung kapatid niya kasi, i mean yung mga host. Umiling iling ito at tinanggap na ang kamay ko.
Sabay kaming naglakad patungo sa gitna at tumayo doon ng matagal. Yeah! I dont know what to do. Pakiramdam ko nanginginig pa ang buong katawan ko.
Bumuntong hininga muna ako bago dahan dahang ilagay ang mga kamay ko sa magkabilang gilid niya. Ipinalibot niya ang dalawang kamay niya sa batok ko at sa hindi ko malamang dahilan ay mas lalo ko siyang hinila palapit.
"Let's change the music guys!"-Justine
"I know.. Para mas romantic."-Janella
"Shit!" Narinig kong mura ni Dennise at sinundan ko ang mga tingin niya. Matama siyang nakatingin kay Justine na ngayon ay nakangisi lang at nakatingin sa laptop niya.
"Thinking Out Loud by Ed Sheeran."-Justine
"Yeah! That's great."-Daniel
'When your legs don't work like they used to before,
And I can't sweep you up of your feet.
Will your mouth still remember the taste of my love,
Will your eyes still smile from your cheek.'Unti-unting tumingala saakin si Den at saktong nahuli ko ang mga tingin niya. Kusang humigpit ang hawak ko sa bewang niya ng maramdaman kong sumusunod ang puso ko sa bawat salitang nasa kanta. Hindi ko malaman kung anong gusto kong gawin, hindi ko alam kung anong pakiramdam ang bumabalot sa katauhan ko.
Nakita ko ang lungkot at saya sa mata ni Dennise pero mas nababalot iyon ng lungkot. Kusang bumukas ang bibig ko at sinabayan ang kantang pinapatugtog nila Justine sa stage.
"Darlin' I... Will Be lovin' you till our seventy. And baby my... Heart still fall as hard at twenty three, im think about how... People fall inlove in mysterious ways... Maybe just the touch of the hand."
Gusto kong itigil ang pagkanta dahil naririnig kong nanginginig ang boses ko sa pagkanta. Pero sa hindi ko rin malamang dahilan ay tinuloy ko iyon.
"Me i fall inlove with you every single day. I just wanna tell you I am..."
"So honey nooow... Take me into your lovin' arms, kiss me under the light of a thousand stars. Place your head on my beatin' heart. Thinking Out Loud Baby we found love right where we are."
Isang ngiti ang plumastar sa mukha ko ng sabayan ako ni Den sa pagkanta. Nakangiti ito saakin at dahan dahang idinikit ang kanang bahagi ng mukha niya sa dibdib ko. Gustuhin ko mang lumayo, pero hindi ko magawa dahil sa may kung anong dahilan ang nagpipigil saakin.
Habang tumatagal kami sa pwesto namin ay mas lalo kong nararamdaman ang pagiging komportable ko sakanya. Kusang pumikit ang mga mata ko at idinikit ang pisngi ko sa ulo niya. Samasayaw pa rin kami at napangiti ako dahil sa ideang 'i wish someday that this dance together will be our dance in our wedding day.'
"Tapus na yung Valentine's pero feel na feel ko pa rin siya."
"I know! Mas sweet pa nga ata to sa Valentine's eh."
"To tell you honestly guys... (Pause) it's already midnight. Kaya i think this will be the end of our party." Panirang moment ni Justine na naging dahilan ng pagtawa ng lahat.
Napamulat ako at nakitang nakatingin lang si Den sa mga tao habang nasa ganung pwesto pa rin siya. "Panirang moment ka talaga." Narinig kong bulong niya at dahan dahang tumingala saakin. Nakita ko ang pagkainis sa mga mata niya kaya tumawa ako ng mahina.
"Bitin ka noh?"
"Che! Ang ganda ganda na ng moment ko eh." Pagmamaktol niya at nauna ng naglakad palayo sa pwesto namin kanina. Umiling lang ako at sinundan na siya.