"Mama!" Sigaw ni Riley. Malaki ang ngiti ng anak habang patakbong lalapit sa akin.
Hindi ko alam kung bakit hindi ako makagalaw. Ang tanging alam ko lang ay buhay na buhay si Riley na papunta sa akin.
Umihip ang malakas na hangin. Tila ba bumagal ang oras at nag slow motion si Riley sa pagtakbo. Nahawi niya ang mga paro paro sa dinaanan niya kaya isa isa itong nagliparan.
Nang halos palapit na siya sa akin ay bigla siyang nadapa. Mabagal ang galaw ko sa hindi ko alam na dahilan. Pinilit kong lumapit kay Riley. Nang makarating ako sa anak ay mabilis kong kinuha ang maliit niyang kamay at mabilis na itinayo.
"Thank you mama!" Masayang sabi ng anak. Wala manlang bakas ng kalungkutan sa kanya. He is so happy at kontento na ako ng makita na masaya ang anak.
"How are you?" Nanginginig akong niyakap si Riley. His body calmed when I hugged him. Yumakap sa akin ang anak pabalik. I closed my eyes ng dumampi ang maliit niyang daliri sa akin.
Kumawala siya mula sa pagkakayakap. Ngumiti siya at hinalikan ako sa pisngi. "I'm very much fine mama. I hope you too. How are you?" Masigla niyang sabi. Pakiramdam ko ay nagtubig ang mga mata ko sa sinalita ng anak.
"I missed you so much Riley. Lets go home." Sabi ko. Nanginginig ko pang hinawakan ang magkabilang pisngi niya. Ngumiti lang si Riley sa akin. May parte sa sarili ko na masaya makita na ayos ang anak ko at tila may kapayapaan dito.
Yung ang araw na araw na dinadalangin ko. Ang maging payapa at masaya ang anak ko. Umiling si Riley sa akin. Nanatili akong nakatingin sa anak.
"I can't. This is my home mama." He said. Wala talaga akong makitang bakas ng kalungkutan sa anak. Ako lang talaga ang sadyang nalulungkot.
"Pero," hindi ko matuloy tuloy ang sasabihin ko dahil magtutubig na naman ang mga mata ko at nanginginig ang kalamnan.
"Lets just accept that it's destined to happened. It's already my time, mama. You need to accept that." Seryoso niyang sabi. Umiling ako ng paulit ulit sa kanya. Ayokong tanggapin ang sinasabi niya kahit alam kong tama siya. Si Riley ang nawala sa akin na hindi ko matanggap. Masyado ko siyang mahal para pakawalan lang ng basta basta.
Siya ang naging lakas ko when I was at my lowest. Siya ang naging inspiration ko lumaban ang lahat ng problema na dumating at pinagdaanan. He was my life.
"I can't. Dito nalang din ako." Sabi ko. Yinakap ko ang anak. Ayokong mapalayo ulit sa kanya. Hindi ko na kakayanin ang sakit at lungkot.
Narinig ko ang buntong hininga ni Riley. "You can't be here mama. Hindi mo pa time. There's a lot of good things waiting for you. You just need to trust the process and everything will be on their right places."salita niya.
Alam kong matured at matalino si Riley pero di ko inakala na ganito siya ngaun. Parang nag iba ang pag iisip nya masyado but his physical features is still a kid.
"Hindi mo pwede ituon lahat sa akin mama. I'm fine and happy. Go back mama. Kailangan ka ng kapatid ko at ni papa." Salita niya. Marahan siya tumayo at pinagpagan ang sarili. Nanatili akong nakaupo. Pinanood ko ang anak na nagsimulang tumakbo palayo. Patuloy ang pagluha ko.
"Iloveyou mama!" Kumaway si Riley sa akin.
Nakita kong huminto si Riley sa gitna at biglang dumating si tita Salve na nasa tabi na niya. They both smiled at me. Hinawakan ni tita Salve ang kamay ni Riley at tuluyan na silang nawala.
"Icai!" Unti unti kong minulat ang mata ko. Ngumiwi pa ako ng masilaw sa liwanag. Masakit ang katawan ko at uhaw na uhaw ang pakiramdam ko. Si Alice ang bumungad sa akin. Nagulat pa ako ng makita si mommy na lumitaw aa likuran niya.
"Salamat at gising kana. You made us worried to death." Sabi ni Alice. Hinawakan niya ang kamay ko at piniga piga.
"Welcome back. Alam kong babalik ka." Si mommy sa akin. Hindi ko sila maintindihan. Ang huling ala ala ko ay..
"Nasan ang anak ko?" Biglang sabi. Hindi ko lang makaya igalaw pa ng maayos ang katawan ko pero nang malaala bigla ang mga nangyari ay nabahala ako.
"Bakit pala nandito ako? Kailan pa?" Sunod sunod na tanong ko. Umirap si mommy habang bumuntong hininga si Alice.
"You've been sleeping for almost a week. You gave birth at home at medyo natagalan bago ka nadala sa hospital. You've lost lots of blood. I'm so scared Icai. I'm sorry." Sabi ni Alice. Yumuko siya para yakapin ako kaya yinakap ko siya pabalik. Ganon ako katagal natulog??
"Nasaan ang anak ko?" Tanong ko sa kanya. Tumayo si Alice at umayos. Biglang bumukas ang pinto ng room ko kasabay ng iyak ng isang bata.
Napatingin ako doon. Si Raj ang pumasok bitbit ang isang sanggol na iyak ng iyak. He looks so worried pero ng makita ako at magtama ang mata namin ay nakitaan ko siya ng relief at gulat.
"Kelan pa siya gising?" Tanong niya agad. Dahan dahan ang hakbang niya papunta sa akin. Bahagyang namula ang mga mata ni Raj.
"Just now." Si Alice ang sumagot sa kanya. Nang makalapit sa akin si Raj ay mabilis niyang hinimas ang pisngi ko kaya bahagya akong napapikit. Pagdilat ko ay umiiyak si Raj. Unti unti niyang binaba ang baby sa dibdib ko. Yumuko pa siya para mahalikan ang noo ko.
"Meet our daughter. Reign Scarlet Gatchalian Esquivel." Sabi niya. Napatingin ako sa anak at hindi mapigilan mapaluha. Riley was right. There's a reason for me to comeback.
Ang makita ang mag ama ko ay nagbigay ulit sa akin ng pag asa para mabuhay."A girl version of Riley." Sagot ko. Ganitong ganito ang itsura ni Riley nung baby pa siya. Pumikit ako at inalala ang mukha ni Riley na masaya at mapayapa na.
"Yup. And we will make a big family. Riley will always be our family. But we need to carry on with our lives. I'm sure Riley will be happy if he will see us happy." Sabi ni Raj. Tumango ako at ngumiti sa kanya.
"Nahuli na ang dapat mahuli. Wala nang problem." He said. "I'm sorry for all the trouble baby. I'm sorry that I almost get tired. I'm sorry kung pinabayaan kita." Raj said. His voice is shaking at halata Ang sakit sa bawat salita.
"I will support you in everything you want to do. Babangon tayo ng sabay, Gotica. But this time, babangon tayo ng magkatuwang at magkasama." Salita ni Raj. Marahan niya akong hinalikan sa labi kaya napapikit ako.
"Palakas ka, aayusin na natin ang wedding natin." Natawa ako habang may tumutulong luha habang tumatango sa kanya.
BINABASA MO ANG
Our Strings (Strings Series 3)
Non-Fiction"Ayokong pakasalan mo ako dahil sa obligasyon mo!" she said. "Then what do you want?" he said confused. "I want you to marry me because you love me.." she wiped her own tears. "Yung ako naman.. yung ako lang..."