When destiny play
CHAPTER 6
Ganun! Nagulat talaga ako sa paglapit ni Gerald Sakin kahit tinatarayan ko na siya. Bakit ba lumalapit pa sakin a gunggong na ito ano papaadahin nanaman niya ako!
Wala akong paki sa kanya naiinis ako kapag nagpapasin siya sakin papaiyakin naman niya ako! Ayaw ko na maalala ang worst day ko kung saan binasted niya ako at namatay din ang mga magulang ko masakit parin sakin. Alam mo Gerald mag aral ka nalang ng mabuti at huwag mo ako guluhin.
Beth andito ka lang pala kanina pa kita hinahanap sa buong campus! Wika ni Diego walang pakialam sa katabi ni Beth. Lunch breaks ko na to kase sunod - sunod na klase ko
Ah! I see ang ganda mo today ito nga pala para sayo.. Inabot ni Diego ang kurting heart na box ng chocolate at ngumiti ng malaki sorry nga pala sa pang aaway nila sayo!wika nito nakangiti.Samantala nakaramdam ng pagkainis si Gerald sa katabi bakit may pa chocolate pa siya feeling niya hindi ko kayang ibili si Beth ng ganun kahit isang drum na chocolate kaya ko bumili.
Beth magsisimula na ang klase in 10 minutes kumain kana bilisan mo huwag yung nag kikipag landi kapa! Wika ni Gerald na salubong ang kilay sa inis.Beth sige na aalis na ako high blood na ang kasama mo kaya see you later ihahated kita. Wika nitong nag tatakbo papalayo.
Sino yun? Tanong ni Gerald na seryoso ang mukha.
Pakialam mo! Wala kang pakialam kung sino man ang kaibiganin ko. Dahil wala kang karapatan magtanong hindi naman kita kaano ano! Wika ni Beth na tumayo na at iniwanan si Gerald. Inis naman dinapak ang lamesang stainless umangat tuloy ang plato at tumunog din ang kutsara at tinidor.
Inis na tumayo siya at sinundan si beth ng tingin.
Damn it Bethina! Mura niya ng mahina. Subukan mo lang ipag palit ako nako! Hindi ko alam ang magagawa ko sayo!
Magkasama sila sa isang upoan siya ang naging kagrupo ni Beth. Madami naman mga babaeng nag papansin sa kanya kaya inirapan niya ang mga ito pero imbis na matakot lalong nag tilian ang mga ito. Si Zenap ang leader ng grupo ng barbie girls. Parang millionaire ito kung umasta. Gusto niya si Gerald tamang tama mayaman sila schoolmates pa. Seguradong approved agad iyon sa:daddy niya.
Maganda naman siya. At parang artistahin ang hitsura. Ngunit hindi siya pinapansin ni Gerald dahil kay Beth ito laging nakamasid.
Gerald POV
Nakakainis talaga sino ba kase yung lalaki na nagbigay ng Chocolate sa kanya bakit ba ako nagkakaganito? Hindi hindi ako nagseselos kalokuhan lang ito madami pa akong dapat unahin lalo ng ang responsibilidad ko sa pamilya ko. Kaya dapat hindi ko ito maramdaman kasi nakakaloko isipin itong nangyayari sa akin.
Pinilit niyang iwasan si Beth ngunit parang lalo naman siyang nahihirapan parang pumasok na sa katawan niya ang ngiti ni Beth. Lagi pa nga itong nagreregalo ng suman minsan puto at kutchenta pa dahil doon favourite na niya iyon..
Beth uuwi kana ihahated na kita alok ni Gerald.
Salamat nalang Gerald pero may sundo kami si ninong ayun o sabay turo ni Beth sa unipormadong pulis na bumaba sa kotse at kumaway kay Beth. So pano bye see tomorrow wika ni Beth na nagtatakbo para salubungin ang ninong nitong pulis nag mano agad si Beth sa ninyong Otep niya ninong kamusta na po kayo? Ok lang kaya kita sinundo dito kasi naikwento ni Ted na may nangbubuli sayo rito iharap mo sakin yung mga lintik nayun sasamahan natin ng kaso.Ok lang po ninong Otep ayaw bata lang yun pero pumutok ang ulo mo nag sampa na ng kaso at nasa police station na ang cctv ng buong campus sasamahan ng physical injury yung mga gurang nayun.
Ninong hayaan nyo na dapat yun. Wika muli ni beth ng dumating si Louie parang nalugi ka tyong ah! Biro ni Otep
Tarana ililibre ko nalang kayo ng burger King wika ni Otep nag aper naman ang dalawangKayo ha! Biro ng pulis napuno ng tawanan ang kotse dahil sa asaran nilang lahat.
Kinabukasan kinabahay si Beth ng makita puno ng ipis ang bangkong ginagamit niya. Alam niya na may galit sa kanya dahil seguro maganda ang kalooban niya.