Buti naman hija,andito kana.Masayang bungad na bati sa akin ni aling Clarita.Dumiretso kasi kami sa kusina kung saan ay busy siya sa pag aasikaso sa magiging tanghalian daw ng mga javier.
Hello po aling Clarita.Tulungan ko na po kayo?Pag aalok ko pa dito.
Naku.Huwag na pahinga kana muna jan hija,tsaka kakarating mo lang gusto mo magtrabaho kana agad-agad.Natatawa pa na tugon nito sa akin.
Alvin,bantayan mo muna ang niluluto ko na sinigang na hipon kasi sasamahan ko muna si bella sa magiging kwarto niya pansamantala dito sa mansion.
“Sige po,nay.” Maiksi na tugon ni Alvin.
Hija,buti pumayag si nanay mo?
Opo aling Clarita,noon una po ayaw niya buti nga pinaliwanag ko sa kanya ang lahat.Pumayag naman po,nakangiti ko na tugon dito.
Ipapakilala muna kita kay senyora claudia.Nakangiti na wika pa nito sa akin.
Nakita ko sa may balkonahe ang isang may edad na babae,nasa wheelchair, nakangiti siya habang papalapit kami ni aling Clarita.
Siya ba ang sinasabi mo Clarita?Bungad na tanong nito sa kasama ko.
Oo,senyora siya si bella,nakangiti na pakilala pa nito sa akin.
Hello po,at nagmano ako sa kanya.
Napakabait na bata nito si bella,totoo nga sinabi mo pagkagandang bata nito Clarita.Habang mataman akong tinitigan.
Medyo nahiya ako sa papuri niyang iyon.
Naku.Mabait talaga yan si bella senyora. Mabait na masipag pa na bata.Papuri pa ni aling Clarita sa akin sa harap ni senyora Claudia.
Sa totoo lang nakapantalong na itim na maong lang naman ako na pinaresan ko ng isang white t-shirt na paborito kung kulay.
Baka nagugutom na si bella,Clarita? Pagtatanong pa nito sa kasama ko.
Naku.Busog pa po ako senyora,mabilis ko na wika dito.
Kung ganun,magpahinga ka muna hija bukas ka nalang mag umpisa sa mga gagawin mo, si Clarita na ang bahala magtubo saiyo sa mga gawain dito.
S-sige po maraming salamat po senyora,nakangiti ngunit naaasiwa ko na tugon sa kanya.Kasi kanina pa niya ako minamasdan talaga.
Sige ihatid mo na muna siya sa magiging kwarto niya ,nakangiti na utos nito kay aling Clarita.
S-sige po senyora,nahihiya at nag aatubili ko na pa paalam dito.Ngumiti lamang at tumango ito sa akin.
Mabait ang mga javier hija,kaya wag ka mag alala dito.
Kaya nga po aling Clarita,ang bait pala talaga ni senyora, wika ko pa dito.Habang pumapasok na kami sa magiging kwarto ko daw pansamantala.
Ang laki naman po aling clarita, mangha ko pa na wika dito.
Naku.Sa totoo kasi hija,di ito nag magiging kwarto mo talaga kaso so senyora ang nagdesisyong na dito ka daw muna para maging komportable ka daw.
P-po....Gulat ko pa na tanong dito.
B-bakit po?Nakakahiya naman po kung ganun.
Naku.Wag kana mahiya,ganun talaga ang senyora tsaka lagi kita kinukwento sa kanya.Kaya para kana din niyang kilala.Nakangiti pa nito na sabi sa akin.
Paano magpahinga ka muna dito hija kasi baka nawalan na ng sabaw ang sinigang na niluluto ko.Nakangiti pa nito nas sabi sakin.
Sige po aling Clarita,salamat po ulit sayo.Ngiti ko na tugon dito.
BINABASA MO ANG
"My Mother's Wishes"
Romance"Be My Wife,Bella". "Tapos ang usapang ito.!" "S-sir?!" "Excuse me?!" "Sa totoo lang,di po kita maintindihan sir?" "Baka mali lang ako nang dinig?!" "Narinig mo naman ata ang sinabi ko." "I will pay you." "Be my wife, for a year." "Alang-alang sakin...