Elexia Noelle POV
Ramdam ko ang pag yakap sakin ni Nacht mula sa likod ko, nandito kami ngayon sa labas ng Cafe na halos matatapos na dahil sa dami ng taong nag gumagawa rito. 5PM na kaya kami nalang ang nandito at umuwe na ang mga taong mang gagawa.
"Anong gusto mong Christmas gift love?" Malambing na tanong niya sakin kaya napangiti nalang ako. Mabilis na lumipas ang mga araw at December 1 na ngayon, luhimid ako sa dibdib niya saka muling tumingin sa Cafe. Pinipinturahan na ito at masasabi kong matatapos na ito bago dumating ang pasko.
"Nandito nasa harap at likod ko ang gusto kong regalo" I said, rinig ko ang mahinang pag tawa nito saka niya ako masuyong hinalikan sa pisngi kaya muli akong napangiti saka ko mas hinigpitan ang pagkakayakap niya sakin.
"Magaling kana mang bola ah" nakakalokong sabi nito, tumingin ako sa kanya saka ko siya mabilis na hinalikan sa labi kaya ganun nalang ang gulat nito.
"Tinuruan muko eh, bahala kang kiligin diyan" I said, agad akong napasinghap nang hawakan nito ang dibdib ko kaya bigla akong nakaramdam ng hiya at tumungo dahil sa lakas ng tibok ng puso ko.
"Nope! You're still my innocent elexia" He said saka ito ngumiti nang nakakaloko kaya pakiramdam ko ay mas lalong namula ang mukha ko. Bastos! Paano nalang kung may nakakita sa ginawa niya.
"Hindi mo ba itatanong kung anong gusto kong Christmas gift?!" He asked, agad naman akong napaisip dahil sa sinabi nito. Wala akong makuhang idea kaya pilit ko siyang tiningnan.
"Ano bang gusto mo?" Balik tanong ko dito, tinaas niya ang kamay ko saka nito isa-isang nilaro ang mga daliri ko, maganda ang langit dahil pagabi na. Kitang kita ko ang mga ulap at ang nag hahalong dilim at liwanag.
"Gusto kong marinig mula sayo ang matamis na oo" He said, nagtataka man pero napangiti ako. Binaba na niya ang kamay ko saka niya ito masuyong hinalikan.
"Papakasalan kita, pag dika pumayag papakasalan pa din kita" Hindi ko alam kong matutuwa ako o hindi dahil sa lungkot na nararamdaman ko pero kahit ganun pa man ay pinilit kong tumango at ngumiti para hindi niya mahalata ang lungkot ko. Ang totoo niyan takot ako, takot na takot ako dahil isang buwan nalang ay ikakasal na sila.
Mabilis siyang napabitaw sakin nang mag vibrate ang cellphone nito, nag paalam siya saking sasagutin niya ito kaya naman pilit akong ngumiti at tumango. Muli akong tumingin sa Cafe, nakamit ko nga ang pangarap ko pakiramdam ko naman ay mawawala ang taong naging dahilan kung bakit ako nagkaron nito.
Ilang linggo na ding ganito si Nacht, halos bihira kaming magkita dahil palagi siyang umaalis, kapag magkasama naman kami ay palaging may tumatawag sa kanya tulad ngayon. Agad kong niyakap ang sarili ko nang maramdaman ko ang lamig ng simoy ng hangin.
Pinilit kong ngumiti, pinipilit kong pasiglahin ang sarili ko kapag magkasama kami, pilit kong inaalis sa isip ko ang nalalapit nilang kasal pero sa twing dumating ang bawat umaga mas lalo akong nakakaramdam ng lungkot. Pakiramdam ko ay pabigat ng pabigat ang loob ko.
Nag focus ako sa pag gawa ng iba't ibang klase ng kape hanggang sa makasanayan ko na ang mga ito. Nag simula na din sila Dad mag hire para kapag nag open na ang Cafe ay maayos na ang lahat. Excited ako pero mas lamang ang kagustuhan kong patigilin ang oras, para matagal ko pang makasama si Nacht. Pero pakiramdam ko ay niluluko ko nalang ang sarili ko, ayaw kong mag duda kay Nacht pero umaasa ako. Umaasa ako sa pangako niyang makakahanap siya ng paraan kahit hanggang ngayon ay wala akong nakukuhang sagot mula dito.
"Love? I'm sorry kailangan kong pumunta sa Hospital" He said, wala na akong ibang nagawa kundi ang tumango at pumunta sa kotse nito. Pinagbuksan niya ako ng pinto kaya walang pag aalinlangan akong pumasok dito.
BINABASA MO ANG
BAD THINGS I LIKE (Taste of Love Series 2)
RomanceElexia Noelle is a hopeless romantic girl. Ilang beses siyang sumubok na mag mahal ulit matapos niyang masaktan sa unang nobyo niya ngunit hindi siya nag-tagumpay. Hindi niya kayang dayain ang sarili niya at paniwalaing naka-move on na nga ito ng tu...