Chapter 8

77 3 0
                                    

Too young

I already know their names. The one with a deep dimple is Raven, the other man is George and the woman they called Rosalinda is Rosè, with an intonation at the last letter, that is why they called her Rosalinda. Ayaw kasi nilang artehan yung pangalan nito dahil masyado na daw siyang maarte na. See, I am a good listener.

Nakiusap pa sa akin si Tita Hera na magstay pa, dahil meron pa siyang hihingin favor sakin. Tumango lang ako sa kaniya dahil hindi ko rin naman alam paano tumanggi sa kaniya eh. She is too goody to reject. Umalis lang siya saglit, dahil may tumawag sa kaniya bigla. Nandito kami ngayon sa lanai nila, kasama ang mga kasamahan ni Reynold.

Nakikisalit naman ako sa usapan nila kapag may tanong sila. I am not good with communicating with people whom I just met. Time to time, si Raze ang kausap ko. Inaasar na naman siya ni tita kaya lalong humahaba ang nguso niya kaya din napapangiti ako. Unlike his birthday party, I felt more entertained. I understand naman if he is busy that time, that was his day and I can't be selfish and snatch his time away from his visitors and attend me.

"I think someone is in love" rinig namin ni Raze na bulungan ng dalawang pamang-asar naming kasama.

"Stop it, both of you" suway ni Rosè sa dalawa. "Lubayan niyo na ang mga bata" dagdag niya.

May kung anong tumamang pana sa dibdib ko sa description niya sa amin. I scoff mentally, "bata" , yeah right. Mas bata nga kami compare sa kanila.

Hindi nalang ako nagpahalata pero kahit hindi ako nakatingin sa kaniya ramdam ko ang mga mata niya sa akin. Ang totoo nga niyan, nakakailang siyang kaharap, prente siyang nakaupo, magkapatong ang dalawa niyang binti at nakahilig ang kaniyang ulo sa hintuturo niyang nakatukod sa hamba ng kaniyang upuan. Kung balasubas lang ako kanina pa ako nakakapagmura. Para akong abstract painting na pinipilit niyang i-unlock ang meaning. Kanina parin siya tahimik na animoy nagkokosentrate habang ang mga kasama niya wala nang ibang ginawa kundi ang mang alaska.

"Katahimik mo naman boss" puna sa kaniya ni Kuya Raven.

Hindi siya sumagot. Nanatili lang siyang unresponsive kaya hinayaan na siya ni Raven kaya kami natuloy ang napagdiskitahan niya ulit. Bat ba kasi hindi siya sumagot.

"Saan ka nag-aaral Penny?" tanong sakin ni kuya Raven.

"Sa St. Catherine po Kuya" magalang kong sagot.

I saw his side lip twitch upward.

"Wow, big time, nakaprivate school" biro niya pa.

Napangisi si kuya George at Ate Rosè sa komento niya. Pati nga din si Raze eh. Big deal ba kapag nasa private school ka?

"Kung sakali bang manligaw sayo ang manok namin, papayagan mo?" this time, it's Kuya George who asked me.

Namula ako agad at tipid na ngumiti. Ako lang ata at si Ate Rosè ang nakapansin sa pagbaba ng binti ni Reynold matapos akong tanungin na ganun. Should I call him Kuya too? I feel like, it is the right thing to call him to respect him.

"Kuya naman eh!" saway ni Raze.

"Kayo inuunahan niyo na naman si RM sa diskarte niya" sabay baling niya kay Raze pagkatapos kumindat ito kay Raze.

"Ate, pati ba naman ikaw!" nagmamaktol niya na parang bata pero tinawanan siya lang nito then she mouthed sorry as if she meant it but it was just a repose for her teased.

"Alaga kasi namin to simula nung bata pa siya kaya suportado namin siya kahit saan, kahit sa lovelife niya pa" si Kuya Raven ang nagsalita.

"Uhm... I haven't thought about that at the moment" I told them.

The one who drifted awayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon