Sa isang barkada, may lider at may alalay. May mga kabarkada ka na binarkada mo lang, dahil may kailangan ka sa kanila o kaya naman ay medyo iniisip mo na magagamit mo siya in the future. Sino-sino ang mga ito at sino ka dito?
Leader. Ikaw ang nasusunod palagi sa isang barkada. Ikaw ang taga-decide kung saan kakain o gigimik. Ang leader din ang pinaka-maingay sa grupo.
2nd-in-Command. Kapag wala ang leader, ikaw ang in charge. Best friend mo ang leader ng grupo at hindi ka basta-basta nagde-desisyon kung wala siya.
Follower. Sumusunod ka lang sa utos ng Leader, tinatago mo ang opinyon mo dahil ayaw mong mapag-initan. You just go with the flow.
Newbie. Ang bagong pasok sa grupo, malamang ay nakapasok ka dahil na-impress ang barkada sayo. Kadalasan ay may kailangan sila sayo at naisip nila na mapapakinabangan ka ng grupo, pero kadalasan yung leader ang makikinabang sayo.
Alalay. Ikaw yung madalas pag-tripan ng barkada, ayaw nila sayo, hindi mo lang nagegets. Pero dahil pinipilit mo ang sarili mo sa kanila, sinama ka nalang. Ikaw yung hindi tinetext o niyayaya kapag may lakad, malalaman mo nalang na nagkita sila kapag nakita mo sa Facebook.
Kung alam mo na kung sino ka sa barkada, siguro naman alam mo na may kaibigan rin ang barkada mo. Sino-sino ang mga ito?
Friend of the barkada. Kinakaibigan ng grupo dahil sikat, mayaman, pogi/maganda o mabait. Maaasahan ka nila at gustong isama sa grupo kaso may kabarkada ka ng iba.
Ka-plastikan ng barkada. Nabubwisit sila sayo at sa barkada mo, hindi ka nila inaaway dahil baka magamit ka nila.
Favor of the month. Hinihingan ka nila ng pabor, ikaw naman bigay ka lang ng bigay. Ginagamit ka lang nila pero dahil uto-uto ka, hindi mo alam.
Syota ng kabarkada ko. Literal na syota ka ng isa sa grupo, hindi ka kinakaibigan pero pinakikisamahan ka dahil syota ka ng isang kabarkada. Ikaw ang madalas na pinag-aawayan lalo na kung may sulutang nagaganap.
Kinaiinggitan ng barkada. Kaya ka nila kinakausap ay dahil naiintriga sila sayo, gusto nilang malaman ang lahat ng ginagawa mo at pinagkaka-abalahan. Ikaw yung madalas na pinag-uusapan dahil sobrang naiinsecure sila sayo.
Ngayong alam mo na kung ano ang parts of a barkada, sana ay mag-ingat kayo sa barkadang sasamahan ninyo. Walang perpektong barkada at lalong walang perpektong kaibigan. Huwag kayong masyadong aasa sa kanila at kung iwanan ka nila sa ere, huwag ka na ring magugulat. Isipin mo nalang na “Ano ba ang pakinabang nila sayo?”
BINABASA MO ANG
SUPLADO TIPS!
Humorcompilation of Suplado Tips ni Stanley Chi IGMG! http://www.stanleychi.net/