Ranked #12: Welstonn Forest Quest • Part 3

338 46 3
                                    

Chapter 12: Welstonn Forest Quest • Part 3

Jeremy's Point Of View

"Ang hirap naman." Angal ni Yeaver.

Napakamot nalang din ako sa ulo ko dahil hindi namin alam kung ano nga ba ang kahulugan ng mga salitang to.

Alam naman nating maganda nga ang modern times dahil it's all about amazing technologies at mga bagong kaalaman na tanging mga henyo lamang ang nakakaalam.

Kagaya ng larong nilalaro namin ngayon. This is one of the biggest achievements of the geniuses in this world na nakagawa sila ng ganitong klase ng laro which is REALLY amazing.

Yes. Modern times, are amazing. Tama naman yung nasa riddle. But what should be it's answer anyway. Malapit nang maubos ang oras namin kakaisip dito pero wala paring pumapasok sa utak namin.

"Kung maghanap pa kaya tayo ng ibang levers dito? Baka may mas magandang riddle tayong makikita bukod dito." Umiling ako sa naging suhestiyon niya.

"Hindi naman pwedeng dalawa o tatlo ang riddle sa isang quest. Kung mangyayari man yun, malamang maguguluhan lang masyado ang mga naglalaro na magiging resulta nang pagsukong makuha ang sagot. Kaya't sigurado akong isang riddle lang ang nasa quest."

"Hays. Kung ganun pagtatiyagaan natin ang kunting phrase nayan?" Nakahalukipkip na sagot nalang niya na tila nababagot na talaga dahil sa kakaisip ng sagot. "Hindi pa naman ako magaling sa mga ganito."

Napangiti ako sa sinabi niya. May tao talagang hindi magaling o hindi interesado sa mga brain games kagaya nito. Gusto nila, kapag naglalaro, dapat laro lang talaga.

Di bale na nga muna yan. Dapat kong isipin ngayon ang sagot sa riddle.

Kung iisipin. Masyado lang namang maikli ang riddle na binigay samin. It says 'modern times. Are amazing.'

At ang kahulugan ay. Maganda ang modernong panahon.

Bukod dun. Wala na.

"Ah. Kuya. May tanong lang ako." Napatingin ako kay Yeaver nang magsalita siya sa tabi ko. "Bakit po ba ginawang makalumang panahon ang mga sandata natin na mga manlalaro kung pwede namang mga baril nalang diba? Modern times na tayo diba? Bakit mga espada lang ang gamit natin sa pakikipaglaban?"

Grabe ang batang to. Kung sabagay, may punto ang tanong niya. Bakit nalang kasi hindi naging baril ang mga sandata sa WOR online kung modernong mundo na naman kami ngayon.

Minsan, naiisip ko din yun. Sumagi lang yun sa isip ko pero nawala lang din. At ngayon kolang ulit ito naisip.

"May punto ang sinabi mo, Yeaver. Pero siguro, ito lang talaga ang pinili ng mga gumawa ng game para ma experience din natin ang kung gaano kahirap ang mga labanan noong hindi pa uso ang mga baril. Kahit sa game lang, para na tayong nasa makalumang panahon. Ang mga millennials na kagaya natin, hindi nagawang makaabot sa mga panahong ganun, ang saya din kayang bumalik sa nakaraan." Ngiting paliwanag ko sa kaniya kaya't natahimik nalang siya.

War Of Rank's Online Volume 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon