Chapter Two : Unang Araw

2 1 0
                                    

Unang araw ng pagiging pangako ko. Nahihiya ako sa ginawa ko at ngayon ko lang nalaman ang salitang akward. Nahihiya ako sa mga ginawa ko kahapon at mga pinagsasabi sa kanya.



Pambawi ko 'to sa kanya. Sa pagiging mabait at pagbigay ng fighting spirit sakin. Isang taon ang pambayad ko sa kanya.



Naglalakad na ako papunta sa eskwelahan ng matanawan ko siya sa may statue ng eskwelahan namin.



"Ang tagal mo.." Aniya sabay lakad na papuntang school.



"A-Ano..." Yun na naman lumabas sa bibig ko.



Nilingon niya ako, "Diba, sabi mo? 365 days mo 'kong pagsisilbihan? Pasasayahin mo 'ko sa taong sisilbihan mo 'ko?" Aniya.



Nagulat ako pero agad na ngumiti sa kanya, "Oo! Pagsisilbihan kita hangga't sa makakaya ko!" Masaya kong sabi sa kanya.



Tumango siya at tipid na ngumiti sa akin bago naglakad na.



Sumabay naman ako sa kanya at naglakad na kami.



"Bat sila magkasama?"



"Sila na ba?"



"Ang unfair ni Papa Zero! Mas maganda naman ako diyan..."



"Swenerte, pero gagawing pang-kama lang yan ni Zero..."




Napahinto ang mga paa ko at agad yumuko. Napahinto rin si Zero at masamang nakatingin dun sa babaeng nagsabi na ikakama rin niya ako.



"Did you know the word shut up? Kung hindi mo maintindihan. Mag-aral ka ulit sa daycare.." Aniya at padabog na naglakad.



"Zero!" Bati ng bestfriend niyang si Perry kaso napatingin siya sakin dahil nasa gilid ako ni Zero.



"Nagdadate kayo?" Tanong agad ni Perry sabay tingin sa aming dalawa.




"Tsss... What the fvck with that question, Perry?!" He hissed.



Napakamot sa batok si Perry, "Sorry naman, ehe.." Ani Perry.



Nauna nang naglakad si Zero sa akin.



"Magandang Umaga sa inyong lahat. U-Una na ako.." Ani ko sabay takbo para maabutan ko pa si Zero.



Naglakad na kami papasok sa Room at ilang minuto rin at dumating na ang Professor namin.



Nakikinig ako habang nagsusulat sa notes ng may tumama sa ulo ko.



Napatingin ako doon at sa posibleng nagbato nun.


Nahagip ko ang nakasandal na si Zero sabay kagat ng kanyang ballpen at nakatitig sakin.


Kinuha ko agad yung papel at binuklat.


Make me happy. Let's go somewhere. Dalhin mo ako sa magandang pasyalan dito...

                                      - Zero


Tumingin naman ako sa kanya at binigyan siya ng thumbs-up sign.



"Miss Altagracia? Are you with us?" Tanong ng Professor namin.



"O-Opo... P-Pasensya na po.." Ani ko na ikinatawa ng buong klase.



"Ayan kasi, papansin.." Ani Kaycee na isinawalang-bahala ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 31, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

365 Days with YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon