Chapter 3

236 9 0
                                    

BAGO PA man ako makontak ng sinuman ay pinatay ko na ang cellphone at itinapon ito sa dagat nang may madaanan akong isang bridge. I always knew that my phone has a tracking device and to avoid being tracked by Mama that easily, I did that thing to the innocent and expensive gadget.

Bahala na kung sino man ang tumatawag sa akin kahit pa si Ashlin ‘yon na alam kong nag-aalala na. It’s been seven hours and forty minutes already since I left our mansion without notice. At sa mga sandaling ito, alam kong kumikilos na si Mama. Mas mabuting walang nalalaman ang best friend ko sa aking pupuntahan para hindi na siya madamay pa.

Hindi naman kasi lingid sa kaalaman ko ang katotohanang walang sasantuhin si Mama malaman lang kung nasaan na ako. Kahit si Ashlin pa ‘yan, buong angkan ng Sikorski o kahit sinong makapangyarihan. She know what she wants and she also know how to get it. Kaya isang patikawal itong ginagawa ko.

Marahas akong bumuntong-hininga. Hindi ko alam kung ano ang naghihintay na bukas sa akin ngayong kinakalaban ko si Mama. Siguro mabuti na rin ang ganito, iyong nahihirapan ako habang lumalaban kaysa magpadala sa takot at basta nalang susuko.

Kasalukuyan akong nasa isang liblib at malagubat na daan. Dahan-dahan ang ginawa kong pagmamaneho habang panay ang paglinga-linga sa paligid. Hindi ko maiwasang kabahan sa isiping baka may makita akong ibang daan at mapunta sa teritoryo ng mga cannibal. Minsan ko na kasing napanood iyon sa pelikulang Wrong Turn. Agad naman akong napangiti at nabunutan ng tinik sa dibdib nang makita ang isang sign. Ito na siguro ang sinabi sa akin ni Lola kanina.

MY FOREHEAD wrinkled as I read the procedure for cooking wanton soup. It’s Saturday and Manang Rosa, who always prepares food, left early and went shopping groceries.

I’ve been in the kitchen for an hour and I can’t still make the soup. Naiinis na napapadyak na lamang ako dahil sopas na nga lang ay hindi ko pa magawa. Palibhasa kasi ay itlog, hot dogs at bacon lang ang alam kong lutuin. Paubos na ang pasensiya ko at saktong pumasok si Manang Rosa na dala-dala ang mga pinamili.

“Sir, ako na,” aniya sa pagitan ng marahan na pagtawa. Napasimangot naman ako sa inasal niya.

“Ano’ng nakakatawa, Manang Rosa?” tanong ko habang pigil-pigil ang inis na siyang nagpatawa lalo sa kanya. Inilapag muna niya sa mesa ang pinamili saka ako pinalitan sa puwesto.

“Naku, Sir, kung magluluto ka rin lang naman, dapat hindi ka nakasimangot. Ang niluluto mo kasi ang naaapektuhan. Kaya tuloy, ayaw makisama sa ‘yo,” pangangaral niya habang pinagsama-sama ang mga sangkap. I scratched my nape and made a face.

“It’s more difficult than I thought, Manang. And I am really hungry.” I heard my stomach rumbling. Iiling-iling naman si Manang Rosa at may nilagay na kung anong sangkap nang hindi man lang tumitingin sa recipe book.

“Madali lang naman itong lutuin. Oh, sya, ang mabuti pa ay umupo ka na doon, Sir. Malapit na itong maluto at dadalhin ko nalang po doon sa dining.” I immediately went to the dining area. There, I waited like a child. Maya-maya pa ay sumunod na si Manang Rosa bitbit ang tray na pinaglagyan ng mangkok na may lamang sopas.

“Thank you, Manang,” ngiti ko at agad nilanghap ang samyo ng pagkain. Lalo lamang tuloy lumakas ang kulo sa tiyan ko.

“Iluluto ko na rin ang pagkain ng Lola niyo, Sir, babalik na po ako sa kusina.” Tango lang ang tinugon ko kay Manang at agad siyang umalis. Abala kasi ako sa pag-ihip sa sopas dahil mainit ito. Muntikan pa nga akong mapaso dahil nakalimutan kong kahahain pa lamang nito.

Hindi pa man ako nangalahati sa kinakain ay natigil akong bigla. I snatched the ringing phone from my pocket and promptly answered the caller.

“Bro,” bungad ko habang kumakain.

“Hey, bro. Have you seen the news?” Kumunot naman ang noo ko sa tinanong ni Caleb.

“What news?” Inilapag ko muna ang kutsara at binigyang atensiyon ang kaibigan kong nasa kabilang linya.

“Skylar Bullet Logan went missing hours before his engagement party. Kahapon pa nangyari iyon.” I stiffened. Just by hearing his name, my whole system stimulates in a flash. “Alam na ba ito ng Lola mo? Kalat na kalat na kasi sa social media and television ang tungkol dito kaya tinawagan kita.”

Mahina kong tinampal ang pisngi upang umayos. Hindi ito ang panahon upang intindihin ko ang nararamdaman. Nawawala siya kaya kailangang iyon din ang dapat kong isipin, wala ng iba.

“I don’t know yet. Kakausapin at tatanungin ko rin si Lola kaagad tungkol dito kapag gising na siya.”

“Sige, balitaan mo nalang ako. Nag-aalala kasi itong si Lola sa amiga niya, eh.”

“Sure,” and I pressed the end button. I stood up and went to the sala. Bigla kasing nawala ang gana ko at agad napalitan ng pag-aalala. Maraming katanungan ang naglalaro sa isip ko habang balisang nakaupo sa sofa. Gusto ko sanang buksan ang social media accounts para makakuha ng informations, but then I remembered that the informations uploaded on those platforms were not accurate, mostly, fake news.

Minabuti ko na lamang na maghintay kay Lola kahit bumibigat pa lalo ang aking dibdib sa bawat segundong lumilipas. I don’t know, but I feel like Lola is the only person who can assure me that he is safe and sound.

“Asami.” Mabilis pa sa kidlat na napatayo ako at agad lumapit kay Lola na kakababa lamang.

“Lola, good morning.” I was just about to asked her about Skylar when I stopped for the reason of her looked at me intently. Not long, she smiled and patted my head.

“Don’t worry, ligtas siya.” My eyes automatically dilated.

“A-alam niyo po?” Tumango siya at nakahinga naman ako nang maluwag.

“Pack all your things now. Pupuntahan natin siya doon at sasamahan.” Kaagad akong tumango at tumalilis papunta sa silid. Nang mapag-isa ay abot hanggang tainga ang ngiti ko sa mga labi. Ramdam ko rin ang init sa sariling mukha at leeg dahil sa kakaisip ng maaaring maging reaksiyon naming dalawa sa sandaling magkaharap kaming muli. It’s been a decade, young man with the sweetest and ecstatic lips.

Hindi ko alam kung dulot lang ba sa excitement o talagang mabilis lang akong kumilos kaya naihanda ko na ang mga dadalhing damit nang mas maaga kaysa sa inaasahan. Napailing na lamang ako sa nangyayari sa akin habang naroroon pa rin ang ngiti. Muli kasing nanariwa sa isipan ko ang nangyari noong gabi bago sila tuluyang umalis ng Mama niya. Iyon ang gabing hindi ko kailanman malilimutan.

I laid my back on bed and stared at the ceiling. I stroke my chest slowly as I could tell that I might faint any moment for its speedy yet guiltless palpitation. In just a split second, his bewitching face flashed into my mind that instantly thrilled my belly.

Wala sa oras akong napabalikwas habang sinasampal ang sarili. Ipinilig ko rin ang ulo at sunod-sunod na nagpakawala ng malalalim na hininga. Nababaliw na siguro ako. Tuluyan na akong tumayo at nagpuntang banyo upang doon ay mahimasmasan. Pagkatapos lamang ng maikling sandali ay muli na akong bumalik at nag-ayos ng sarili.

“Sir, pakihintay nalang daw po ang Lola niyo. Nasa taas pa kasi siya at may binalikan. May nakalimutan daw,” bungad ni Manang Rosa nang makababa na ako. Tinanguan ko lang siya bilang sagot at naupo muna sa sofa.

While waiting for Lola, I checked my phone and browse on Facebook. As expected, Skylar occupied my newsfeed as well as the presumptions of his disappearance. Some says he was kidnapped while others says he ran away for undefined reasons. What a waste of time. I shrugged my shoulders and turned off the WiFi. When I was about to put my phone back, its ring tone reverberating. Lolo is calling.

“Lo,” bungad ko.

“Asami, I just watched the TV news about Skylar. Ngayon lamang binalita rito ang tungkol sa pagkawala niya. Ang Lola mo nga pala, how’s she?” Pansin ko ang pamamalat ng boses ni Lolo, halatang hindi maganda ang pakiramdam.

“She’s fine, Lolo. And about Skylar, alam ni Lola kung nasaan siya. We’re heading there already, don’t worry.” Rinig ko ang pagbuga niya ng hangin at muling pagbalik ng sigla sa boses.

“Thank goodness!” he exclaimed. “Anyways, before I forgot, there’s something I want you to do.” Biglang sumeryoso ang boses niya. Tumango na lamang ako dahil alam ko na kung ano ang ipapagawa niya. As always.

Clouds Across The Moon (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon