Chapter 33

121 15 0
                                    

CHAPTER 33

-Five Years later-

Nicole's POV

Hi. I know everyone is worried about me. Im fully recovered and it's been five years na. Umuwi kami ng Pilipinas noong graduation at bumalik din naman agad pagkatapos ng celebration. We celebrate with Lexie's family. I saw Timothy that time at nakatalikod ito sa amin ang tanging nakikita ko lang ay yung mommy nya at tsaka si Kaitlyn. I realized na baka hindi talaga kami sa isa't isa. Pagkatapos ko makuha ang diploma ko umalis na kami. I know hindi naman ako hahanapin ni Tim kasi happy na sya ngayon at masaya na rin ako para sa kanya.

I am already a teacher here in the United States and I plan to move to the Philippines and teach there. Nagtry akong mag apply sa school na pinasukan ko noon. And Yes, natanggap ako. I told my parents about it at sumang-ayon naman sila.

I packed my things and nagpaalam na sa kanila.

--

Pagkarating ko sa Pilipinas ay agad akong umuwi sa bahay namin noon. Hindi ibinenta ng parents ko kasi magagamit pa din naman namin ito pag uuwi kami sa Pilipinas. Mag-isa lang akong titira dito.

Pagkatapos kong ayusin ang gamit ko ay nagpasya akong pumunta sa school. It is 5pm na kaya dinala ko na ang mga gagamitin ko sa pagtuturo. Medyo wala ng students kasi uwian na pero meron pang mga teachers sa faculty room. I knocked the door at nabaling ang atensyon nila sa akin.

"Are you Miss Jade Nicole Chua?" pagtatanong ng principal

"Yes po"

They welcomed me at itinuro ang magiging table ko. The principal assigned me to be the advicer of Grade 10-Albert Einstein. After nya akong pinakilala sa mga co-teachers ko ay nagpaalam akong umalis muna. Pumunta ako sa dating room namin. Medyo madilim na iyon kaya hindi ko nakikita kung may tao pa sa room. Pumasok na ako at lumakad papunta sa table ng biglang ...

"Omygad!" Napasigaw ako sa aking nakita.

Lumabas ang isang lalaki galing sa ilalim ng table. Hindi ko masyadong nakita ang mukha nya kaya dali dali akong pumunta sa switch ng ilaw. Oo na. Natakot din ako baka hindi tao ang kaharap ko. Laking gulat ko sa kaharap ko ngayon.

"Nicole?"

"Timothy? A...nong ginagawa mo dito?" nauutal kong tanong sa kanya

Paano ba naman bigla lang itong sumulpot sa ilalim ng table. Sinong hindi magugulat.

"Ikaw. Anong ginagawa mo sa classroom ko?" wait. Classroom nya? So teacher din sya? Napatakip ako sa bibig ko. Ano ba tong iniisip ko. Matanong nga...

"Classroom mo? So teacher din kinuha mong course?"

"Yes. I pass the board exam last year." bigla itong napahinto at tinitigan ako. Tumalikod ito sakin at mukhang nagpupunas sa mukha nya. Lumapit ako para makita kung anong ginagawa nya.

Umiiyak ba sya?

Ba't ko ba kayo tinatanong e ako naman andito. Hays.

"Are you crying?" napatigil ito sa pagpupunas at humarap sakin

"Nope." Hindi daw pero namumula na mata nya. Hay naku Timothy.

"Hindi ka nga umiiyak" natatawang sabi ko sa kanya habang pinunasan ko pisngi nya. Nakita ko kasing may luha pa ito.

Bigla nya akong niyakap.

Yakap na sobrang higpit. Humikbi ito.

I tap his back para ma comfort sya. May problema ba sila ni Kaitlyn?

"Okay ka lang? May problema ba kayo ng girlfriend mo?"

Bigla itong natawa.

Anong nakakatawa sa sinabi ko Timothy?

"Bakit ka tumatawa?" kumawala ako sa yakap nya para tanungin ko sya.

"Anong girlfriend pinagsasabi mo."

"Diba kayo pa din ni Kaitlyn nakita ko kayo sa graduation "

"So ikaw nga yung nakita ko.Hindi ako nagkamali."

Nakita nya ako? Talaga?

"Hindi kami nagkabalikan ni Kaitlyn.Tsaka ikaw iniintay ko. Bigla mo ko iniwan. Diba sabi ko sayo dito ka lang sa tabi ko?"

"Sorry,napagod ako"

"Its okay. Its all my fault. Sorry din" tumitig ito sakin

"Sorry saan?"

"Sorry sa nagawa ko. Sorry kung hindi kita nasundan. I tried to reach out Lexie and Sean pero hindi nila ako kinakausap. I tried to check your social media accounts pero wala naka deactivate ka na. Nakita kita sa graduation day pero huli na ako. Umalis ka na noong tumakbo ako papunta sayo. Ikaw lang talaga laman ng puso ko Nic. Nire-ready ko nalang ang araw na magkikita tayo at mabalik natin ang dati pero sa isip ko baka hindi na ako ang nagpapatibok ng puso mo"

Ano bang isasagot ko?

"Akala ko kasi nagkabalikan na kayo ni Kaitlyn kaya.... "

Hindi ko na natuloy ang sinabi ko dahil bigla nya akong hinalikan.

Its a passionate kiss.

"I miss you" sabi nito sakin habang hinawakan ng dalawang kamay nya ang pisngi ko.

Ano na Nicole? Magpapacute ka pa ba?

"I miss you too" I smiled at him. Oo na ako na marupok.

Wrong NumberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon