Chapter 6 - The Deal
Pagkatapos ng ilang araw ng huli naming pagkikita ni KD or Kairo, mas naging abala ako sa mga schoolwork at sa mga scheduled photoshoots ko. Naninibago parin ako na tinatawag ko na siya sa pangalan niya. It was a Saturday. Since it was my first day off in a while, I planned to buy some groceries.
This is what I like living alone, I can do everything that I want at anytime. Hawak ko ang oras ko. Wala nang gumagawa ng schedule ko kahit tapos na ang trabaho ko. I can do what I want to do without feeling bad about it. Noon kase ay hindi talaga ako makatanggi sa magulang ko. Now, I'm happy living alone. Pero hindi ko din maikakaila na minsan hinahanap-hanap ko rin ang mga magulang at kapatid ko.
I went in to the grocery store and got one of the carts. I started on the meat section and followed the grocery list that I wrote earlier. I also went to the dairy section to get some milk. I am actually a milk lover at bawal din talaga sakin ang kape. Minsan lang ako nagka-kape kapag kailangan ko. Tumingin tingin ako doon dahil wala yung gatas na ini-inom ko.
"Looking for something?"
Napalingon naman ako ng may biglang nagsalita sa likod ko. I stepped back in shock when I saw Kairo who was standing behind my back.
"What are you doing here?" muntikan ko na ngang hindi masabi 'yon dahil sa sobrang kaba na naramdaman ko. Nang gulat ba naman kase!
"I was supposed to meet you at your condo, but your manager told me that you are here," he said. "I texted you. Hindi mo ba na receive?"
Kinuha ko yung bag ko na nasa cart at nilabas ang cellphone ko. Totoo nga!
Kairo:
hey.
wya?Kumunot naman ang noo ko sa text niya. Pati sa chat napakalimitado niya sa salita.
"How did you get my number?" Mataray kong sabi.
Napalunok naman ako nang bigla itong lumapit sa akin at pumunta ulit sa likod ko saka tumingin din sa cellphone ko. Hindi ako nakagalaw dahil sobrang lapit niya! Hindi parin ako gumalaw at nakahawak lang ako sa cellphone ko, pero nakita ko sa gilid ng mata ko kung paano niya ako titigan! Tinitignan niya ang reaksyon ko.
"B-bakit?"
"How did you get my number?" diin niyang sabi.
Naglakas loob at kabado ko paring sinalubong ang tingin niya. Na-save ko na kase agad 'yung number niya pagkabigay ni Ate Jea noon. Nahihiya rin naman akong sabihin na kinuha ng manager ko 'yung number niya para sakin! I cleared my throat and changed the topic.
"Now you're following me," tumalikod ako sa kanya at nagtingin ulit ng mga gatas.
"Maybe," he didn't even bother denying it!
Pagkakuha ko ng gatas ay nilagay ko na agad 'yon sa cart. Iniwan ko 'yung cart at walang salita na kumuha ng isang tray ng itlog sa kabilang side. Babalik na sana ako pero pagkalikod ko ay papunta na sakin si Kairo na tulak-tulak ang cart ko.