Chapter 1- Undecided

11 0 0
                                    

THERE WAS a guy who named Yuan, his life is very simple and peaceful. And apparently, it became hard when he accidentally got pregnant his long time girlfriend, Eloisa. A girl who has been in love with him for about three years since college. After finished his business course, he took his first job as a bank teller. And when he had a stable job, Yuan has decided to live separately in the private village of Taguig City.

Kaya naman nang mabuntis si Eloisa ay napilitan siya na ibahay ang kasintahan kahit lingid ito sa kaniyang magulang at kahit hindi pa siya handa sa responsibilidad. However, Yuan has become a good provider when it comes to daily needs and expenses. At dahil buntis si Eloisa ay hindi niya maintindihan ang pagiging mainitin ng ulo nito kumpara no'ng magkasintahan pa lamang sila. Dahilan para madalas silang magkaroon ng pagtatalo.

"Bakit ngayon ka lang umuwi? Hindi mo ba naisip na may naghihintay sa'yo?" pagbungad kaagad sa kaniya ni Eloisa sa halip na bungaran siya nito ng yakap at halik.

"Eloisa naman, pagtatalunan ba na naman natin, 'to? Hindi mo ba naisip na baka na-traffic lang ako?"

"Traffic? Palagi na lang ganiyan ang dahilan mo. P'wede bang iba naman?" inis na katwiran nito habang nakapamewang pa ito sa harapan niya. Napailing si Yuan at piniling 'wag patulan ang kawalang kwentang paghihimutok sa kaniya ng kasintahan. "Hoy, kinakausap pa kita!" Narinig niyang sigaw ni Eloisa nang malampasan niya ito mula sa kinatatayuan.

Narinig pa niyang nagdadaldal ito mula sa salas pero hindi niya iyon malinaw na naririnig dahil abala siya sa pagkuha ng damit sa cabinet.

Buong akala niya ay tumigil na ito sa kasasalita sa kaniyang paglabas ng kuwarto pero muli na naman itong nagsalita habang ipinaghahain siya ng pagkain. "Lumamig na lang tuloy ang iniluto kong ulam nang dahil sa tagal mong dumating," wika nito na sandaling nagpaangat ng tingin niya.

Kaya naman hindi na niya maiwasang patulan ang mga paratang nito, "Pambihira naman, Eloisa, 'wag kang mag-alala at kakainin ko 'yan. Saka kapag nakakuha na ako ng motor ay hindi na ako male-late ng uwi," aniya bago pa man umupo at galawin ang inihaing pagkain sa kaniya ng kasintahan.

Doon lang natahimik si Eloisa at para sa kaniya ay laking himala iyon nang dahil lang sa sinabi niya. Pumasok ng kuwarto ang kasintahan at wala siyang kamalay-malay na iyak iyon ng iyak doon. Sadyang matapang ang ipinapakita nitong ugali sa kaniya pero hindi niya alam ay durog na durog na ito sa halos araw-araw nilang pagtatalo. Sa katunayan ay wala naman talagang dapat ikabahala si Eloisa sa kaniyang katapatan bilang asawa, dahil wala naman siyang babae at madalas ay bahay-trabaho lang ang routine niya araw-araw.

Matapos kumain ay humiga na siya sa tabi nito. At sa halip na suyuin ang kasintahan ay mas pinili niyang magpahinga dahil sa pagod din siya. Ayaw niyang mas lumala pa ang misunderstanding nila. Ngunit hindi niya batid na labis iyong ikinalulungkot ni Eloisa dahil kahit galit ito ay umaasa pa rin ito na susuyuin niya.

Kinabukasan ay hindi inaasahang magkakaroon ng celebration sa kanilang kompanya. May kaunting salu-salo at inuman after duty sa isang resto bar at papangalanan na rin ang top three most outstanding employee this year. Nakaramdam ng excitement si Yuan dahil kahit minsan ay hindi niya pa na-achieve ang magka-award ng gano'n sa kompanya sa loob ng dalawang taon. Importante iyon para sa kaniya at matagal na niyang hinihintay na magkakaroon ng improvement sa kaniyang trabaho, lalo na't ginagawa niya naman ang kaniyang one hundred one percent best para rito. At kahit hindi sila okay ni Eloisa ay nagawa niya pa rin na magpaalam dito through text.

"Tama na 'yan, magbabati rin kayo niyan," pahapyaw na wika ni Inigo na isa sa kaniyang malapit na kaibigan. Kilala kasi nito ang kinakasama niya kung magalit dahil minsan na nitong nakita ang post ni Eloisa sa social media sa tuwing may alitan sila.

Magugustuhan mo rin ang

          

"Bahala na, kung pumayag man siya o hindi, ang mahalaga ay nagpaalam ako, 'di ba?" wika niya na ikinatango nito.

"Alam mo, Yuan, ganiyan talaga 'yung mga babae, mabilis magalit o mairita pero sa huli, gusto lang niyan ay suyo-- suyo, tol." Para siyang tinusok nang sinabi ni Inigo dahil hindi niya pa nagagawang suyuin si Eloisa sa tuwing mag-aaway sila kahit sa maliit na bagay, simula nang magsama sila sa iisang bahay. "O, bakit natahimik ka?"

"Wala, parang.. nagi-guilty lang ako, hindi ko na kasi siya sinusuyo tuwing mag-aaway kami, e. Saka feeling ko naman kasi, wala sa lugar 'yung ikinagagalit niya. Buti sana kung mabigat na dahilan, e."

Naramdaman niya ang pagtapik ni Inigo sa kaniyang balikat at sinabi, "Alam mo, tol, wala naman 'yan sa kung sino ang may kasalanan o wala. Nasa pag-unawa 'yan, kaya kung magpapataasan lang kayo ng pride, walang mangyayari." Napa-isip siya sa sinabi nito at dahil batid niya sa sarili na napakawalang kwenta niyang kinakasama ay hindi na siya nakapagsalita.

Nang makarating sila sa venue ng celebration ay doon niya sandaling nakalimutan ang misunderstanding nila ni Eloisa, sandali niya ring nakalimutan ang kaniyang responsibilidad bilang kasintahan sa pagbigay ng update rito matapos siyang reply-an sa kaniyang paalam. Dama niya ang galit ng kasintahan sa likod ng mensaheng iyon kaya naman imbes na magpaapekto ay iginugol niya na lang ang sarili sa pag-e-enjoy.

"Mabuti naman at nakaka-smile ka na, tol," pagpuna sa kaniya ni Inigo na kasalukuyang katabi niya sa table.

"Oo naman, masaya ako sa trabaho ko, e. Hindi nga lang sa buhay may asawa. Ewan ko ba, parang nakakasawa rin kasi 'yung tipong halos araw-araw kayong nagtatalo sa walang kakwenta-kwentang bagay." Narinig niya ang mahinang pagtawa ni Inigo.

"Gano'n talaga, pero sabi nila kapag madalas daw nag-aaway ay mas tumatagal. Pero ang tanong, gaano mo ba kamahal ang kinakasama mo ngayon?" Hindi siya nakasagot agad sa sinabi nito. Aaminin niyang hindi pa ganoon kalalim ang pagmamahal na nararamdaman para sa kasintahan, kung tutuusin ay hindi pa talaga siya handa sa buhay may pamilya.

At nang i-announce na ng kanilang financial advisor ang top three most outstanding employee ay halos lumundag sa saya si Yuan nang marinig ang kaniyang pangalan. "Congratulations, Mr. Yuan Martin, you are eligible for promotion," wika pa ng kanilang financial advisor.

"Wow! Thank you so much, po, ma'am!"

"Really deserve, tol. Congrats!" wika naman ni Inigo at kasabay niyon ang bigayan nila ng tapik sa isa't isa.

"Thank you, tol. Maybe next year ikaw naman ang nasa pwesto ko," wika niya na nagpangiti si kaibigan.

Dala ang kasiyahan ay excited sana siyang sabihin ang magandang balita kay Eloisa subalit hindi niya inaasahan ang mabubungaran-- wala si Eloisa. At parang napaka-plain at lungkot ng bahay nang makita niya. Doon siya nakaramdam ng kaunting lungkot at sinubukan pa rin hanapin ang kasintahan sa kasulok-sulukan ng bahay pero bigo siyang makita ito.

Hindi niya maiwasang mag-alala kay Eloisa lalo na sa dinadala nito. Sobrang nagsisisi siya sa kabila ng mga sandaling pinalampas niya para suyuin ito.

Kaya, kinabukasan kahit may pasok sa trabaho ay hindi siya nag-aksaya ng oras at panahon para hanapin ito sa bahay mismo ng magulang nito. "Naku, pasensya ka na, Yuan, pero wala naman kaming balita tungkol sa kung anumang problema ninyo ng anak ko, pero hindi talaga nagpunta rito si Eloisa," ang sabi ng kaniyang mother in law.

"Ganoon po ba, ah, sige po. Salamat pa rin po. Dito na po ako." Doon pa lang ay tila gusto na niya sumuko dahil parang walang balak si Eloisa na magpakita. Dahil ultimo sa social media at personal number ay hindi niya ito ma-contact. Hanggang dumating ang araw ng kaniyang day off at nanatiling malaking katanungan pa rin sa kaniya ang biglaang pag-alis ni Eloisa. Aaminin niyang kahit hindi laging maganda ang araw para sa pagsasama nila ay hindi maitatangging nami-miss niya ang presensya nito.

Lumipas pa ang ilang araw, habang abala siya sa trabaho ay bumungad ang isang balita sa kanilang kompanya na pumanaw na ang kanilang financial advisor na si Mrs. Gracy Daclan. Heart attack ang naging biglaang pagkamatay nito. Hindi siya lubos makapaniwala dahil parang kailan lang nila ito nakasama. At ito pa ang isa sa nagmo-motivate sa kaniya minsan na walang imposible kapag nagpursige ka.

"Sadyang nakalulungkot ang biglaang pagpanaw ni Ma'am Gracy." Narinig pa niyang pag-uusap ng ilang employee mula sa may back office.

At dahil nga sa pagpanaw ni Mrs. Daclan ay nagkaroon ng election para sa papalit sa position nito. Anong kaba at excitement ang naramdaman ni Yuan nang malamang isa siya sa mga nominees, dahil isa siya sa top three most outstanding employee. At para sa kaniya ay napakalaking opportunity no'n kung papalarin siyang pumalit sa position ni Mrs. Daclan dahil mas lalaki ang kaniyang magiging monthly salary at kayang-kaya niya nang kumuha ng motorsiklo para hindi na rin siya mahirapang magbiyahe.

Subalit kapantay niyon ang nananatiling malaking katanungan kung bakit hindi pa rin bumabalik si Eloisa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nob 17, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Between Two WivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon