5: DEDUCTION SHOWDOWN (FIRST MATCH)

3K 316 165
                                    

Chapter 5: Deduction Showdown (First Match)

AMBER


I WOKE up late at muntik nang mahuli sa pagpunta namin sa TV station. Pero hindi naman na nila ako nagawang pagalitan because they knew I was against joining this show. I should have slept longer, cleaned my room, o ‘di kaya ay nag-stroll sa paligid ng Bridle High kasama ang aso kong si Filter.

“Did you have breakfast already?” tanong ni Gray sa akin mula sa rearview mirror.

I’m on the back seat with Jeremy samantalang nasa passenger seat si Math na tila may-ari ng sasakyan. Siya na kasi ang nagkukusang kumalikot ng stereo at aircon imbes na si Gray.

I made a face. “Wala nga akong oras para magsuklay, kumain pa kaya?”

“You should always comb your hair, Amber. It’s a woman’s crowning glory. Look at my hair—”

“Patingin nga ng buhok mo, Maya,” sabad ni Jeremy
at hinila pa ang buhok nito. Math squealed a bit ngunit hindi na nagreklamo dahil nauto na naman siya ni Jeremy. “Oo nga, ang ganda ng buhok mo, parang alagang natural oil kaya amoy copra!”

“Jeremy!” sigaw ni Math.

“Kumain na kami kanina, do you want to drop by sa fast-food para makakain ka?” pag-agap ni Gray sa akmang pagrarambulan ng dalawa.

“Drive thru na lang, a coffee will do,” sagot ko. Ayaw kong mas lalo pa kaming ma-late dahil baka nasa amin ang atensyon ng lahat pagdating. Isa pa, baka kami na lang ang wala roon, nakakahiya naman.

On our way ay tinanong ko sila kung may ideya ba sila kung paano gagawin ang palabas. Math flipped her hair and looked at me with her brow raised. “You didn’t research, Amber?”

Obviously. . . . Pinigilan ko ang sariling mapangiwi.

“It has two rounds—elimination and the final round. Maybe the Filipino adaptation added flavor to it so we can expect more. Isa pa, number one TV station ang BNC-12 so we have to be ready that the game is grand.”
Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa building ng TV station. Pagpasok namin, binati agad kami ni Sir Michael B. He introduced us to the staff na siyang naghatid naman sa amin sa holding area, nagpa-register, at nagbigay ng nameplate.

When we enter the holding area, dalawang grupo na ang naroon and apparently, hindi pa pala kami ang pinakahuling dumating. Kaya naman pasimple akong napangiwi. Sana pala, kumain ako.

We sat on the vacant seats at inilapag ko muna sa katabing upuan ang dala kong kape. Nang makaayos na ako ng upo ay hinawakan ko na ito. I silently observed the other teams.

Mukhang lahat sila ay excited na sa mangyayari. Some were giving us warm smiles while others were watching us with hawk eyes na para bang malalaman nila ang kakayahan namin sa pamamagitan lang ng pagtingin.


“I wonder what the other team are like,” sambit ni Gray.

“Sana lang, huwag ang QED Club,” Jeremy said.

Lahat kami ay napatingin sa kanya. “QED Club?”

“May nabasa kasi akong blog tungkol sa kanila, the writer is part of the club. I admit, I’m a fan of her blog. Base sa mga isinusulat niya, they solved a lot of cases— well, that if she isn’t sugarcoating her words.”

WHOSE DEDUCTION SHOW?Where stories live. Discover now