Chapter 13

2.5K 74 2
                                    

Angelecca Pov.

Isang itim na Van ang sinakyan namin kaya kasama ko ngayon si Ella sa isang upuan. Samantalang si Ellieoth at Finyx ay mag katabi rin sa iisang upuan. Harapan ang upuan kaya mag kakaharap kaming apat.

Kanina pag pasok ko dito ay labis akong namangha dahil ngayon lang ako naka kita ng ganitong kalaking van sa loob nito. May flat screen TV pa, may kama, may closet, may reffegerator at lababo. Pwede na  nga gawing bahay ito. Gaano ba kayaman si Ellieoth Del Falco? masyado pa siyang bata para maging bilyinaryo.

Sabagay hindi na ako mag tataka matalino siya at magaling humawak at mag patakbo ng negosyo.

Hanggang ngayon hindi ko siya pinapansin  dahil sa ginawa niya kay Raymond at Edward.

Sumusobra na kasi siya lahat nalang ng lalaking mapatitig sa akin o mapatingin lang. Kung hindi pagagalitan kulang nalang ay dukutan niya ang mga mata.

Tumingin ako sa pwesto niya nakalukot ang gwapo nito mukha. Dahil kanina pa siya nag papapansin hindi ko siya pinag tuunan ng pansin.

Na-buwisit yata ang lolo niyo kaya ayan kulang nalang mag mukhang nilukot na papel ang itsura.

Nadapo naman ang mata ko sa katabi nito, ang boyfriend ni Ella. Tuwid na tuwid lang itong naka-upo at seryuso masyado ang aura ng mukha nito.

Siniko ko si Ella at mahinang bumulong.

"Ella! Normal pa ba yang boyfriend mo? Para kasing robot." Bulong ko sa kanya.

"Grabe ka ate ha! Ganiyan lang talaga yan. Masyado kasing seryuso sa buhay." Sagot nito.

"Talaga? kahit ngumiti hindi niya magawa?" Saad ko.

"Oo ate kahit ako, hindi ko pa siya nakikitang ngumiti man lang. Pero ang gwapo niya diba." Nag niningning ang mga mata ni Ella habang sinasabi yun.

"Yeah, gwapo pero wirdo!" Anang ko.

Nasa kakahating oras nadin ang binyahe namin. Nang makaramdaman ako ng antok. Bakit ba parang antokin yata ako ngayon?  Dati hindi naman ako ganito.

Ipinikit ko ang mata ko at sinandal ang ulo sa salamin ng bintana. Hindi ko alam kung saan kami pupunta. ayaw naman sabihin ni Ella, ayaw ko din naman mag tanong kay Ellieoth dahil na aalibadbaran ako sa pag mumukha niya.

Pansin ko nasa expressway na kami naka labas na kami sa manila.

Pinikit ko muli ang mata ko at natulog inaantok talaga ako. Hindi ko kinakaya ang antok bumibigat ang talukap ng mata ko.

"Sweetie! Wake up!"

Nagising ako ng mardaman ko ang mahinang tapik sa aking pisngi.

Tumingala ako at nakita ko ang mukha ni Ellieoth bakit siya na ang katabi ko.

Agad ko siyang tinulak at inismiran.

"Bakit ikaw ang katabi ko? nasaan na si Ella?"

"Tanong ko habang hindi naka tingin sa kanya. Napansin ko rin na hindi na umaandar ang sasakayan.

"Kanina pa lumabas ng sasakyan kasama ng boyfriend niya." Turan nito.

"Ikaw! Duro ko sa kanya, tumaas naman ang isang kilay niya.

"What?" Takang tanong nito.

"Wala kabang napapansin sa boyfriend ni Ella. Para kasing ang wirdo niya." Lintaniya ko.

"Sweetie, ganon talaga pag lahi ng mga gwapo medyo weird. Tingnan mo ako ang gwapo pero medyo weird." Naka ngising saad nito.

"Tse! Hindi ka weird! Mayabang ka at puno ng kabag ang ulo mo! Ang lakas din ng sapak mo!  Tabi nga!" Inis ko siyang tinulak para makababa ako sa sasakyan.

My Beautiful Secretary ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon