♛𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 05♛
Nandito ako sa Cafeteria ngayon, kumakain ako. Habang tahimik akong kumakain ay lumapit sa'kin 'yung babaeng lumapit din sa'kin noon. Ano, nagsumbong na naman ba sa kanya ang kaibigan niya? "What? Will you be able to defeat Xaxion?" Tanong niya habang nakataas ang isang kilay niya. "Godness, bakit ikaw pa?" Sarkatiskong tanong niya.
"'Di ko rin alam, alam kong bagsak ako 'dun. Mahihirap ang mga tanong na binigay sa'kin. 'Tsaka ang tatalino nung mga Xaxion eh." Mahinahon na sagot ko.
"It's good and you know it." Pang-iinsulto niya. Hindi naman ako sumagot. Tumalikod na siya at umalis. Alam ko naman 'yun eh. Kumain na lang ako. Habang kumakain ako ay nag-vibrate ang cellphone ko kaya naman kinuha ko sa bulsa ko at tiningnan kung ano 'yun.
✫Oɴᴇ Mᴇssᴀɢᴇ Rᴇᴄᴇɪᴠᴇ✫
Fʀᴏᴍ: 𝕏𝕖𝕟𝕠
Chloe, wala kami ni Lesh d'yan sa bahay, baka next week ulit kami nandyan. Nandun siya sa dorm niya, may project silang gagawin kaya 'di siya pwedeng umuwi. Ako naman ay dito muna sa'min, maraming lang aasikasohin. Maglock ka d'yan, mag-ingat ka d'yan. Kapag may emergency ay tawagan mo agad ako. Ingat ka..
Tᴏᴅᴀʏ 12:20ᴘᴍ✫Oɴᴇ Mᴇssᴀɢᴇ Rᴇᴄᴇɪᴠᴇ✫
Fʀᴏᴍ: 𝕄𝕪 𝕃𝕖𝕤𝕙 𝕃𝕠𝕧𝕖
Girl, baka one week kaming wala d'yan sa bahay. Mag-ingat ka d'yan, ha. 'Tsaka girl, sorry talaga. Love you..
Tᴏᴅᴀʏ 12:20ᴘᴍKumunot naman ang noo ko. Dahil sabay silang nagmessage sa'kin! Bumungtong hininga na lang at sinimulan na magreply sa kanila.
✫Cᴏᴍᴘᴏsᴇᴅ Mᴇssᴀɢᴇ✫
Tᴏ: 𝕏𝕖𝕟𝕠
Okay, Ingat din.
Tᴏᴅᴀʏ 12:23ᴘᴍ✫Cᴏᴍᴘᴏsᴇᴅ Mᴇssᴀɢᴇ✫
Tᴏ: 𝕄𝕪 𝕃𝕖𝕤𝕙 𝕃𝕠𝕧𝕖
Okay. Kalimutan mo na 'yun, Love you..
Tᴏᴅᴀʏ 12:23ᴘᴍMatapos ko silang replyan ay binulsa ko na ulit ang cellphone ko. 'Di na ako nakakain sa kanila. May iba pang mga message sa'kin pero 'di ko na binasa pa. Pag-uwi ko na lang. 'Di ako makakain kapag re-replyan ko pa ang mga 'yun eh. Matapos kong kumain ay pumunta ako ulit 'dun sa rooftop. Tama nga ang desisyon ko na wag na muna dalhin 'yung isa kong cellphone. Kinuha ko sa bag ko 'yung sketch pad ko, earphone ko. Sinuot ko ang earphone ko at nagsoundtrip habang nag-i-sketch. 'Di ko alam kung ano ba ang i-sketch ko. Wala akong maisip..
Habang nag-i-sketch ako ay ramdam ko na may papalit sa'kin kaya lumingon agad ako. Nakita ko naman 'yung babaeng galit sa'kin kasama yung isa niyang kaibigan. Naglakad siya papalapit sa'kin habang nakangisi. Agad naman akong tumayo at humarap sa kanila. Tinanggal ko ang suot kong earphone. Naglakad pa siya papalapit sa'kin. Bumaba naman ang tingin niya sa sketch pad ko, nagulat naman ako ng bigla niya itong hablutin mula sa'kin. "Wow, you're still good at drawing." Nakangising sabi niya. 𝑯𝒊𝒏𝒅𝒊 '𝒚𝒂𝒏 𝒅𝒓𝒂𝒘𝒊𝒏𝒈, 𝒔𝒌𝒆𝒕𝒄𝒉 '𝒚𝒂𝒏. Hindi naman ako sumagot. Nagulat naman ako ng bigla niya itong punitin sa sketch pad ko at punitin ito sa gitna hanggang sa maging sobrang liit na tapos ay ibagsak na parang confetti na siya. "Opss sorry sadya." Nakangising sabi niya.
"You're both garbage eh.. does it hurt to see your fellow garbage destroyed like that?" Nakangising tanong nung isa pa.
"That's what will happen to you when you don't follow our wishes. From now on, you will be our slave." Seryosong sabi naman nitong pumunit sa sketch ko. "Naiintindihan mo?" Wala naman akong choice kun'di ang tumango at sumunod sa kanila. "Good." At umalis na silang dalawa. Tumingin naman ako sa sahig kung saan nandun ang mga punit punit kong sketch. Bumuntong hininga naman ako at pinulot ang mga ito at ilagay sa bulsa ng bag ko. Nalungkot naman ako, malapit ko na sanang matapos kaso pinunit niya lang. Ang sama talaga ng ugali. Umupo na lang ako ulit at nagsoundtrip. Sketch ako ulit pero puno na lang para madali.
Matapos kong mag-sketch ay pumunta na ako sa room. 'Dun na lang ako muna habang wala pa ang teacher namin. Habang naglalakad ako patungo 'dun ay lumapit sa'kin 'yung isa mga kaibigan nung babaeng yun. "Nerd, go to Room B6, find Leah there and tell her to take my book, tell Mia. Then take the book to Room A8. Now, I need that." Mataray niyang utos at nag-alangan naman ako. Male-late ako eh kapag sinunod ko ang utos niya.
"Pwedeng sa iba mo muna ipautos? Male-late kasi ako sa klase namin eh..." Kinakabahan na sabi ko at tinaas naman niya ang isang kilay niya, nakakatakot ekspresyon ng mukha niya ngayon, sobrang taray.
"Will you follow or will you be hurt?" Pagbabanta niya at malalim naman akong bumuntong.
"Okay. Okay." Sagot ko naman at umalis na. Nagmamadali naman akong pumunta sa room na 'yun. Ang layo pa naman nun sa building ko kaya tuloy lakad-takbo ang ginagawa ko. Hindi ako pwedeng malate 'dun. Pagkarating dun ay syempre lingon sila sa'kin lahat. Nakakainis naman eh, bago pa ibigay kailangan munang mang-asar eh. Pareho pareho silang magkakaibigan ng ugali eh. Nang makuha ko 'yun ay tumakbo na ako patungo 'dun sa room sa sinabi ng babaeng 'yun. Hindi ko na binigay sa kanya mismo kun'di 'dun sa classmate na lang niya dahil male-late na talaga ako. Pagdating sa room ay halos magkasabay na kami ni Ma'am dumating. Tinaas niya lang ako ng isang kilay at naiilang naman akong ngumiti.
Pagdating sa upuan ko ay hingal na hingal ako sobra. Uminom naman ako ng tubig, grabe parang galing ako sa marathon. Pinahihirapan ata ako ng babaeng 'yun ah, tiningnan ko 'yung book kanina. Halata namang hindi mahalaga 'yun dahil parang story book 'yun eh. Pakiramdam ko ay sinadya niya 'yun dahil alam niya na maaaring malate ako sa klase ko kapag inutusan niya ako, 'yun ang akala niya. Nakakainis talaga eh pero 'di ko magawang magreklamo dahil malilintikan ako sa kanila eh. 𝑺𝒐 𝑴𝒊𝒂 𝒂𝒕 𝑳𝒆𝒂𝒉 𝒂𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒏𝒈𝒂𝒍𝒂𝒏 𝒏𝒈 𝒅𝒂𝒍𝒂𝒘𝒂𝒏𝒈 '𝒚𝒖𝒏, 𝒆𝒉 𝒂𝒏𝒐 𝒏𝒂𝒎𝒂𝒏 𝒌𝒂𝒚𝒂 𝒂𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒏𝒈𝒂𝒍𝒂𝒏 𝒏𝒖𝒏𝒈 𝒅𝒂𝒍𝒂𝒘𝒂 𝒑𝒂? Malalaman ko rin 'yan sa ngayon ay kailangan kong sumunod sa kanila para 'di ako masaktan dito.
Nagtaka naman ako ng pinalipat ni Ma'am itong lalaking malayo sa'kin, 'yung lumipat. Kahit siya ay nagtataka din eh. Pina-usog niya lahat ng nasa likuran kaya may ilang upuan na may space 'dun, pito ang upuan na may space. Ano kaya ang trip ni Ma'am at naisipan 'yan. Umusog naman ako lalo dito sa may pader, baka kasi ayaw niya sa amoy ko eh. 'Yun nga ang dahilan kung bakit siya lumipat nun eh, amoy ko naman ang pabango niya. Grabe, ang bango ng pabango niya kahit panlalaki ito. Minsan gusto ko din ang pabango ng lalaki kaso ayaw ko din dahil ang tapang eh. Binabahing ako kapag hindi ko gusto ang amoy eh. Kaya pambabae ang gusto ko, babae kasi ako.
Machine Learning ang topic namin ngayon sa Artificial Intelligence. Ang Machine Learning ay isang branch ng Artificial Intelligence (AI) at agham ng kompyuter na nakatuon sa paggamit ng data at mga algorithm upang gayahin ang paraan ng pagkatuto ng mga tao, unti-unting pinapabuti ang katumpakan nito. Ang Machine Learning ay isang mahalagang sangkap ng lumalaking larangan ng agham ng data. Syempre, pag-aaralan din namin d'yan 'yung Model. Math. Purpose at Develop. 'Yung Machine Learning ay pinalalakas ng mga konsepto, Statistics, Linear Algebra, Probability, and Calculus. 'Yan ang ayaw ko, math.. joke lang. 'Yan talaga ang gusto ko.
At dahil 'dun sa mga iniisip ko ay ito, math. Pero hindi computation, statistics ang gagawin namin---isang branch ng mathematics na nakikipag-usap sa collection, analysis, interpretation, and presentation of masses of numerical data. Ganun ang gagawin namin ngayon. Statistics Math... Habang gumagawa ako ay syempre patingin tingin din sa libro tapos sa blackboard syempre. Hindi naman ako sobrang talino para 'di na tumingin sa libro at sa blackboard. Maloloka na ang utak ko nun eh, parang bugbog sarado na sa pag-aaral eh.
𝑨𝒏𝒈 𝒉𝒊𝒓𝒂𝒑 𝒏𝒂 𝒏𝒈𝒂 𝒏𝒈 𝒎𝒈𝒂 𝒍𝒆𝒔𝒔𝒐𝒏 𝒏𝒂𝒎𝒊𝒏 𝒕𝒂𝒑𝒐𝒔 𝒑𝒂𝒉𝒊𝒉𝒊𝒓𝒂𝒑𝒂𝒏 𝒌𝒐 𝒑𝒂 𝒍𝒂𝒍𝒐 𝒂𝒏𝒈 𝒔𝒂𝒓𝒊𝒍𝒊 𝒌𝒐. 𝑴𝒂𝒑𝒂𝒑𝒂𝒕𝒂𝒚 𝒌𝒐 𝒏𝒂 𝒂𝒏𝒈 𝒔𝒂𝒓𝒊𝒍𝒊 𝒌𝒐 𝒌𝒂𝒑𝒂𝒈 𝒈𝒂𝒏𝒖𝒏, 𝑴𝒐𝒏 𝑫𝒊𝒆𝒖..
⬤Tʀᴀɴsʟᴀᴛᴇ: Mᴏɴ Dɪᴇᴜ (Iᴍᴏ Jɪᴇ) = Mʏ Gᴏsʜ⬤
☕︎✍︎
BINABASA MO ANG
Golden Daughter of Lavigne Family [Royal Family #1] COMPLETED
RandomCOMPLETED Golden Daughter of Lavigne Family by Ezca_18y What happens here in the story is just a dream of mine or just something I can imagine. **** She is the Golden Daughter of Lavigne Family, she is arrogant, badass, smart, talented, good at ever...