Chapter 13

5.7K 216 26
                                    


🔥SESASON 2🔥

Princess Violet PoV

"I need Asna scent to stop that contract she signed it." Bakit kasi ayaw ni Asna ipatigil yong contact niya sa potion. Mas lalong kumakapal ang pagmumukha ng babaeng iyon.

Nandito ako ngayon sa chamber niya para kunin yong nasuot niya na damit. I heard from Xyn na ang gumawa ng potion na iyon ay isang matandang bulag malapit sa black market.

Sinuot ko yon at palihim akong umalis ng mansiyon. Hindi ako papayag na maging Empress ang babaitang iyon maybe tanga si Asna para pagbigyan siya pero ako? Hindi ko hahayaan yon.

Nakarating na ako sa lugar na kong saan pinagawa ni Asna yong potion na pinainom niya kay Venom nalaman ko lang iyon dahil nong nagbisita ako palasiyo nagulat lang ako dahil nag request ang Marquis na kausapin ako. Sa ngayon nasa bilangguan pa rin siya.

Naalala ko pa nong sinabi niya saakin na kinukulong ng potion na iyon ang totoong Venom at Isa pa nagmakaawa din siya saakin na kong puwede ay putulin ni Asna ang kontrata na iyon.

Kung may paraan naman pala na mapabagsak ng tuluyan si Princess Yna bakit hindi tinigil yon..... Ano ba ang pinaplano mo?

Pumasok ako don sa lumang stall at nasa ilalim ang hagdan nito.... Para siyang dungeon sa mansiyon namin. Naglakad lang ako hanggang sa may nakita akong matandang babae nagluluto sa palayok.

Napatakip ako ng ilong ko dahil sa mabaho ang amoy.

"Anong maitutulong ko sayo magandang binibini." Tanong nito habang patuloy sa paghalo ng niluluto Niya sa palayok na iyon.

"Gusto ko sanang malaman kong paano mapapawalang bisa ang potion?" Sambit ko napatigil Ito at lumapit saakin saka ako inamoy.

"Hmmmm ikaw yata ang babaeng nagpagawa ng potion saakin."

"Opo ako nga po! Maari ko ba malaman kong paano mawawala ang bisa ng potion?"

"Simple lang...... Akin na ang damit na suot mo." Buti nalang nagdala ako ng damit ko alam ko na Ito ang kailangan niya.

Hinubad ko iyon at binigay sakanya may narinig akong ibang lenggwahe na sinasambit niya at sa tingin ko isang ritual yon. Maya maya pa ay tinapon niya ang damit na iyon sa apoy.

"Kailangan mong basagin ang bote na binigay ko sayo para mawala ng tuluyan epekto ng potion na iyon. Sinunog ko ang damit na iyan para putulin ang ugna

"Maraming salamat impormasiyon, Ito po yong pera ko." Nilapag ko ang pera sa mesa nito at lumabas ng stall niya.

Kailangan kong makapunta sa palasiyo at makuha ang bote na iyon. Nasa harap ako ng palasiyo ng makita ko si Asna papalabas kausap nito ang Emperor hanggang sa makasakay na Ito ng karwahe.

Buti nalang di niya ako nakita dahil paniguradong tatanungin ako ng babaitang yon. Lumapit ako sa Emperor at nagibigay galang.

"Ikaw pala Princess Violet. Ano ginagawa mo rito sa palasiyo? Kababago lang umalis si Princess Asna. May kailangan kaba?" Ngumiti ako sa Emperor.

"Mahal na Emeperor balita ko buntis daw si Princess Yna kaya gusto ko sanang batiin siya ng personal kong papayagan niyo po ako."

"Aba Oo Naman. Nasa harden siya ngayon at nagpapahinga."

"Kung ganon pupuntahan ko po siya Mahal na Emperor." Napangisi ako dahil hindi ko mapaliwanag ang excitement na naramdaman ko.

Pumunta ako ng harden at nakita ko nga si Princess Yna pero napansin ko na may binubulong ata siya at parang galit na galit. Who knows na baka si Asna ang dahilan ng pagkainis niya.

When a Villain wants a freedom (COMPLETE)Where stories live. Discover now