Chapter 10: Vampire Attack (Part 2)

69.2K 2.4K 109
                                    


Kylla

Kasalukuyan kami ngayong nasa room namin at hinihintay si Shandice at Fire, mukha kasing na late sila ng gising kaya siguro huli sila. Gustuhin ko man silang gisingin kaso baka masunog ako ng wala sa oras. Alam mo naman ang isang 'yon, masyadong mainitin ang ulo. Wala yatang araw na hindi mainit ang ulo niya. 

Nagtaka na lang kami noong humati ang daanan ng mga estudyante dahil sa lakas ng hangin na matulin na papunta rito. Mula sa kawalan ay biglang iniluwa roon si Shandice. Natataranta ang mukha niya't parang hindi niya alam kung ano ang gagawin niya.

"S-si Fire! V-Vampires! Sa A-Arena" putol-putol nyang sabi habang hingal nang hingal. Nagkatinginan na lang kaming lahat dahil sa pinaghalong kaba at pagtataka.

"Fuck!" malutong na mura ni Xai. Sa tulong ni Shandice nag teleport kami papuntang arena. 

"Argh!" Naabutan namin ang isang bampira na naghihingalo na parang mamamatay na yata. Napaisip naman ako, paanong may nakapasok na bampira rito nang hindi man lang namamalayan ng Head Master?

"Give me the Crystal now." mahinahon ngunit malamig na wika ng isang babae. Kung hindi ako nagkakamali'y si Fire ang nagmamay-ari ng boses na 'yon.

"Haha! You can't get anything from me!" Tumawa ito na para b ang nahihibang na. Wala namang naging emosyon si Fire. She looks so dull and bored in either way.

Iyang mga bampirang 'yan ke aga-aga nambubulabog sila. Porket nasa kanila ang crystal, naglalakas loob na silang lumabas kahit umaga. Hindi pwedeng malaman ng mga estudyante na nawawala ang isa sa mga crystal nila dahil mababahala at mawawala lang sila sa kanilang mga sarili.

Using my own ability, gumawa ako ng Ice wall at ipinaligid sa amin. Umusbong ang malamig na usok sa paligid at sumaklob ang ala-yelong pader sa amin. Sa ganitong paraan, manantiling sekreto kung ano ang nangyayari rito sa loob. Walang makakakitang ibang estudyante at walang makakalam kung ano ang nangyayari.

"Any last words before you die?" Malamig nitong wika habang pinapaikot ang mahabang steel flute sa kamay niya. Sa kabila ng nakakapanindig balahibong tono ng pananalita nito, nagawa pa rin tumawa ng bampira na animo'y nababaliw na.

"Zientefero!" Pagkatapos niya itong bigkasin ay may lumitaw na tatlo pang mga bampira. Isang babae at dalwang lalaki. 

"Late commers always have a desirable punishment." Kaagad sumugod ang tatlong bampira sa kanya samantalang si Fire naman ay hindi gumagalaw sa kinatatayuan niya. Sa katunayan nga niyan ay kalmado lang ang mukha niya't hindi man lang nababahala sa ano mang posibleng mangyari sa kaniya. 

Aang vampire kasi hindi makakakita kapag hindi ka gumagalaw kaya kampante si Fire na nakatayo, pero sa hindi inaasahang pagkakataon napatigil sa pagsugod ang mga ito't biglang napalingon sa gawi kung saan nakatayo si Fire.

"Even though we are blinded we can still smell your power!" Sumugod ang babae kay Fire ngunit sa walang pag aanlinlangan na paglipad ng babaeng bampira sa kanya ay agad niyang itinaas ng kanyang kamay sa ere. Napasinghap na lang kami nang saktong pagtaas ng kamay niya'y hawak na niya sa leeg ang babaeng bampira.

Ang kinalabasan ngayon nakataas sa ere ang babaeng bampira habang hawak hawak ni Fire sa leeg. Napapabilib na talaga ako kay Fire. Lalo na sa mga bagay na parang napaka bihasa na nya sa lahat! Anong klaseng wizard ba kase siya? Sa tanang buhay ko hindi pa ako nakatagpo ng isang katulad niya.

The only way to kill a vampire is to pull out their heads or burn them to ashes. If she'll continue choking her, she could die at instant. Nakita ng dalawang mata namin kung paano mag-crack ang leeg no'ng bampira. Kitang kita din namin na walang kapangyarihan na ginamit si Fire kun'di mga kamay niya lang.

Legendary Academy: The Strongest Of AllWhere stories live. Discover now