13

2 0 0
                                    

Sumubo ako ng cereal habang nagbabasa ng listahan ng mga sangkap mula sa kahon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sumubo ako ng cereal habang nagbabasa ng listahan ng mga sangkap mula sa kahon. Pakay kong kabisaduhin ang mga nakasulat dito sa mga susunod na araw, kabilang na rin ang mga sangkap ng shampoo at ng sabong panghugas ng plato.

Baligho, alam ko, pero ano bang magagawa ko. Bagot ako.

Napagdesisyunan kong tumahimik muna sa bahay ngayon. Gugugulin ko ang buong araw kong nakahiga sa sofa habang kumakain ng tutong ng popcorn at ang huling salansan ng Cocoreos.

Hindi ko rin inabalang magpalit ng damit kaya nakapantulog pa rin ako ngayon. Ang mga disenyong tren ay tila bang nakangiti sa akin. Sa paglipas ng mga araw, natutunan kong pabayaan ang disenyo pero meron pa ring mga oras na natatakot ako dito.

Hindi ko gusto ang mga tren.

Bakit kasi ako nabitag sa isang mundo na nakasuot ng pantulog na tigmak ng mga tren? Ugh.

Kahit pa, napansin ko ring may lasa na ang cereal na kinakain ko. Tinakam ko ang mga labi ko at oo nga, nakakalasa na ulit ako.

Hindi naman sa nakalimutan kong lumasa, hindi. Sadyang kinakain ko na kasi itong mga pagkain na ito sa loob ng mahabang panahon na kusang namatay ang kakayahan kong lumasa para hindi ako agad magsawa.

Ngayon, gumagana na ulit ang panlasa ko na parang sinasabi sa akin na humayo at mabuhay ng kaunti. Ang pagiging buhay ay ang paglalasa, pawang sigaw nila sa akin. Siguro yun na yun.

Tinapos ko ang pagkain ng agahan at tumungo ulit sa sofa.

Ang kalat na ginawa ko noong isang araw, noong nag-alboroto ako, ay nalinis at naayos na. ANg paglilinis ng kalat ko ay sa tingin kong tanging dulot ng reset. Kaya kong sunugin ang buong Siyudad at maaayos na ang lahat bukas.

Na ginawa ko na, para sa kaalaman ng lahat. Nasa akin pa ang kwento kung anong nangyari noong araw na iyon sa aking talaarawan.

Napakanakakawiling panahon ang aking rebeldeng yugto.

Walang anuman. Ngayon, manonood ako ng TV. Lumipat-lipat sa mga channels. At ah, kailangan ko pa palang tignan kung kabisado ko pa ang episode nung Kung Ngingiti ang Langit. Masayang gawin iyon kapag nawalan na ako ng mga bagay na aabala sa akin.

Pinindot ko ang next sa remote at sinimulan ang araw ko. Napunta ako sa channel na nagpapalabas ng Kung Ngingiti ang Langit sa tamang oras. Ang dakilang intro ay tumunog. Sumayaw ako kasabay ng kanta nang walang pakialam kung bukas ang mga bintana ko at nakikita akong sumasayaw ng mga dumaraan.

Siguro kapag pinagpatuloy ko ito makakatikim na ako ng sikat na holy water ni Pastor Frank.

Biro lang.

Nagpatuloy ang episode, ang aking bibig at alaala ay sinasabayan ito. Alam ko ang bawat linya, bawat emosyon, at bawat sandali. Ginaya ko ang ilan, katulad nang pagsampal ng bida sa kabit ng asawa niya.

A Thousand Mornings AgoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon