Dane's POV
Lumipas ang ilang buwan at nagpatuloy ang aming fake relationship, so palagi na sabay kaming pumasok ni antipa--- I mean mahal pala.
Hutaena I want to puke everytime that I call him "mahal"
Hatid sundo niya na rin ako dahil ganun daw ang lovers. So ako pumayag na din less gastos din ee HAHA. Kahit na napag-usapan na rin naman namin na hindi na kailangan dahil hindi naman kami nakikita ng parents niya ay nagpumilit na rin siya para masanay daw kaming pareho. Lame man ang excuse hindi ko nalang pinansin
Pumasok kami ng campus at lahat naka tingin sa amin pano ba naman ang isang campus prince at ang isang pranka queen magkaholding hands. Hindi pa sila nasanay parang palaging first time -.- Well dahil kasi sa bibig ni Andy nalaman ng lahat so another acting na naman dito. Sus ano to, workshop?
Tsss
Lumapit sa amin ang isang girl na feeling close .
"Hi po ate/kuya ^___^ bati sa amin. nung girl na mukhang freshman
"Kapatid ba kita? Kapatid ka ba niya? Kung maka ate ka kilala ba kita? -.-' "
"Hindi po. Gusto ko lang po sabihin bagay po kayo." ang sabihin mo gusto mo lang magpapansin
"Tsss. Ano kami lamesa? Pintuan? Bag? Upuan? Papel? Bote? Nag-iisip ka ba? Hindi ba kami tao? Alis na nga." ka aga aga ang daming pakielamera. Mabuti na yung ganito ako atleast alam nilang hindi ako basta basta.
Umalis na yung FC (feeling close) girl naramdaman ko namang he squeezed my hand.
" What?!"pati tuloy siya napagbuntungan ko ng inis ko
"Mahal you're so mean."
"Can you please stop calling me mahal? Its so baduy." command ko
"Cute nga e kasing cute mo." nakuha pa niyang pisilin ang ilong ko
"Im not a dog." waksi ko sa kamay niya
"Sssh. Tara na nga sa classroom. Cool and relax ka lang. "
"Okay." Nagkibit balikat nalang ako.
So Ayun nga nagtitinginan pa rin ang mga student sa amin sarap dukutin ang mata e.
After a long time discussion uwian na. TGIF ( Thanks God its Friday)
Nagplan ang barkada na gumimik sa isang resort. Over night daw e.Kami naman ni Reign nagpaalam kay Tita from London at pinayagan naman kami.
"Reign, sasama pa ba tayo?"actually bigla akong tinamad
"Malamang andun kaya si Tim." kinikilig na sabi ng bruha mukha namang naka move on na siya kay Rayven dahil may bago na siyang kinababaliwan. Mula ng ipakilala ko siya sa barkada hindi na mapigilan ang bibig niya sa kakabanggit ng pangalang Timothy. Kesyo raw ang gwapo ni Tim, ang hot ni Tim, ang talented ni Tim, inlove na ako kay Tim kahit na hindi naman talaga siya pinapansin ng binatang kinababaliwan niya.
"Okay pero ihanap mo ako ng sando at short dyan."request ko wala kasi ako sa mood mag empake dahil nga sinaniban na naman ako ni kagtamaran.
"Huh? Anong gagawin mo dun." napahinto siya sa pag-aayos ng gamit niya para hintayin ang sagot ki
"Kakainin Reign. Siguro kasi hindi sinusuot yun diba?" bakit ba kasi kailangan pabg itanong yung mga bagay na obvious na?
"Sure ka bang yun ang susuotin mo? Kadiri hah. Siguro puro peklat ang legs mo o kaya may hadhad ka buni alipunga o kaya almoranas." Saan naman kaya galing yung ideyang yun
BINABASA MO ANG
This Prangka Girl
HumorIm not a judgmental person Im just describing what I saw. Hindi din ako pranka nagsasabi lang ako ng nafe-feel ko. so kung hindi mo maintindihan wala akong Paki as long as I know na nasa Tama ako sasabihin at sasabihin ko parin kung ano ang gusto...