Kabanata 42

20 3 13
                                    


Nagpaalam ako kay Selene at Nikko na magpapahinga dahil medyo sumakit ang ulo ko, naintindihan naman ako ng dalawa.

I was walking in the lobby of the hotel when I saw Harvey. He's holding his phone and I think he's talking to someone. I walked directly to the elevator and waited for it to open. I quickly get inside when it opened and pushed the button of my floor where my room is but before it closed, Harvey walked in.

There's an awkward silence between us. I don't want to talk to him because I don't know what to say and as far as I remember we are not friends anymore. I just look in front but it was a mistake because he was looking at me through the reflection of the door.

I cleared my throat. "Stop staring at me."

"I-i'm sorry, I j-just.. Well, you look beautiful," he said.

Pakiramdam ko ay namula ang buong mukha ko sa sinabi niya kaya bumaling ako sa kabilang gilid.

"I'm sorry sa nangyari kanina," sabi niya.

"Hindi mo kasalanan," sagot ko naman kahit hindi tumitingin sa kanya.

Bakit kasi ang bagal ng elevator dito?

"Are you staying here for tonight?" he asked.

"Yeah.."

"Can we talk?" he asked again.

"We are literally talking now," I said.

"No, let's talk about-

The elevator opened and it's already on my floor number. I quickly walked out of the elevator before he could finish his sentence but he followed me.

"Allanah.. please?" he said while following me.

I stopped walking. "I'm tired."

I am in front of my room now but before I opened it I turned to him.

He was looking at me intently before he nodded. "Okay, good night, Allanah," he said and then walked away.

I watched him walked towards the elevator before I went in to my room.

Nang pumasok ako sa kwarto ay mas lalo ko lang naramdaman ang pagod. Gusto ko na lang matulog pero nag-shower muna ako dahil nararamdaman ko na ang alikabok sa katawan.

Agad naman akong nakatulog nung nakahiga na ako. Bukas na ako mag-iisip tungkol sa mga bagay bagay.

**
Nakasabay ko si Selene at Nikko sa elevator para bumaba at mag-breakfast.

Kukunti lang daw ang nag-stay dito sa hotel kahit sila naman ang nagbayad dahil may kanya kanyang pamilya na din naman ang iba naming kaklase.

Kaya lang naman ako nagdesisyon na manatili dito ay sinusulit ko ang leave ko at para makapag relax na din.

"Ysabel, mabuti naman at nakapagleave ka sa trabaho mo, naku, kailangan lumabas labas ka din para naman makapag-asawa ka na din katulad nitong si Selene," bungad sa akin ng Mommy ni Selene.

Lahat ng guest na invited ay sabay sabay pala kakain ng breakfast. Mabuti na lang at bumaba ako agad, nakakahiya naman kung magpapahuli pa ako.

"Naku, tita, busy po ako. Wala pa po akong oras para diyan," sagot ko.

"Kailan ka pa magkaka-oras? Kapag 40 ka na?" sabi niya at natatawa.

"Wag mo nga i-pressure si Ysabel, Mommy, dadating din tayo dyan," singit naman ni Selene.

Bakit ba lahat sila ay minamadali akong mag-asawa. Si Mama, palagi na din akong tinatanong kung may boyfriend na ako at nagagalit kapag sinasabi kong wala. Kasalanan na ba ngayon ang maging single?

"Anong oras ang flight nyo papuntang Korea?" tanong ko kay Selene. Doon kasi ang honeymoon nila at ang alam ko ay ngayong araw ang flight nila.

"Mamayang gabi pa," sagot niya habang kumakain.

"Uuwi na ako pagkatapos nito," tukoy ko sa pagkain.

"Naku, tamang tama. Isasabay ka ni Harvey," singit ni Nikko.

Nabulunan ako sa sinabi niya dahilan para mapatingin sa akin ang iba nilang kamag-anak. Inabutan ako ni Selene ng tubig at mabilis kong ininom iyon. Saka pa lang ako nakarecover at napatingin kay Harvey na kakaupo lang.

Hindi ko alam na nag-stay din pala siya dito.

"Di ba, 'bro? Pupunta ka kay Lola Helena, isabay mo na si Ysabel," pagpupumilit ni Nikko.

"Hindi na, magpapasundo na lang ako kay Adrian, malapit lang naman," sabi ko nang nakatingin kay Nikko at pinanlalakihan ko siya ng mata.

"Okay lang din naman na sumabay ka sa akin," sabi ni Harvey kaya napalingon ako sa kanya.

"Okay lang naman pala, G na yan Ysabel, parang wala naman kayong pinagsamahan niyan," pang-aasar ni Nikko.

Napabuntong hininga na lang ako at hindi na nagsalita para hindi na humaba ang usapan.

Pagkatapos kumain ay bumalik ako sa kwarto at niligpit ang mga gamit ko at nilagay sa bag. Kumatok muna ako sa kwarto nina Selene para magpaalam.

"Uuwi na ko," sabi ko agad pagkabukas niya ng pinto.

"Bakit ba nagmamadali ka? Mag-sswimming pa sana tayo oh," sambit niya.

"Si Nikko?" tanong ko, binalewala ang sinabi niya.

"Naliligo. Mag-usap na kayo ni Harvey para ma-settle niyo na iyong issue niyo," sabi niya out of nowhere, pinapasok niya pa ako sa kwarto at mukhang maraming sasabihin.

"Wala naman akong sasabihin saka past na iyon, tapos na yun."

"Sabihin mo sa kanya iyong naramdaman mo noon," sabi niya.

"Bakit pa? Hindi na kami katulad ng dati, wala nang dahilan para sabihin ko iyon dahil nakamove-on na ako,"

Umiling iling siya bago nagsalita ulit.

"You know, I really like Harvey for you. Si Nikko din, lagi niyang sinasabi na sana kayo na lang daw dalawa ang magkatuluyan. Kaya nga tuwang tuwa yan kagabi," seryosong sabi niya.

I remained silent.

"Minsan kasi comfort din sa amin na kilala namin iyong taong magugustuhan mo kesa sa bagong tao na naman na hindi namin alam ang ugali at pagkatao," dugtong niya.

"Oo nga, Ysabel. Kahit pagbigyan mo na lang na mag-usap kayo, wag na kayong mag-aksaya ng panahon dahil alam kong patay na patay pa din sayo yung lalaking yun," sabi ni Nikko na hindi namin namalayang nakalabas na pala sa C.R.

"Alam nyo, mga desisyon kayo eh! Wala pa nga sinasabi iyong tao saka hindi ito madali sa akin, alam nyo naman di ba?" sagot ko sa kanila.

Hindi ko alam kung bakit naging emosyonal ako bigla at alam kong alam nang dalawa iyon kaya tumayo sila at sabay akong niyakap.

"Wag nyo na akong isipin, if it's meant to be, it will happen," I said.

"It will not happen if you keep on ignoring him," sabi ni Nikko na parang nanenermon.

I know.

I just want to take my time because if I'm going to risk everything again, I hope it will be worth it this time.

I can no longer afford another heartbreak from the same person.

All Of The StarsWhere stories live. Discover now