"Hindi naman halatang pinaghandaan mo ang pagtulog dito." natatawang ani Quincy habang nakatingin sa mga gamit ni Cameron na nakalatag sa kama.
Nandodoon ang ilang pares ng damit at mga personal na gamit ng binata. Kasama narin ang unipormeng susuotin nito kinabukasan.
"Of course. Ito ang unang beses na niyaya mo akong matulog sa apartment mo Baby. Sulitin na natin." natatawang sagot ni Cameron habang may kinakalikot sa loob ng kanyang bag.
"Nasaan nga pala si JP? Mag-isa siya sa bahay niyo?"
"No. Umuwi siya sa magulang niya."
Tumango-tango naman ang dalaga at naglakad papalapit sa kama. Umupo siya doon saka pinagmasdan ang binata sa ginagawa nito.
"Suotin mo ito."
Dahan-dahan nagbaba ng tingin si Quincy sa damit na hawak-hawak ni Cameron.
"Ano yan?"
"Wag ka ng masyadong maraming tanong. Suotin mo." utos nito at wala naman siyang nagawa kundi kunin iyon.
Kinuha niya ang kanyang tuwalya na nakasabit bago pumasok sa loob ng banyo. Tiningnan niya ang terno ng pantulog na ibinigay ni Cameron. Simple lamang iyon, kulay pink na gawa sa silk ang tela. Natigilan siya ng makita ang nakasulat sa likod noon.
Mrs. Safstrom
"Iba pala talagang ma-inlove ang isang Cameron Safstrom." natatawang wika niya sa sarili.
Hindi narin siya nagtagal pa doon at mabilis na naligo. Paglabas niya ng banyo, mukha agad ni Cameron ang bumungad sa kanya. Nakasandal ito sa pader habang naka-krus ang braso at paa. Nakangiti pa ito habang pinag-aaralan ang kanyang itsura.
"Smell so good Baby."
Nagtayuan ang balahibo sa katawan ng dalaga ng maramdaman ang mainit na hininga ni Cameron na dumampi sa kanyang leeg.
"Ma-li-go ka na don Cameron." nauutal na utos niya at mabilis na dumistansya.
Tumawa-tawa naman ang binata saka nagtungo sa banyo para rin maligo. Sinamaan niya pa ito ng tingin bago magtungo sa kusina para magluto ng kanilang hapunan.
"Baby I'm ready!" masayang sigaw ni Cameron dahilan para tingnan siya ng dalaga.
"Tsk ready saan?"
"Handa ng i-kama mo." halakhak na sagot ni Cameron at kaagad naman siyang sinamaan ng tingin ni Quincy.
Dahan-dahang lumapit si Cameron sa likuran ng dalaga. Gamit ang dalawang kamay, ipinulupot niya iyon sa bewang nito habang ang kanyang ulo ay nasa balikat ni Quincy. Napangiti naman ang dalaga dahil sa kilig na naramdaman dahil sa ginawa ni Cameron.
"You know what Baby? I would love to be with you. I want to serve you as your husband. I wish I was just by your side until the end of the day." naglalambing na bulong ng binata sa kanya. "I will court you every day, I will tell you every day how beautiful you are, I will take care of you every day, I will watch over you every day until you sleep, I will dance with you every day and sing sweet songs."
YOU ARE READING
Loving You Is A Losing Game
General FictionDifferent person but the same affection Opposite identity but the same affinity A kind of person with a different lifestyle and beliefs in life and a woman who has a peaceful world. Cameron is his name, the most annoying man in the entire universe...