CHAPTER 9 : BAGONG BAHAY BAGONG BUHAY
Ken's POV
Namamangha talaga ako sa ganda ng bahay ni Daddy dahil sobrang laki at sobrang ganda nito.
"Uy Cupcake! Hatid na kita sa kwarto mooo!"Ani ni Kuya na parang bata ang kasama
"Sige kuya saan ba banda kwarto ko?"Tanong ko sa kanya
"Nasa taas yung mga kwarto.Halika tulungan na kitang tumayo nang makaakyat na tayo."Aniya at tinulungan akobg tumayo kahit kaya ko naman talaga ay umarte nalanga kong nahihirapan.
"Tara na sa taas."Sabi pa ni kuya at tinalalayan akong nakaakyat.Sa gilid ng mata ko ay nakikita ko ang mga katulong na nakatingin samin pero hindi ko nalang sila pinansin hanggang sa makaayat na kami.Kaharap na namin ngayon ang isang pintuan.
"Ito na ba kwarto ko,Kuya?"
"Ha? Hindi no! Kwarto ko to."
"Kung ganun pwede mo bang sabihin sakin bakit ako nakatayo sa harap ng kwarto mo,kuya?"
"Pinapaalam ko lang sayo na nandito kwarto ko at pag may kailangan ka,wag kang mahihiyang kumatok dahil langing bukas yan para sayo...Ang kwarto mo naman ay nandito katabi lang nung akin,nadaanan na nga natin yun kanina eh."Sabi niya at dinala ako sa kwartong katabi lang ng kanya.Binuksan niya ito at pumasok kaagad kami Namangha ako dahil sobrang ganda,napakalaki ng kama,napakagabda ng pagkakadesinyo tapos kita mo yung loob ng banyo mula dito sa labas.
"Ganda no?"-Kuya Drake
"Sobra...Napansin ko lang,bakit pinto lang ng kwarto natin yung nagkapareho ng design? Pero yung iba magkaiba?"-Ken
"Ganun talaga yun,para yung marks.Ibig sabihin ng mga yun kwarto ng mga anak...Haha,sige iwan na muna kita dyan,ipapahanda ko lang kay Manang Cecil yung makakain mo.Magpataba ka Cupcake auh! Ang payat payat mo na eh..."Usal ni Kuya at kinapa ang both-side ng abdomen ko.Dahil dun ay nautulak ko si Kuya ng hindi sinasadya.
"Nakakarami kana sakin kuya tama na!"Bulyaw ko sa kanya at tsaka umupo sa kama. Shuuuuutsss!!! Sobrang lambot ng kama! Di tulad nung kutchun ko sa dating bahay namin kapagkatigas!!!
Third person's POV
"Sige na nga! Pero seryoso kumain kang mabuti auh!"Saad ni Drake tsaka lumabas na ng kwarto ni Ken pero agad din naman itong bumalik nang may maalala.
"Nga pala! Bibisita mamaya yung mga kaibigan kong Gang leaders sa school na pinapasukan ko,gusto kitang ipakilala.Magayos ka ah!"Halos sa lahat ng oras ay masayahin si Drake kapag kaharap niya si Ken gaya ngayon.Tumango lang si Ken bilang sagot kaya umalis na din si Drake.
A few minutes later...
Naantala si Ken sa paguusisa ng kabuuan ng kwarto niya dahil sa isang katok.Binuksan niya iyon para malaman kung sino ang nasa labas.
"Ah sir pagkain niyo po."Maligalig na bati ni Manang Cecil kaya tinugunan din iyon ni Ken ng matamis na ngiti at pinapasok ang katulong.
"Kayo pala si Manang Cecil?"Panimula ni Ken nang mailapag na nito ang tray ng pagkain sa table katabi ng kama ni Ken.
"Ah Opo,ako po si Cecilia Lizares,Pero Manang Cecil po talaga ang tawag nila sakin dito."Maligalig na usla ni Manang Cecil
"Kayo po pala yung isa pang anak ni Sir Dennis?"Pagiiba nito sa usapan
"Opo..."Tugon ni Ken tsaka umupo sa kama
"Ang gwapo niyo po sir.Manang mana kayo sa ama niyo,kayo ni sir Drake."Pambobola nito.Kanina pa nakikinig si Ken sa puso ng babaeng nasa harap niya kaya alam niyang hindi ito nagbibiro o nagsisinungaling.Sinabayan nalang din ni Ken ang trip ni Manang Cecil.
"Kayo naman po Manang,masyado naman po kayong honest niyan!"Pagbibiro sa kanya ni Ken
"Oh bakit sir? Akala niyo po ba nagbibiro ako? Naku,hindi po! Kahit ipagtanong niyo pa po sa ibang mga kasamahan ko kung niminsan nagbiro ako.Tapat po akong tao sir kaya hindi po ako nagbibiro."
"Naku hindi na po kailangan alam ko po kung nagsisinungaling kayo o nagbibiro.Ano po ba itong dala niyong pagkain?"
"Ay sir si Ma'am Hillary po nagsabing ipagluto ko kayo ng Sopas with Eggs and lots of veges.Meron po yang Carrots,Patatas,Repolyo,Kalabasa,malunggay leaves at ang pinakamasarap sa lahat...Parsley leaves! Sabi po niya sir yan daw po ang gusto mong kainin kapag may sakit kayo?"
"Ah opo,nabasa ko po kasing mainam sa may dinadamdam ang masustansyang pagkain.Sarili ko pong recipe yan actually.Wag niyo pong sasabihin sa iba ang sekret9 nito ah?"Pabulong na sambit ni Ken sa huling parte.Itinaas naman kaagad ni Manang Cecil yung kanang kamay na parang nanunumpa.
6:00 pm...
Buong araw ay nasa loob ng kwarto si Ken habang pinapagaling ang sariling sugat.Matagal talaga iyong gumaling dahil nakuha niya yun noong tao palang siya.Napatigil ito sa ginagawa nang biglang bumukas yung pinto.
"Nak,di ka pa ba natutulog?"Bungad sa kanya ni Hillary
"Mom...Alas saiz palang kaya at isa pa tatlong araw ako natulog kaya gising na gising kaluluwa ko ngayon tsaka namamahay ako Mom eh.Naninibago pa ko."Naiilang na sambit ni Ken
"Ganun ba nak? Anyway,kaya lang naman kita pinuntahan dahil gusto kong sabihin sayo na may aasikasuhin lang kami ni Daddy Dennis mo sa munisipyo.Kaya...iiwan muna kita sa Kuya mo.Wag kang magalala,ipagluluto kita ng paborito mong kaldereta."-Hillary
"Sige mom,bababa nalang po ako mamaya,pagkainan na."-Ken
"Sige...Ay oo nga pala,nasabi sakin ng kuya mo na bibisita dito mamaya yung mga kaibigan niya sa pinapasukan niyang eskwelahan.Gusto ko sanang maging mabait ka sa kanila para magkaroon ka din naman ng kaibigan."-Hillary
"Mom...May mga kaibigan naman po ako,sila nga nagbantay sakin sa ospital halos buong linggo diba nga?"-Ken
"Mga kaibigan mo ba talaga yun o mga katulong?"-Hillary
"Mom..."
"Okay Okay.Kaibigan na kung kaibigan.Basta Ken ah,be nice."-Hillary
"Okay mom,copy."-Ken
"Oh sige aalis na ko ngayon,wag kang magalala Ken masasanay ka din sa bagong buhay nato."Wika ni Hillary at lumabas na ng kwarto ni Ken.
Fast Forward
Ken is making himself busy sa pagkakalikot ng cellphone niya nang marinig niyang may kumakatok sa Pintuan ng kwarto niya.
"Sino yan?"
"Sir ako ho to."
"Oh Manang Cecil? Bakit po?"Magalang na tanong ni Ken
"Nakahain na po yung pagkain sa dining room,Sir.Nandito na din po yung mga kaibigan ni Sir Drake,pinapatawag niya na nga po kayo.Nasa dining room na po sila ngayon at hinihintay nalang kayo."Mahabang paliwanag ni Cecil